Chapter 53: Welcome BTS

28 0 0
                                    

A/N: Kukuha po ako ng konting katotohanan na nangyari sa Airport at Hotel. Ilalagay ko dito yung mga na experience ko. PeroKONTI lang yung iba gawa gawa ko na. Hehehe ^_^ Peace

Jannah's POV

Its 5o' clock in the morning. Gising na ako pero sila Marthinah, Tulog pa. Mamaya ko na sila gigisingin. Magluluto muna ako ng Almusal.

(After 20mins.)

Luto na! Gigisingin ko na sila. Umakyat na ako sa kwarto nila at sabay sigaw.

Me: BREAKFAST IS READY!!!!

Jasmine: Grabe naman. Ang lakas! Para namang may sunog.

Marthinah: Oo nga! Manggigising ka na nga lang eh. Nakakainis ka! At tsaka ang aga pa sobra! 5:30am pa lang.

Me: Wag na kayo magreklamo dyan. Bumangon na tayo kasi may pupuntahan pa tayo. Nagluto na rin ako ng almusal niyo.

Jasmine: Saan tayo pupunta?

Me: Di ba magsusundo tayo sa Airport? Ayan! Sa sobrang excite nakalimutan na kung saan pupunta!

Marthinah: Oo nga pala!!!

Bumangon agad sila at sabay takbo sa baba. Niligpit ko muna yung mga pinaghigaan nila. Bumaba kasi agad agad. Di man lang inayos yung pinaghigaan. Mga B*liw...

Pagkatapos kong magligpit ng pinaghigaan nila, Bumaba na ako. Tapos na sila kumain. Hinuhugasan na ni Marthinah yung pinagkainan. Si Jasmine naman, Naliligo na sa taas. Siya nauna maligo. Ang bagal kasi kumilos niyan eh. Umakyat na rin si Marthinah para maligo. Opps. May banyo po kami sa kwarto namin. Tig iisa po kami. Hahaha :) Inunahan ko na lang kayo para walang GM. Hahaha joke ^_^ Peace

(After 1hour.)

6:30am na. Tapos na kaming lahat maligo at magbihis. Ito suot namin.

Me- BTS Tshirt (Kulay Black) (Jimin 95 nakasulat sa likod), Yellow pants and Black Converse HighTop. Pati bag ko dilaw. Black and yellow ako ngayon.

(A/N: Totoo po na yan yung suot ko. Pero yung suot nila Marthinah sa story ay hindi. Naka jumper po kasi yung kaibigan ko eh.)

Marthinah - BTS Tshirt din. (Rap Monster 94 nakasulat sa likod)(Kulay White) , Jeans at Tsaka Red Converse HighTop.

Jasmine - BTS Tshirt. (Kulay White) (Jin 04 nakasulat sa likod), Jeans at Pink Converse.

Sa sobrang daldal ko, Nasa byahe na pala kami. Kanya kanya kaming kotse. May mga guards din akong kasama. Naka blue uniform sila. Gamit ko nga pala yung BMW ko. Si Jasmine naman Vios lang ang gamit. Ayaw daw niyang gamitin yung mga mamahalin niyang kotse. Si Marthinah BMW din. Hahaha ^_^ eh gusto namin gamitin yung mga mamahalin naming kotse eh.

Dito na kami banda sa may Baclaran. Ang trapik naman! B****t. Nagtweet ako sa BTS. Tinanong ko lang naman kung nasaan na sila. Iintayin ko pa yung tweet nila.

Hayyy Salamat! Umabante na rin. Yehey! Malapit na kami sa Airport. Lumiko na kasi kami eh at tsaka nakita ko na rin yung Park n' Fly. Hahaha ^_^

*VRRRB VRRRB*

Nagtweet lang pala yung BTS. Nasa eroplano pa rin sila.

Nandito na kami sa Airport. Tabi tabi kami ng pinagpark-an.

Marthinah: Whaaaaahhh! Nandito na tayo sa Airport. Excited na ako.

Jasmine: Marthinah, Kahapon ka pa kaya excited. Dapat nga kami ang excited eh kasi makikita naulit namin yung boyfriend namin.

Feels like with BTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon