Drawing 26

37 14 9
                                    

Take time to read
---------------------------------------------------------------------------------------------


Hi Everything!

Disclaimer lang, ang drawing na inyong makikita sa update na ito ay hindi kagandahan.

So bakit 'ko pinost baka mapagtawanan lang?

Narealize 'ko kasi na ang reason talaga 'kung ba't ako nagpublish at gumawa ng aking art book ay hindi para magpa-impress sa tao na kaya 'kong magdrawing, kundi ay  mahubog ang talento na meron ako.

Sa pamamagitan ng Art book na ito mababalikan 'ko ang lahat ng mga drawing na ginawa 'ko sa nakaraan at makita na rin ang unti-unting improvement sa sarili 'ko. May isang beses na kasing nangyari sa akin na nawala lahat ng kopya ng drawing 'ko (nasa notebook nakalagay) and worse wala man lang akong picture and copy ng mga nagawa 'ko.

Sorry medyo mahaba na ito. I just want to say to you guys na kapag may pangarap 'kayo wag na wag kayong susuko. Maging sa dancing, singing, drawing, writing pa yan, once na alam niyong may talento kayo doon patuloy lang kayong magpractice ng magpractice.

Syempre sasabihin ng iba sa inyo, ayaw 'ko na suko na ako kahit anong practice 'ko ang panget pa rin ng gawa 'ko! Bakit yung iba ang ganda ng gawa? Bakit yung iba magaling? Bakit sila ang husay magdrawing/kumanta/sumayaw/magsulat? Bakit ako hindi?

Isa sa natutunan 'ko sa loob ng isang dekada at anim na taon ng buhay 'ko na ang bawat isa sa atin ay may iba't ibang time frame. Yung iba nga 30 o 50 years old na pero doon pa lang nagiging successful, doon pa lang natutuklasan ang talento na meron sila.

You know guys, wala yan sa edad para maabot mo ang pangarap mo. May time na gusto 'ko ng sumuko sa pagd-drawing kasi nandyan yung makikita mo yung ibang tao na sobrang ganda ng mga art work nila tapos ikaw kailangan mo pang may kopya ng picture para makagawa ng isa.

Pero narealize 'ko sa sarili 'ko na ang alam 'ko lang ay maganda ang gawa nila, pero pag tinanong 'ko na sarili 'ko kung alam 'ko ba ang lahat?

Hindi.

Dahil sa likod ng magandang art work na 'yon ay ang hirap na pinagdaanan ng artist, yung breakdown na nararanasan kapag hindi makabuo ng magandang product, yung mga gabi na walang tulog para makapag-ensayo, yung masasakit na salita na natanggap sa tuwing ipapakita ang gawa, yung mga pagsubok na hinarap bago makapagdrawing at maging successful. Lahat ng 'yon ay hindi 'ko alam.

What if gaya 'ko ganito rin sila nagsimula? What if ilang taon rin ang tinagal bago sila maging mahusay sa talentong pinagkaloob sa kanila?

All of us started at the bottom. Bago tayo makarating sa taas at makamit ang tagumpay, kailangan at kailangan nating maranasan ang hirap sa pag-abot ng pangarap.

Okay medyo mahaba na ito, so ieend 'ko na rito.

I hope you bare with me. Ito ang first ever na mukha na ginawa 'ko and first ever drawing na walang 'kopya.

Ito yung drawing 'ko na wala kayong mababasa na Source: Pinterest sa unahan.

Gaya ng palagi 'kong sinasabi sa mga past drawing na pinost 'ko rito sa 'My Art Book' pag-aaralan 'ko pa lang kung paano magdrawing ng mata, ilong at bibig....in short mukha ng tao.


Everyone, I'm presenting...











Chucky—







Charot!










Ito na.














My not so good drawing...




My not so good drawing

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.






Takot ka ano?

My ART BookWhere stories live. Discover now