Chapter 16

22.1K 468 55
                                    

ALLISON'S POV

Pagkagising ko ay naramdaman ko nalang kaagad ang sakit ng ibaba ko. Nilibot ko ang paningin ko at nasa isang kwarto pala ako habang nakahiga sa kama. Nang tumingin ako sa sarili ko ay halos manlumo ako sa nakita ko, wala akong ni isang katiting na suot habang nakabalot ng kumot ang buong katawan ko. Pilit kong inaalala ang mga nangyari kagabi at ang naalala ko lang ay kasama ko sila Jude, Jace, Karl at Rowan at pagkatapos nun ay may pinainom si Jace sa akin hanggang sa mahilo na ako nun at hindi ko na maalala pa ang kasunod na pangyayari.

Hindi kaya? Umiling lang ako at hindi ko na mapigilang mapaiyak. Anong ginawa nila sa akin kagabi? Bakit wala akong maalala? At bakit nakahubad ako ngayon?

"Gising ka na pala,"

Nakita ko nalang na pumasok mula sa kwarto si Karl na may dalang tray ng pagkain. Pagkatapos nun ay inilapag niya ang tray sa bedside table saka ito umupo sa gilid ng kama habang nakatitig sa akin.

I glared at him. "Anong ginawa niyo sa akin kagabi, Karl? Bakit wala akong maalala sa mga nangyari kagabi at bakit nakahubad ako ngayon? Pinagsamantalahan niyo ba ako?" Naiiyak kong tanong.

Natahimik naman siya sa sinabi ko pero ilang saglit lang ay nagsalita ulit siya. "As you can see, may nangyari nga sa ating lima kagabi. You're so very drunk last night to the point na hindi na namin mapigilan na halikan at hawakan ka. You know how much we love you, Allison at hinding-hindi kami papayag na si Kenneth ang makauna sa'yo." Seryoso niyang sabi.

Hindi ko na mapigilan ang sarili kong mapahagulgol at saka ibinato kay Karl ang unan na nakalagay sa kama. Nakita ko naman na isa-isa na rin pumasok sa loob ng kwarto sila Jude, Jace at Rowan.

"Mga walanghiya kayo! Pinagkatiwalaan ko kayo tapos ganito lang ang gagawin niyo sa akin? Bakit ba hindi niyo matanggap na si Kenneth lang ang mahal ko?" Naiiyak kong sigaw.

Napayuko naman si Rowan sa sinabi ko habang si Jude ay umiwas lang ng tingin sa akin.

Lumapit si Jace sa akin at hinawakan ang magkabilang-balikat ko pero pilit kong inilalayo ang sarili ko sa kanya. Kahit sa paghawak niya ay tila nandidiri na ako.

"Tama ka, Allison. Hindi namin matatanggap si Kenneth para sa'yo to kaya nagawa na namin ang bagay na 'to because we love you!" Sabi niya.

Umiling lang ako. "Hindi niyo ako mahal kundi obsess na kayo sa akin. Kung mahal niyo ako ay hindi niyo magagawa sa akin ang bagay na 'to at mas pipiliin niyong palayain ako at ipaubaya nalang kay Kenneth." Nanghihina ko nang sabi at napasubsob nalang sa tuhod ko.

Hindi ko aakalaing magagawa sa akin ito ng mga taong pinagkatiwalaan ko at ang mas masaklap pa do'n ay mga bestfriends ko sila. Mga kababata ko sila at halos sabay na kaming lumaki. Mahal daw nila ako pero nagawa nila akong pagsamantalahan at hindi ko man lang alam kung ano ang mga pinaggagawa ko kagabi?

They are so selfish at ngayon ay sobrang nasaktan na nila ang damdamin ko at hindi ko na alam kung maituturing ko pa ba silang mga bestfriends ko. Ano nalang ang mukhang ihaharap ko kay Kenneth? Ngayong hindi na ako virgin at ang mas masaklap pa ay ang mga bestfriends ko ang nakauna sa akin?

Tumawa naman si Karl sa sinabi ko. "I think ganon na nga, obsess na nga kami sa'yo, Allison kaya nagawa namin 'to sa'yo but you can't stop us from desiring and wanting you. Mahal ka namin at kahit na kailan ay hindi ka namin ipapaubaya kay Kenneth!" May diin niyang pagkakasabi pagkatapos ay tumayo na siya at umalis na mula sa kwarto.

Ganon rin si Jace at mukhang sinundan na si Karl. Nang tumingin naman ako kina Jude at Rowan ay nakatingin lang sila sa akin habang nakikita ko ang awa sa mga mata nila.

Their Obsession: Ms. Innocent SeductressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon