Meet me at the Starbucks

7 3 1
                                    

It is a gloomy day just like my life for a years.

For no reason, hindi ko maintindihan ang sarili at matatagpuan ko na lang ang sarili ko na nandirito.

Napangiti na lang ako nang mapakla.

Napatingin ako sa kape na nasa harapan ko, halos wala pa iyong bawas.

Mahina kong tinapik ang lamesa gamit ang aking daliri. Magtatatlong oras na ako rito. Halos ganoon palagi. Walang araw sa isang linggo na hindi ko nakaligtaan na pumunta rito.

I just watched people and vehicles passing by the coffee shop. There's even a group of teenagers, magkakaibigan siguro. Naroon at nagkukulitan. Napadako ang paningin ko sa hulihan nila, may isang babae at lalaki.

I let out a heavy sighed, nakamot ko na lang ang sariling sentido. Bigla ko na naman siyang naalala. I just remember the first thing she had said to me noong una kaming nagkita.

"Kuya,anong hanap? T-shirt? Small? Medium o large?"

Nasa palengke ako nu'n kasama si Ate Aileen, my co-member in choir. I'm just a new member that time, mga two weeks pa lang.

"Kuya,bili ka na" she even gestured her selling items.

Binati niya rin si Ate Aileen. Yeah, they know each other. According to Ate Aileen, dati rin s'yang member ng choir, kung saan ako currently kasali.

Masyadong naging mabilis ang mga pangyayari. I just found myself closed to Ren.

"Naniniwala ka naman sa akin di ba ?" she asked.

"Oo naman" I smiled at her.

Lagi niya iyung tinanong, paulit-ulit ko naman iyung sinasagot.

Sabay pa kaming nag-enroll noon para sa college. I took up Computer Science course samantalang siya ay Education.

"Why do you want to be teacher?" I asked after we came out from the registration office.

"Pangarap 'yun ng mama ko," simpleng sagot lang niya.

"Really?"

"Kaya pangarap ko na rin"

The school days started. Halos sabay kaming pumapasok at umuuwi. But for some reason everything changed.

"May problema ka ba?" tinanong ko siya.

Hindi rin naman siya sumagot. Nag-aalala na ako.

"Naniniwala ka naman di ba sa 'kin?," she asked out of nowhere.

I smiled. "Oo naman"

Days passed. Hindi na s'ya ganoong pumapasok. Sinubukan ko s'yang tawagan. Kapag tinanong ko siya ng kumusta siya. She ended the call, iniwasang sagutin ang mga tanong ko.

Alam ko may mali, iniiwasan niya lang na pag-usapan iyon.

"Class dismissed," our propesor said.

Dali-dali naman akong umalis. Dahil kailangan kong puntahan si Ren, I need to talk to her.

It's raining heavily, papasok na sana ako sa loob ng starbucks para doon magpatila at syempre uminom ng kape para ibsan ang lamig ng panahon. But I saw her, she's with an old man. Kita ko pa kung papaano tumawa noon si Ren. Napatingin ako sa suot n'ya, hindi s'ya ganoon manamit. Masyado iyong maikli. Malayong malayo sa tipo n'ya.

I stepped back, at tumakbo ako paalis doon. Ni hindi ko nagawang lumingon man lang.

Another Monday morning, I was walking in campus. Next thing I knew, there is a spreading gossips about Ren.

"Pwede ka ba?" someone shouted.

"Magkano ka?"

"G, one night?"

Napalingon ako sa sumigaw noong. I'm with Ren, lalapitan ko na sana ang sumigaw noon pero pinigilan niya ako.

Hindi ako tawak gulo na tao. Pero iyon ang unang pagkakataon na handa akong makipag-away para lamang sa kaniya.

"Hayaan mo na"

I looked at Ren, happiness is written all over her face while telling a ramdom story.

Hindi ko naintindihan kung ano mang kinukwento niya. Hindi ko na s'ya maintindihan. Hindi na s'ya ang Ren na nakilala ko.

"Ren" I called, tumigil s'ya sa pagsasalita.

Hindi ko alam kung anong nag-undyok sa akin upang tanungin siya. "Sino iyung kasama mo sa Starbucks noong nakaraan?"

Natigilan siya.

"Naniniwala ka naman sa 'kin di ba?" tanong niya uli' na halos nakakabingi na. Iyon at iniiwasan niya na naman na sagutin iyong tanong ko.

Hindi ako sumagot. Hindi ko maintindihan ang sarili kung bakit kabaliktaran iyon sa nararamdaman ko, na dapat um-oo ako.

Tumango siya at nawala ang ngiti sa labi n'ya.

"Naiintindihan ko Rioji," she said while tears falling on her eyes.

Hindi ko alam ang gagawin ko...

Weeks passed. Hindi na uli' pumasok pa si Ren. Naiinis ako sa sarili. Maybe, I'm just like the other people. Siguro hindi ako naiiba sa kanila, sa kung papaano nila husgahan si Ren.

Bakit ko hinayaan ang sarili ko na maging ganoon?

"Pare-pareho lang kayo"

That was the last word she have said to me. Masakit sobra.

Nalilito na ako. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Hindi ko alam kung papaano ko uli' s'ya kakausapin, at kung papaano kami uli' magkakaayos.

From:Ren

Meet me at the starbucks.

I let out a heavy sighed. It's been a year noong natanggap ko ang text na 'yan kay Ren. Hindi ko magawang burahin, ilang beses ko na ring sinubukan pero nakikita ko na lang 'yung sarili ko na natitigilan at nauuwin sa pagtitig ang lahat.

After I received her message. Right away, I came. Akala ko iyun na ang pagkakataon para magkaayos kami. Handa naman akong tanggapin s'ya at tanggapin kung ano man s'ya.

But she didn't came, and I never see her again. Nag-antay ako.

My phone vibrated. I opened it and I received a message from unregistered number.

Natigilan ako ng bahagya ng mabasa iyon, I hope makapunta ka -Ate A

Napailing ako, kay Ate Aileen pala galing iyon. Napaisip ako kung pupunta ba o hindi.

It's Ren 3rd year death anniversary

I stood up on my seat. I just realized something. Kailan ko na sigurong pigilan na ibaon ang sarili ko sa nakaraan.

Napag-isip isip ko. Dapat matagal ko na 'yung ginawa. Masyado akong nagpadala sa nararamdaman ko. Masyado akong nilamon ng takot, lungkot at galit.

Ngayon handa na akong tumistigo para sa pagkamatay n'ya. Handa na akong isiwalat ang lahat. Hindi ko na hahayaan manatiling malaya ang taong gumawa noon sa kaniya.

Mga BahagiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon