1

10 0 0
                                    

"Emmanuel Dela Vega, LATE"

"Sorry sir, galing pa akong PUP eh"

"Oh sige na sige na, magkakaha ka POS 2"

Walang gatol kung kinuha ang kaha at nagbilang, Lord sana wala pong dimunyung customer ngayon nakikiusap po ako. AMEN. Mahirap na badtrip na sa school tapos babadtripin ka pa dito ng mga customer na akala mo naman binili ka na duuuhh serbisyo lang binili niyo mga maderpaker.

Wala pa namang gaanong tao dahil tapos na ang peak hours, closing ako ngayon dahil may pasok ako kanina sa school. Mga 7pm pa dadami yung tao dahil dinner time yun kaya panakanaka lang ang customer na bumibili, anong oras na naman kaya ako makakauwi taena dami ko pang tatapusing discussion paper. Minsan di ko na din alam kung tama pa ba yung course na kinuha ko dahil pabobo ako nang pabobo dun buseet na yan.


Maaga akong pinagbreak para focus na kaming lahat pagdating ng peak hour at di na hassle sa bawat station kung gutom kaming haharap sa customer. Naging mabilis ang takbo ng oras dahil na rin sa dami ng tao at mabilisang galaw bandang alas diyes nang matapos kami sa pag lilinis.


Nakakapagod syempre lalo na sabay sa pag-aaral pero kinakaya naman. Minsan mauubusan ka rin ng pasensiya dahil sa mga walang modong customer na kahit wala ka namang kasalanan ikaw pa ang dapat humingi nang tawad. Hindi ko din alam minsan sa mga utak nila kung bakit ganun yung takbo may iba namang mabait  pero minsan may sapi at minsan may sa dimunyu na talaga.


Niyaya ko na lang yung iba na umakyat na para magbihis tutal tapos na din naman sila maglinis at tsaka anong oras na jusmeee ang dami ko pang gagawin sa bahay.


"Bui san ka nga ulit nag aaral?"

"PUP bakit?"

"Anong course mo?"

"Sociology"

"Ano yun? Ano pinag-aaralan niyo dun pagiging sosyal?"

Tangina mo.



Pagiging sosyal ampota. Edi sana di ako nagtatrabaho ngayon kung yun lang din pinagaaral kong buseet ka. Hayp na to nagdidilim paningin ko sayo Kevin manahimik ka dyan.

"Hindi baliw. Oh mauuna na ako at mag aaral pa ko hah masarap sana tulog mo mamaya"


"HAHAHAHAHA geh bui ingat"

Tangina mo pa rin Kevin. Sosyal mo to.

Nagpaalam na ako sa manager namin at lumabas ng store para mag abang ng jeep, matatapos ko naman siguro yung isang discussion paper mamaya. Ipapasa na yun bukas tapos gagawin ko pa lang mamaya HAHAHAHA  awiit kasing procrastination yan kapit na kapit sakin ang galing galing, sa lahat naman ng pwedeng kapitan ako pa  pinakapaborito.

Puro Cubao-Divisoria yung jeep na dumadaan kaya no choice pinara ko na tutal dadaan namang Sta Mesa to kaya pwede na rin maglalakad nga lang ng kunti kumpara sa Pasig-Quiapo na sa tapat namin na ako bababa.

Wala pang 30 minutes ang naging biyahe dahil wala namang gaanong bumabiyahe na. Kumain muna ako pagkarating bago maghilamos, hilamos lang teh walang skin care routine. Nakakatamad yun juskoo minsan tinatanong ko na din sarili ko kung babae ba talaga ako potek. Sa lahat ng pagkakatamaran skin care routine pa hayup.

Tulog na yung mga kasama ko sabay kaya matiwasay akong makakagawa. Thank you Lord.

11:49 pm

1:09 am

3:47 am

5:56 am

Tapooooossss potaenaaaaaaaa.


Tapos na din sa wakas. Pwede mo na ko kunin lord jk.


Tutal 10:30 pa naman klase ko may tatlong oras pa ako para matulog, nag alarm na lang ako para sureness ang gising at di malate kasi pag nalate edi di mapapasa yung paper tapos pag di napasa yung paper edi bagsak alaws grade kaya awiitt.



Nagising naman ako ng tama kaya napasa ko nang masaya yung gawa ko, hindi ko lang alam kung pasado HAHAHAHAHA pero hayaan mo na 'di madaling gawin yun kaya am beri prawd op ma selp.


Nagpaprint na lang muna ako ng readings bago umuwi dahil wala naman akong duty ngayon kailangan kong basahin yung susunod na topic dahil may recitation dun next meeting. Bulagaan ng index card ang gawain ng prof namin dun kaya kelangan kong magbasa major pa man din yun my ghaaad.

Minsan talaga feeling ko ang boring ng buhay ko. Kelangan niya ng kulayan taena baka may irereto kayo dyan papm na lang oh. Yung tutulong sanang magbasa tapos ipapaintindi sakin yung readings para naman mapahinga ko minsan yung naghihingalo ko ng utak naaawa na ko minsan eh.

Twenty-five YearsWhere stories live. Discover now