Chapter 1: The Dreamers (Sassy Cameron)

17 1 0
                                    

Journey
to the World of
Dream

This is work of fiction. Names, characters, business, places, events, and incidents are either the products of author's imagination or use in a fictitious manner. Any resemblance of actual person living or dead is purely coincidental.

Warning: Typographical Errors Ahead.

* * * * * *

Meet Sassy Cameron


"Bili na po kayo ng maruyang saging, mura lang po limang peso lang."-Sassy

Iyan si Sassy Cameron,labingpitong  taong gulang.
Ang sosyal ng apilyedo niya diba?pero kabaliktaran non ang totoo niyang buhay .Araw-araw siya nagtitinda ng saging bago pumasok sa paaralan, kung wala siyang kita sinasaktan siya ng kanyang madrasta at mga step sister.

Parang Cinderella ba?pero hindi, dahil sa fairytale lang iyun nangyayari at hindi sa reyalidad.Nakatira siya kasama ang madrasta at step sister niya sa maliit na kubo sa probensya ng San Andreas.

"Ining,pabili nga ako isang peraso!"Si aling Manding ang kanyang suki, batid nito ang pinagdadaan niya sa kamay ng kanyang madrasta.

"Heto po, aling Manding salamat po."binigay niya kay aling Manding ang isang saging na maruya.

"Ining kumusta ka na?"tanong nito sakanya.

"Heto po, humihanga parin."Sagot Niya nito.

"Basta, ining pagkailangan mo ng tulong, nangdito lang kami ni Estor handang tumulong sayo."si mang Estor ay asawa nito.

"Okay, lang naman po ako aling Manding.Kaya ko pa naman po."Saad niya.Kahit sa loob ng puso niya at hindi na niya kaya at nahihirapan na siya ay hindi niya magawang sabihin sapagkat ayaw niya itong magambala sa sariling buhay.

"Sige po aling Manding ,mauna na po ako kailangan ko po kasing maibinta to lahat.Maraming salamat po."nagsimula na siyang maglakad ng dahandahan palayo nito.

"Oh siya sige ining ,magingat ka."ngumiti rito at naglakad na papalayo.Kailangan niyang makabinta ng marami,para makasama sa journalism contest ng paaralan niya.Kinakailangan niya kasing magdala ng kahit maliit na pera,pambili ng makakain.

___

Dapit hapon na nang siya'y nakauwi sa kanila at naubos lahat ng maruyang saging na binita niya. Pagod na pagod siya at uhaw na uhaw, dag-dag pa ang nanakit nyang mga paa sa kakalakad.

"Oh,nangdito kana pala Sassy, nasan na ang pera ibigay mo sakin!"si Rika ang isa sa tatlo niyang step sister. Napakasama ng ugali nito at palagi siyang sinasaktan.

"Pero, Rika magagali-arayy.."hinawakan nito ang buhok niya at hinila.Napaiyak siya sa sakit ng ulo niya.

"Sabing akin na,wala ng pero-pero!"galit nitong saad.
Kinuha niya ang lahat ng kita niya sa kanyang bulsa at binigay rito.

"Ibibigay rin naman pala nagtitigastigasan pa,ayan tuloy nasaktan ka."mataray nitong saad sa kanya.Gusto niya itong awayin subalit ayaw niya ng gulo, kung kayat hinahabaan niya ang pasensya at pilit iniintindi ito.

"Oh heto,wag na wag kang makakamaling magsumbong kay inay kung hindi lagot ka sakin."Sabi nito at naglakad na paalis.Tiningnan niya ang perang hawak niya ngayon, tumulo ang luha niya ng mabilang ito. Isang daan nalang ito napakaliit sa kabuoang kita niya na dalawang daan.Kinakabahan siya sapagkat natitiyak niyang magagalit ng sobra ang kanyang madrasta pagnalaman ito.

Journey to the World of DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon