"Ring ring ring ring" tunog ng cellphone ko. Nakuha ko ang atensyon nang iba kaya kinuha ko ng mabilis ang phone ko
"Tumatawag si lolo? Bakit kaya" bulong ng isip ko
Nasa school ako nang biglang tumawag si lolo. Mabuti nalang at tapos na ang klase. Hindi ko alam kung bakit siya napa tawag kaya naman sinagot ko na ito
"Hello lolo? Bakit po?" Tanong ko kay lolo.
"Uhm if you don't mind apo, pwede ka bang pumunta dito sa bahay kasi may mahalaga kaming sasabihin sayo. Tapos na ba yung klase nyo?" sabi ni lolo
Napakunot naman ang noo ko sa sinabi niya. Nakakapagtaka dahil madalang lang kung tumawag si lolo sakin.
"Opo katatapos palang po. Just wait for me, im on my way na" bagamat nakakapagtaka ang mga nangyayari ay dali dali kung kinuha ang bag ko at umalis.
"Sige, hindi na kita iistorbohin. Sige na, magingat ka ha" paalala ni lolo sakin
"Yes lo" Binaba ko na ang tawag. Nasa hallway na ako papuntang gate. Kunti nalang ang tao dahil yung iba ay nagsiuwian na
Mas binilisan ko pa ang paglakad. Ayokong malate sa mga ganitong okasyon. Ayoko nang maulit yung nangyari noon.
Nakakatakot baka malate ako. Ayaw pa naman ni daddy na nalelate ako kapag may okasyon.
Tinignan ko ang phone ko para icheck ang time, 4:40 na nang gabi. Dali dali kung binalik sa bag ang phone ko.
Tumakbo na ako para mas mabilis.
____________________________________________
Mga ilang minuto pa ay narating ko na ang swimming pool area. Walang katao tao ang pool maliban sa isang janitor.
Lakad lakad lakad.
Wala akong tigil sa kakalakad. Alam ko kung pano magalit si papa. Paniguradong papagalitan na naman ako kapag nalate ako
Mga ilang sandali pa ay nasa labas na ako ng skwelahan. Nakita ko na ang kotse ko. Mabilis kung binuksan at nakita ko si Gerard, bagong driver ko. Hindi ko siya gusto, masyado siyang bata. Parang kaedad ko lang
Nasa backseat ako nakaupo. Ayoko sa front seat dahil hindi pa kami close ni Gerard.
Kinuha ko muna ang phone ko. Nag scroll scroll lang ako sa timeline ko. Wala akong magawa kaya nanood nalang ako sa YouTube
Mukhang matagal pa ang byahe kaya tinanong ko na ito. Nababagot na ako kanina pa
"Kuya matagal pa ba? Malelate na ako niyan eh" pagpapaalala ko kay Gerard.
"Wait po sir, maghintay kalang. Sadyang maraming pasikot sikot itong lugar niyo" sabi nito
Wala na akong nagawa kundi ibaling nalang ang atensyon ko sa cellphone.
Ayoko talagang malate, kasi yung last time na nalate ako sa party ni daddy. Pinagalitan niya ako ng sobra. Pinahiya ko daw siya.
Eh ano namang magagawa ko dun eh may projects pa kami.
Yan ang dahilan kung bakit ayoko nang malate pag may announcement or okasyon sa bahay.
I swear, hindi niyo kaya yung galit ni daddy.
____________________________________________
Huminto na ang kotse. Hudyat na nasa mansyon na ako.