Chapter 4

25.9K 1K 115
                                    

I need 20 votes now for the next chapter. Thanks!

JUDE'S POV

"Dude, you're drinking like its the end of the world." Naiiling kong sabi habang pinagmamasdan si Karl na umiinom na halos parang wala nang bukas.

Nandito kami ngayon sa bar at nagbibilliard kasama sina Karl at Jace. Wala si Rowan dahil busy ito ngayon sa career niya bilang co-founder sa company ng parents niya. Pagkatapos ng duty ko sa ospital ng parents ko as a nurse ay kaagad kaming niyaya ni Karl na magpunta sa bar at mukhang alam na namin ang dahilan ng matinding paglalasing niya.

Nalaman namin mula sa bibig mismo ni Allison nung malasing siya na may gusto siya sa nerd na si Kenneth Natividad. Kilalang-kilala namin iyon dahil kapatid siya ng dati naming kaibigan na si Kendrick na trinaydor rin kami sa huli. Karl really likes Allison katulad rin namin nila Jace at Rowan pero siya ang pinaka naapektuhan sa pag-amin ni Allison dahil mas nauna siyang nagkagusto dito. Karl is a type of guy na hindi kaagad makontrol ang sarili kapag nagagalit o naiinis unlike us na kaya pa namin magpasensya at manahimik muna.

"Brokenhearted bro, he's a brokenhearted like us!" Natatawa namang sabi ni Jace habang naglalaro kami ng billiard. Nasa isang sulok naman si Karl at walang humpay pa rin ang pag-inom nito.

"Paano niya kaya nagustuhan ang lalakeng 'yon? We are handsome and better than that guy!" Lasing na lasing na sabi ni Karl at tumawa pagkatapos.

Sandali ko namang itinigil ang paglalaro namin ni Jace ng billiard saka ako lumapit sa pwesto ni Karl at umupo sa tabi niya.

"You know Allison, kaya nga natin siya nagustuhan dahil hindi siya tumitingin sa panlabas na kaanyuhan ng isang tao. Siguro may nakita siyang maganda sa Kenneth na 'yon kaya niya 'yon nagustuhan." Sabi ko naman.

He glared at me. "Bakit? Hindi ba tayo naging isang mabuting kaibigan kay Allison? Bakit kailangan pa niyang magkagusto sa ibang lalake kung nandito naman tayo? I know we all like her since we we're kids at papayag kana lang ba na mapunta siya sa pangit na nerdy na 'yon?" Inis niyang sabi at tinungga ang hawak niyang beer.

Natahimik ako sa sinabi niya and thinking that Allison will be that Kenneth's wife in the future and having a lot of kids ay parang tumaas ang dugo ko nang dahil do'n. Katulad ni Karl ay ayoko rin na mapunta si Allison sa ibang lalake. Tiniis namin ang ilang taon na hindi pag-amin nang nararamdaman para sa kanya at sa isang iglap lang ay makukuha na siya sa amin ng Kenneth na iyon? Hindi naman kami nag-aalangan kay CJ dahil wala namang gusto si Allison sa kanya but Kenneth is different.

He's our biggest threat to Allison's heart because Allison likes him.

Ilang sandali pa ay lumapit na rin sa amin si Jace at itinigil na ang ginagawa niya saka ito umupo sa tabi namin at uminom ng beer na hindi pa nabubuksan ni Karl.

"Kung ako sa inyo, hinding-hindi talaga ako papayag na mapunta si Allison kay nerd. Nakakainsulto kaya na ipagpalit niya tayo sa baduy at walang sense of fashion na lalake kaya kung ako sa inyo ay bakuran na natin si Allison lalo na sa siraulong si CJ." Kibit-balikat niyang sabi.

He's right. Ngayon na alam na namin na may ibang lalake nang nagugustuhan si Allison ay hindi kami makakapayag na makuha siya ng iba sa amin lalong-lalo na sa Kenneth at CJ na iyon.

Allison is ours.

CJ's POV

"Alis!" Sigaw ko sa mga estudyanteng paharang-harang sa dinadaanan ko.

Kaagad naman silang natakot pagkakita sa akin kasama sina Laurence at Gene sa likod ko at unti-unting hinawi ang daan para sa amin. Sa sobrang inis ko sa ginawa ni Allison kanina ay napagbuntunan ko na naman ng galit ang estudyanteng lalakeng lampa na nakita ko lang kanina. Binantaan ko ito na huwag magsusumbong sa ginawa namin sa kanya kundi patatahimikin ko siya ng wala sa oras. Ang duwag naman ay natakot at alam kong hindi na iyon magsusumbong pa.

Their Obsession: Ms. Innocent SeductressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon