Chapter 1

10 1 0
                                    

This is a work of fiction. Names, places, etc. are product of the author's imagination and is only used in a fictitious manner. Any resemblance to this is purely coincidental.

Enjoy!

______________________

Chapter 1: First step

"Mag-ingat ka doon, anak. Delikado ang Maynila. Huwag mag titiwala agad, at huwag na huwag mong pababayan ang iyong sarili."

Nagtutubig ang aking mga mata sa mga sinasabi ni Nanay, pero idinaan ko nalang sa tawa ito. Ayokong umiyak sa harap ng aking pamilya. Gusto kong makita nila kung gaano ako ka sigurado sa desisyon kong ito.

"Nay naman, huwag nga kayong magdrama.  Magiging maayos po ako doon. Pangako."

Pagkatapos kong magpaalam sa aking pamilya, hinatid nila ako sa labas ng bahay upang mag bantay ng trysikel papuntang terminal ng bus.

Malayo layo ang aming probinsya sa Maynila, kaya kailangan ko pang sumakay sa bus papuntang port, at sumakay ulit sa barko bago makarating doon.

Niyakap ako ni nanay, tatay at ni Abigail - ang pitong taong gulang kong kapatid, bago sumakay ng trysikel.

Nang umandar ang trysikel, nilingon ko silang muli. Si nanay na kumakaway at umiiyak, si tatay na naka wheelchair, at si Abigail na naka yakap sa bewang ni nanay.

Mamimiss ko sila. Ngayon lang ako mawawalay sakanila ng ganito katagal. Pero sisiguraduhin kong magbubunga lahat ng aming sakripisyo.

Kinakabahan ako sa totoo lang. Ito ang unang pagkakataon na tatapak ako sa Manila, dahil noong kumuha ako ng exam sa napili kong Unibersidad, doon lang naman sa kabilang bayan ini-held ang College Entrance Test.

Gustuhin ko man na sa kabilang bayan lang mag-aral, ay hindi naman maari. Dahil ang mga kursong pwedeng kuhanin doon ay limitado lamang sa pang agrikultura at fisheries, dahil iyon ang pangunahing hanap buhay sa aming probinsya.

Hindi ko maatim ang kumuha ng kursong hindi ko gusto at hindi ko pangarap. Kaya kahit malayo, mag sasakripisyo ako.

Abogasya ang gusto ko, pero alam ko naman na sapat lamang ang sahod ni mama sa pagiging sekretarya ng Gobernador sa maintenance ni Tatay pagkatapos niyang ma istroke, at para makakain kami ng tatlong beses sa isang araw. Kaya kumuha din ako ng scholarship exam sa Unibersidad na napili ko.

At sa kabutihang palad, nakapasa ako.  May iilan pang natitirang bayarin. Pero mababayaran naman, kasi pati scholarship ng CHED, DOST, at kung ano ano pang scholarship na Pantawid Edukasyon, pinatos ko na. Sa awa ng Diyos, nairaos ko naman lahat.

Nagbayad ako sa trysikel pagbaba ko at sumakay na sa bus pagkatapos kong kumuha ng ticket. Bitbit ko ang ang aking lumang backpack at sling bag na puno ng aking mga gamit.

Malapit ng mapuno ang bus, pero mabuti at may bakante pang upuan sa gilid ng bintana. Hindi kasi ako sanay bumyahe kapag hindi nahahanginan, nasusuka ako.

Nilagay ko ang sling bag ko sa itaas na parte ng bus, at ikinandong na lang ang aking backpack pagka upo ko.

Tatlong oras pa ang byahe ng bus papuntang port, pagkatapos ay walong oras naman ang byahe ng barko papuntang Batangas.

The Vengeance of a Wildflower Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon