Chapter Two ~~The beginning

503 12 12
                                    

Jaymie's POV

"Ms Eddiva.. are you listening? aba! di porque marunong ka at active sa klase ko eh may dahilan ka na para wag bigyan ng atensyon at interes ang klase ko..GO OUT"

Biglang nabuhay ang diwa ko.Na realize kong kanina pa pala ako tulala.. Oo nga pala ayaw na ayaw ni ma'am Reyes sa hindi nakikinig.Patay pinalalabas pa ako? pero ayoko.Napayuko na lang ako sa kahihiyan..

"P-pero ma-ma'am.." gusto ko pa sanang  mag explain kaso naputol ito nang magtama ang mga mata namin. Nagliliyab ang mga mata nya halatang wala syang pakialam sa explanation ko. muka syang torong umuusok pa ang ilong hahahahahahahaha.. lihim akong natawa sa ekspresyon ng muka nya pero ayoko parin lumabas eh.

"ma-ma'am..? kasi po.." sinubukan ko ulit mag explain pero biglang may humawak sa mga balikat ko at hinila ako palabas ng room. Kahit ayoko pang lumabas ng room ay parang may kung anong puwersa ang bumulong sakin na..

"lumabas ka na kasi ella" bulong sakin.

medyo natakot ako sa boses nya. Pamilyar yun hindi kaya?

nasa labas na ako ng room bago ko na realize na TAMA! si Triple X nga yung humila sa akin.

"kilala ko si ma'am pag nagalit.. ngayon ka lang kasi nya nasita kaya di ka informed..."

"i-informed san?"

"hays. naman oh.. sa kung pano sya magalit? matalino kung turingan"

"teka nga.. kung maka hila ka naman kanina akala mo close tayo?duh."

"ayoko lang nang may umiiyak na babae. Akala mo naman gustong gusto ko rin na hinihila ka? eeeew"

"Yuck! talo mo pa ang bakla maka eeew dyan ah. at panong iiyak pinagsasabi mo?"

"iyak dahil napagalitan." sagot naman nya

"bahala na nga. maiwan na kita"pamama alam ko.

pa alis na talaga dapat ako kaso hinila nya ulit yung kamay ko na naging sanhi ng pag ikot ko paharap sa kanya.

tinitigan ko sya ng masama gusto kong iparamdam sa kanya na wala akong pakialam sa sasabihin nya basta aalis ako..

sya kasi si TRIPLE X. Sya yung tipo ng mayabang, siga, stupido, baliw, arrogant, Playboy, at higit sa lahat na di ko pwedeng HINDI maisama sa description ko sa kanya, BULLY!  i hate bullies..i hate them! i hate him!

"Hey. kung maka tingin ka naman sakin akala mo papatayin mo na ako." bigla syang nagsalita

"ha? s-sorry" nahiya tuloy ako.. tinitigan ko pala sya?

well sya si XYRUS XANDER XEO DE VEGA ang full name nya and he's my classmate. Gwapo? gwapo naman sana kung di lang mukang pwet -__- ewan ko ba bakit lagi syang pinagti-tilian ng mga girls na kerengkeng sa school as if naman papansinin sila ni triple x? aba! CRUSH NG CAMPUS MGA GANUN? may pagka mysterious kasi tong mokong na toh.

Varsity Player sya  ng school namin kilalang kilala sa tawag na triple X shortcut ng pangalan nyang puros X ang simula. 

"san ka ba kasi pupunta" tanong nya

"kahit san basta malayo sayo" sagot ko

pero as expected di parin naman nya ako pinakawalan para ngang mas naging determinado pa syang wag akong pakawalan..

umupo sya sa may corridor nmin at tinapik ang sahig na tila sign para umupo ako dun. Sumunod ako sa pag upo pero malayo sa kanya.

Maya-maya, naramdaman kong palapit sya. lumipat sya sa tabi ko. lumayo naman ako. lumapit pa uli sya at this time hinawakan na nya ang kamay ko para di na ako maka usog pa palayo. Da*n! this guy.

inilapit nya ang muka nya sa muka ko at hawak parin ng kanang kamay nya ang kaliwang kamay ko. nagbabadyang hawakan ng kaliwang kamay nya ang muka ko at unti unti parin nyang inilalapit ang muka nya sa muka ko na tila.. tila... HAHALIKAN NYA BA AKO?  Waaaaaaaaaah! itinulak ko sya sa dibdib nya pero wa epek. hanggang sa pumikt nalang ako pero ayoko lang makita ang mangyayari di dahil sa magki-kiss kami.

kinuha nya ang  Eyeglasses ko at tumawa..

"kung nakita mo lang sana ang muka mo kanina! muka kang adik! akala mo naman pagkaka interesan kita? mandiri ka nga."

a-ano? wow ako pa dapat mandiri sa ginawa nya? eh sya nga tong akala mo hahalikan ako eh. grr

"wala rin akong pakialam sayo noh at pwede ba .. ibalik mo na nga yang salamin ko wala akong makita!"

"wait!.. easy ka lang.. kahit bilhan pa kita ng sampu nito eh. gusto ko lang malaman gano ka taas ang grado nito.ibabalik ko naman eh."

"kahit bumili ka ng 100 na ganyan wala akong pake! bigay ng tatay ko yan kaya pwede ba? nabi-bwiset na ako sayo!"

hays nang gagalaiti nako sa kanya..pati ba naman salamin na bigay ng tatay ko papakialaman nya? hinablot ko agad yung salamin ko.

"hey. ang init ng ulo ah. meron ka ngayon noh?" bulong nya lihim naman syang natawa sa kababuyan nya. nahihiya tuloy ako.. wala naman akong dalaw ngayon pero its a girly thing at nakakahiya yun.

"wala naman.Dont worry dahil kapag dinalaw na ako ulit, IKAW. ikaw mismo ang pabibilhin ko sa tindahan ng NAPKIN!" naiimbyerna na ako eh.

"okay basta sabihin mo kung anong brand ah.  kotex ba yan, Charmee——.."

nag init ang mga pisngi ko s naririnig ko. Gosh kahiya.. iniisa isa pa nya ang mga brands ah.

tinakpan ko ng palad ko ang mababoy nyang bunganga.

"Modess ako.. BAKIT? nagna-napkin ka rin ba?"

nakakahiya man yung ginawa ko, yun lang ang paraan para tumigil sya. Kahit wala paring ekspresyon ang muka nya.. di ko tuloy malaman kung natatawa ba sya o naiinis na.. basta feeling ko lang na titigil sya kung gawin ko yun at effective nga.

tumigil sya ng sabihin ko na MODESS ang brand ng ginagamit kong napkin pag meron ako. hays. kahit nababuyan na sya sa ginawa ko, eh ano? sya naman nauna eh. pero pag nagkataon baka pa abangan ako nito sa labas mamaya dahil sa sinabi ko sa kanya. hays bahala na. dito naman ako magaling eh. sa BAHALA NA.

~•~•~•~•~•~•~•~

Forgotten PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon