Prologue

5 1 0
                                    

"Quiroz, Serraiah Yka M." Tawag sa akin ng emcee.

Dali-dali akong umakyat sa stage para kuhanin ang diploma ko.

Sa dagat ng mga taong nakangiti sa akin kaakyat ko sa entablado, hidni ko maiwasan na hanapin ang ngiti niya.

Kinamayan ako ng isang school offical habang binibigay ang patunay na tapos na ako sa college.

"Congratulations, Ms. Quiroz!" Masiglang bati nito.

Nagpasalamat ako dito at humarap sa audience para ngumiti at magpa-picture.

Sa dagat ng mga tao, nakita ko ang mga magulang ko na nakangiti at halata sa mukha nila ang pagmamalaki. Nakita ko rin ang bestfriend ko na si Dei na todo pa kung pumalakpak, na para bang nanalo ako sa lotto at may balato siya.

"Bestfriend ko yan!" Sigaw niya.

Natawa ako ng mahina sa sigaw niya ngunit tumigil din siya ng tignan siya ng masama ng isa sa mga usherette.

Matapos ang ilang segundo, umalis na ako para makabalik na sa assigned seats for graduating students.

Sa pagtapak ko sa hagdan para makababa, napagawi ang tingin ko sa pintuan ng gym. Nahagip ng paningin ko ang isang lalaking papasok. Dahil sa mga ilaw, hindi ko naaninag ang mukha niya. 

Habang pababa, hindi ko maialis ang tingin ko sa kanya. Nilagay ko ang kamay ko na hindi may hawak sa diploma sa taas ng mga mata ko, para matakpan ang mga nakasisilaw na ilaw mula sa mga spotlight.

Pilit kong inaninag kung sino ito. May dala itong bouquet ng white roses at nakasuot ng white na jacket.

Pamilyar na white jacket.

Natulos ako sa kinatatayuan dahil sa nakita. Mukhang may hinahanap ito dahil panay ang paglingon nito kung saan-saan. Dumako ang tingin nito sa stage hanggang sa magtama ang paningin namin.

Bakas sa mukha ang pagmamalaki, ngumiti ito.

Hindi ko kailanman kinalimutan ang ngiting iyon. Ang ngiting bawat araw ay hinihiling kong makita at ang ngiting sa loob ng limang taon ay hindi mawala sa isipan ko.

It was as if time stopped. At siya lang at ako ang nandoon.

Everything became a blur. Ilang mga estudyante na ang nakababa ngunit nandoon pa rin ako, nakamasid sa kanya at hindi makapaniwala na nandito siya.

Isang estudyante ang nakasagi sakin na siyang dahilan kung bakit nawala sa kanya ang atensiyon ko.

Napabaling ako dito ng magpa-sorry ito at agad ko ring binalik ang tingin ko sa may pintuan.

Wala na ito.

Hindi. Hindi ito pwede. Hinahanap ko siya sa dami ng mga taong kasama sa graduation ceremony. Luminga-linga ako para matunton siya ngunit wala, wala na siya.

"Beb, what are you still doing here? Halika na, baba na tayo." Wika naman ni Dei. Hindi ko napansing tapos na rin pala siya sa stage.

"N-akita ko siya! Kan-ni-na la-ang." Pinilit kong hindi umiyak para makapagsalita ng maayos.

"Hala beb, sinong nakita mo? Omg, why are you crying?" Hindi ko na namalayan na kusa na palang tumulo ang mga luha ko.

"Nandito siya! Nandito siya, Dei. Kanina-" Naputol ang sinasabi ko ng hawakan niya ang mga kamay ko.

"Don't cry na. Sino ba kasing nakita mo? Tara, baba na tayo, doon tayo mag-usap okay." Pilit niya akong inaalo ngunit nangingibabaw ang emosyon ko.

Bittersweet Afternoons with YouWhere stories live. Discover now