𝒯𝒽𝒾𝓃𝓀 𝒻𝑜𝓇 𝒶 𝒻𝒶𝒸𝓉 𝓉𝒽𝒶𝓉 𝓅𝑒𝑜𝓅𝓁𝑒 𝓌𝒽𝑜 𝒸𝒶𝓃𝓃𝑜𝓉 𝒽𝑒𝒶𝓇 𝓈𝑒𝑒𝓈 𝒸𝓁𝑒𝒶𝓇𝑒𝓇.
Lovely
"When the night has come
And the land is dark
And the moon is the only light we see..."I am busking for the nth time sa paborito kong lugar, ang park. Nakalatag ang guitar cover ko at doon nilalagay ng mga taong dumadaan ang kaunting pera tuwing mayroong natutuwa sa pagkanta ko. Minsan naman ay may maririnig din akong, "Bigyan mo ng limos oh."
Ang tingin ng mga tao sa buskers ay nanglilimos ng pera ngunit para sa akin ay trabaho ito. Minsan pa ay tinatanong kung hindi daw ba ako nahihiyang kumanta para 'manlimos.' Mahal ko ang musika at kailanman ay hindi ko ito ikakahiya.
"Lintik, Lovely tigilan mo yang pagitagitara mo sa labas at nanglilimos ka pa?" Nagulat ako sa pagdating ni Mama. She plugged out the amplifier cords that was connected to my guitar and microphone. "Hindi ka mapapakain ng pagtugtog na 'yan!"
"M-ma nakakahiya 'wag po dito."
Nakayuko nako sa sobrang hiya dahil may mga tao na nakitingin at parang narinig ang sigaw ni Mama.
"Ligpitin mo 'yan kung ayaw mong sirain ko 'yan, umuwi ka na bilisan mo."
Amidst of my mom's tantrum ay napansin ko ang isang lalaki na nakaupo sa park bench sa hindi kalayuan at nakatitig saakin. Napaiwas ako ng tingin nung magtama ang mata namin. Pakiramdam ko ay hanggang doon rinig ang usapan namin ni Mama.
"Ma, hindi po ako uuwi. Mahal ko po ang musika. May mararating po ako, ipapakita ko sainyo."
"Yan ang gusto mo? Sige, 'wag kang umuwi. Tignan natin kung gaano magtatagal yang kahibangan mo! Punong-puno na'ko sayo!" sabi niya bago umalis.
Napapikit ako ng mariin. Nakakahiya. With my callous fingers, I reconnected the cords na inunplug ni mama sa aking gitara at mikropono. I tried to regain my composure at nagsimulang magstrum ng gitara.
Nanginginig ang kamay ko kaya nung kumanta ako ay nanginginig na din ang boses ko. Nakita kong may mga taong nagtawanan na at ang iba ay napailing dahil sa narinig na nakakahiyang pagtugtog. Maya-maya pa ay napigtas na din ang string ng gitara.
"Ang pangit ng tugtog. Wala pa yata sa tono yung gitara," rinig ko ang bulungan.
I feel like giving up my dream.
Ang lalaking kanina'y nakatingin ay mas malalim na ang titig ngayon. Nung muling nagtama ang mata namin ay ngumiti siya. His smile looks genuine pero nangaasar ba siya? Napairap ako.
BINABASA MO ANG
Forever Ago
Short StoryLife, thoughts, love. Different one shots in a book. - Filipino/English