Aral. Aral. Aral. walang katapusang aral.
Dati nung estudyante ako gaya niyo. Na-stress ako kasi yung feeling na ang dali ng mga activity, seatworks at assignments tapos pagdating na ng exam....number 1. pa lang, unang sentence pa lang naisip mo na agad bagsak ka na agad dahil di mo masagutan.
Ganiyan ako dati. Kasi nakadepend ako sa sarili ko. Kaya ko ito! Mapapasa ko ito!. Masyado tayong selfish. . I was selfish before. Akala ko kaya ko pero kapatid sinasabi ko sayo ngayon...Hindi mo kaya.
Don't depend on yourself, Depend only to God.
I remember nung magtake ako ng board examination para sa aming mga soon to be Register Mechanical Engineers. I don't know what to do that time. Mapapasa ko ba? Kakayanin ko ba? Masasaulo ko ba lahat ng formulas? Lahat ng negative maiisip mo talaga. Nandiyan yung doubts at fear na magfail ka. Ganun din yung naranasan ko. Feeling ko lahat ng nireview ko balewala. Hindi sapat yung mga araw na pagrereview mo para malaman lahat.
Kapatid , sinasabi ko sayo...hindi talaga magiging sapat yung review mo kahit isang taon pa yan. Yung kakayahan natin ay limitado lang pero sa Diyos kapag sa kaniya ka nagdepend, naniwala, nagtiwala sa lahat...LAHAT ng imposible kaya niyang gawing posible because IN GOD NOTHING IS IMPOSSIBLE.
Tanda ko iniiyak ko lang sa Diyos paghindi ko na kaya, pag wala ng pumapasok sa isip ko, pagfeeling ko hindi ako makakapasa, pagkinakabahan ako, pagnatatakot ako. Pray lang ako ng pray. Attend ako ng attend ng mga sunday service. Why? dahil kahit ang daming negative sa isipan ko ang Diyos lang ang kayang magparamdam sakin na Anak, kakayanin mo 'yan basta kasama mo ako at inuuna mo ako.
Sabi nga ng Diyos Seek the Kingdom of God above all else, and live righteously, and he will give you everything you need.
Indeed. God will give you everything that you need pag-inuna mo siya.
One take lang ako at nakapasa ako because I put my trust on Him. At alam ko ikaw rin.