Season 1, Episode 3: They

148 39 249
                                    

Author's Note:

Para sa clarifications about Chapter 2 last time...

Hindi po nakaindicate kung ilang taon na po si Fairy Kate sa previous chapter, bagkus nagpapalit lamang siya ng form pag silang dalawa lang ni Ellen ang nakakakita sa isa't isa. Like, for example noong Chapter 1 anyong dalawang magkapatid na bata siya; and sa Chapter 2 naman anyong surgeon na colleague ni Ellen na si Chandra. (Baka may mga iba pa kasing nakamisinterpret; but i'm open naman po sa mga possibilities na baka may typo talaga ako or ibang mali na nailagay sa mga previous chapters)

65 years old po si Ellen sa previous chapter, same as well as Sandra, Theo, and Justin na kaklase niya noong Chapter 1

Para sa mga panibagong words na hindi gaanong napapakinggan I will make sure na maglalagay ako or isisingit ko between dialogues kung anong mga meaning or jargon nila.

Si Ellen po ay 20 years old pa rin sa state niya, tho as she jumps on different timelines (dahil nga under siya ng spell ni Fairy Kate) magbabago talaga ang shape ng kanyang katawan)

Yep it is highly unethical na maghalikan sa on-call room, tho kung gagawin sana nila ang mga ganoong bagay dapat siguraduhin na naka-lock ang pinto

Uulitin ko po, nakasaad po sa description ng story at sa chapter 1 mismo na in every day na makalipas sa buhay ni Ellen, magbabago ang timeline na tatahakin niya. Either to the past or to the future. Walang future lang, walang past lang. Sana klaro na po tayo rito.

10 years po ang gap ni Ellen at Patrick... bale 75 years old na po si Patrick; and naniniwala po ako na hindi tumitigil ang pag-ibig kung kaya't kung ano ang galawan nila sa chapter 2 ay justifiable naman. 

dedicated itong chapter na 'to kay @sayuriMa dahil sa siya yung pinakatumatak na comment, "...time can be a reminder na bawat segundo ay mahalaga. There would be time in our life na once mamiss mo ang isang segundo ay apektado na ang buong buhay mo... or minsan hindi natin alam hanggang kailan tayo or mga mahal natin magtatagal sa mundo kaya dapat bawat oras pinapahalagahan natin.

And lastly, inedit ko po yung date ng previous chapter ko, correction January 2, 2065 po iyon (so sa mga late readers... I finally fixed it)

===

SEASON 1, EPISODE 3: THEY

January 3, 2012

8:12 am

May kumakalabit sa akin mula sa aking likod, "Ellen, gising... magsusulat ka pa. Unang subject palang natin 'to bakit natutulog ka na? Ichecheck raw ni ma'am yung maisusulat natin ngayon. Ellen, gising..." niyugyog niya na ako nang di oras.

"Ano ba?!" nalalasahan ko pa rin yung lasa ng tequila kagabi. Nagising na ang aking diwa. Nasa setting ako nang isang classroom. Teka, naaalala ko 'to ah? Eto yung classroom ko nung elementary.

"Bakit parang napuyat ka? Hindi ba nagagalit sayo mga magulang mo? Hindi ka ba nila pinagbabawalan?" nasa harap ko ang former friend ko noong elementary na si Angeli.

Isa siya sa mga malapit kong kaibigan noong elementary, maganda naman siya, hazel brown eyes, medyo makapal ang kilay, long hair, medyo mataba at may kaliitan.

Year ChangerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon