Title: Ang Kwento Ni Emma
Genre: Mystery
Contestant: MaireadByrne
Description: The Chilling Legend That began in Abeile- Texas Hill Country🧡
Noong 1996 nagkaroon ng isang malaking balita tungkol sa mga bata na merong itim ang buong kulay ng mata, maputlang kulay ng balat at pawang naglalaro sa edad na 5-13 taong gulang. Naging bali-balita ang mga ito at nagkalat ng takot sa ilang mga siyudad.
"Most sources indicate that the legend originated from 1996 postings written by Texas reporter Brian Bethel on a "ghost related mailing list," relating two alleged encounters with "black-eyed kids". Bethel describes encountering two such children in Abeline, Texas in 1996, and claims that a second person had a familiar, unrelated encounter in Portland, Oregon." - ayon sa datos na nakalap sa historya ng Wikipedia.
Ayon sa mga taong nakaranas nito nagulat sila ng makakita ng mga batang kakaiba ang anyo o kulay ng nga mata, pasado madaling araw ng gabi kung saan tulog at tahimik na ang tao sa kabahayan, isa si Emma ang nakaranas nito, gising pa siya ng mga oras na iyon sa kadahilanang isa siyang guro na merong hinahabol ng mga mahahalagang papel na ipapasa. Unang narinig niya ang pagtahol ng asong si Marcy, kung saan na obserbahan niya na hindi ito mapakali, agad niya itong sinuway upang hindi magising ang nahihimbing niyang anak sa kwarto, di kinakalaunan nakarinig siya ng katok mula sa pinto nila, napakamot daw siya at napatanong,
Sino ang bibisita sa ganitong oras ng alas-dos ng gabi?
Saad ni Emma. Dali dali naman siyang nagtungo sa pino at sinilip bahagya kung sino ang tao sa labas, doon natanaw niya ang dalawang batang babae at lalali, magkahawak ng kamay ang mga ito, nakasuot ng bonnet at makapal na jacket na pwedeng pang-ulan, nakayuko ang lalaki habang ang kapatid naman nito ay kumakatok ng mahina sa pintuan , napansin niya na madumi at magulo ang buhok ng mga ito. Isa lamang ang pumasok sa kanyang isipan, baka naglayas ang mga bata mula sa kanilang tahanan, kaya naman mabilis niyang tinaggal ang kandado ng pintuan, saka nito binukas ng malawak, ngunit tumambad sa kanya ang nambibilog na mga mata ng mga batang itim na itim.
Inisip ni Emma na tila ba malalim itong balon o hukay sa mata ng dalawang bata na halos natatanaw na nito an bungong walang laman, ngunit naputol ang kaba at panlalamig ni Emma ng magsalita ang batang babae.
"Nais po sana naming humingi ng isang basong tubig." mahinang sambit nito habang nakatitig ng blangko kay Emma.
Nanlambot daw siya ng makita iyon, dahan-dahan siyang napasandal sa gilid ng pader malapit sa pinto at napahawak sa ulo niya na tila nanakit bigla, tinanong niua daw ito kung tubig lamang ba ang kailangan, sumagot ang batang lalaking bahagyang nakayuko na animo nahihiya.
"Nais po sana namin ng kapatid ko na makitawag sa telepono." sambit nito.
Hindi daw alam ni Emma kung ano ang kanyang gagawin, unang-una sa lahat, walang bata ang maggagala ng ganitong oras lalo na't merong rumorondang mga barangay tanod o pulis, nakapagtataka din na tila ba alam kaagad ng aso niyang si Marcy na may darating, lalong lalong nakapagtataka ang anyo ng dalawang bata.
Sobrang naguguluhan at natatakot ako ng panahong iyon, hindi ko alam kung nanaginip ba ako o dala lang nang pagod dahil nauuwi ko ang trabaho sa bahay, sinabi ko doon sa dalawang bata na babalik ako, bibigyan ko sila makakain at tubig, saka ko sinara ang pinto at kinandado, nakapagtataka din na si Marcy yung aso ko nakaupo at kakaiba yung nga ekspresyon ng mata niya, nadaanan ko kasi siya sa kusina kung saan merong baltar ng Birheng Maria, nakaupo lang siya at tahimik, matapos kong kumuha ng pagakain sa ref, balot ng tinapay at ilang prutas na nilagay ko sa isang basket, agad akong nagtungo sa pintuan, sumilip muna ako noon at nakita ko bahagyan malayo sila sa pinto at nakatayong nagmamasid sa madilim na kalye ng mga kapitbahay namin, binukas ko yung pinto at inabot ko ang isang basong tubig na agad na ininom ng batang lalaki, inabot ko din ang isang basket na pwede nilang kainin ang laman, sinabi ko din dun sa mga bata na sa may bakuran muna sila umupo, hindi ako nagpapapasok kasi natatakot ako sa kaligtasan ko kaya sinara ko yung pinto tumawag ka agad ako ng mga pulis, sinabi ko pa nga noon na merong dalawang bata ang naliligaw at kailangan ng agarang tulong dahil may kung ano sa mga mata nila, ilang saglit pa lumapit sakin si Marcy at maririnig ang iyak ng aso sa kanya, agad ko pa nga tong hinaplos sa ulo para di siya umiyak dahil ayoko magising ang anak ko, ilang saglit pa dumating ang mga pulis.
Sabi nila wala namang dalawang bata sa tapat ng bahay ko at merong ibang tanod ang rumoronda kanina lamang alas-dos at nadaanan pa ang bahay ko, wala silang nakitang kung ano maliban na lamang doon sa isang basket na nasa tapat ng pintuan ko, siyemore nagulat ako bakit iniwan nila ang basket baka ayaw nila ng pagkain, pero nagakot ako sa sinabi ng pulis, bulok at inuuuod na daw ang laman ng basket, inaamag na daw yung tinapay at merong mga maliliit na kulay puting uod ang gumagapang sa mga nabubulok na prutas, kakaiba at napakamasangsang daw ang amoy ng basket para sa tinapay at prutas lamang na nabubulok, mula noon natakot ako, hindi na ako basta-basta nagbubukas ng pinto, hindi na din ako nag uuwi ng trabaho sa bahay, maaga na din akong natutulog, nagsisimba na ako parati at humihingi ng tawad aa panginoon, doon ko lamang naranasan matakot ng sobra.
"Science writer Sharon A. Hil was unable to find any documentation of black-eyed child encounters, concluding that the tales are passed on as "friend to friend" ghost stories. Hill considers the legend to resemble "typical spooky folklore stories" such as the phantom black dog, where the subject is not supernatural, and there may never have been an actual original encounter. Snopes lists this phenomenon as being a legend." Wikipedia.
🌼END🌼
By:
Quiz maker:)
Click "⭐" vote
🌻 wattpadislove.org
YOU ARE READING
Book Club
RandomReaders and Writer's this book club is made for you so what are you waiting for? 🇵🇭√ SIGN UP AND JOIN NOW!🧡