Balik Tayo Sa Umpisa

5 2 0
                                    

Sabi nila...

Pag dinadaw tayo masaya
Wag agad natin tapusin
Yung relasyong meron satin
Bagkus ay bumalik sa umpisa

Ano tara?


BALIK TAYO SA UMPISA

Sa umpisa kung saan tunay ang saya
Sa umpisa kung saan tanging pag mamahal lang ang madarama
Sa umpisa kung saan dama ang kilig para sa isat isa

Balik tayo sa umpisa,
Doon Sa umpisa ng pag mamahalan nating dalawa

Samahan moko
Bumalik tayo sa dulo
Balikan natin ang lugar kung saan tayo nangako
Balikan natin ang panahon kung saan ang mga pangarap natin ay nabuo

Sasamahan mo bako?
O hahayaan nalang natin na mag laho ang mga pangako
Sasamahan mo ba ko?
O sasanayin kona ang sarili na wala ka sa tabi ko
Uulitin ko,
Sasamahan mo ba ako?
O tatakbo kananaman at lalayo

Tila sumasang ayon si tadhana sa gusto ko
Sinamahan moko patungo sa dulo
Tanging ligaya ang nadarama ko

Habang papalapit sa dulo
Tila sasabog ang dibdib sa nadarama ko
Ligaya, lungkot, kilig, sakit? Bakit Hindi ako sigurado

At pag dating natin sa dulo
Tila tumigil ang mundo ko
Ng Unti unti mong binitawan ang mga kamay ko
Sabay ng pag bitaw ang pag patak ng mga luha sa mata ko

Sinamahan moko hangang dulo
Upang Bumalik sa umpisa
Sa pinaka umpisa ng storya nating dalawa
Kung saan ikaw at ako ay hindi pa mag kakilala
Ngayon malinaw na sa akin na ayaw mo na

Pinapalaya na kita

Mahal...
Malaya kana


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 19, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Balik Tayo Sa UmpisaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon