Masterpiece

5 1 0
                                    

Mabagal akong naglalakad papasok ng school habang ang mga kamay ay nakaloob sa bulsa ng aking slucks at naka-high volume ang earphones ko.

May mga nakakasabayan akong estudyante sa paglalakad sa side walk papuntang up-hill, mabilis ang takbo ng mga sasakyan sa kalsada dahil maaga pa naman.

"Dwayne!" Napalingon ako sa umakbay sa akin at tinanggal ang kanang earphone.

"Uy, Drey," Bati ko sakanya. Barkada ko sa school pero hindi kami ganun ka-close.

"'Di ka pa ba late? Last day na ng exam natin ngayon 'eh," Hinihingal niyang sabi at pinagpapawisan, mukhang nagmamadaling pumasok.

"Pageexamin pa rin naman ako," Sabi ko.

"Sana all matalino, wala kasi akong pagkokopyahan pag mag-isa ko, sige pre una na 'ko, walwal kami mamaya ng tropa after exam, ano g ka?"

"Sige lang," Deserve ko din naman magenjoy at celebrate pagkatapos ng hell week na 'to.

Pinagmasdan ko siyang tumakbo at nilalampasan ang mga taong naglalakad hanggang sa may nabangga siyang babae at napaupo ito sa sahig.

"Ano ba 'yan! Bulag ka ba? Bakit hindi ka umiwas!" Galit na sambit ni Drey sa babae at tumakbo ulit. Gago talaga 'yun.

Maraming nakakita sa nangyari pero wala man lang tumulong sa babae, tinitignan at dinadadaanan lamang siya ng mga taong naglalakad sa side walk. Ano bang problema ng mga 'to?

Nagmamadali akong naglakad para matulungan ang babae, hindi maipinta ang mukha ng mga nakakakita at nanonood. Tila mga takot at gulat. Anong mali sa  tumulong? Mga sira ulo.

"Miss tulungan na kita," hindi niya ako pinansin at may kinakapa sa sahig, nakita ko ang stand stick na tumilapon sa gilid sa lakas ng pagkakabunggo nila ni Drey.

"Ito ba?" Inabot niya ang stick at inayos ang shades niya.

"Nababaliw na ba siya?"

"Anong ginagawa ng lalaking 'yan?"

"Bakit nandito nanaman siya?"

"Akala ko ba napatay na ang babaeng yun?"

Napatingin ako sa mga taong nagbubulungan habang dumadaan. Anong sinasabi ng mga 'to?

"S-Salamat," Nahirapan siyang tumayo kaya tinulungan ko siya. Walang lingon-likod ay naglakad siya, gamit ang stand stick na hawak niya. Gagong Drey yun, the girl is blind.

Napakunot ang aking noo dahil dumidistansya sakanya ang ibang tao na nakakasalubong niya, masama ang kanilang mga tingin at ang iba ay tila takot na takot.

Huminto ang babae sa walking lane at wala man lang nag-abalang tumulong sakanya sa pag-tawid, wala ring sumabay sakanya kahit nasa sampu ang mga dapat na tatawid.

Nang tumunog ang green signal ng street light ay huminto ang mga sasakyan at mag-isa siyang tumawid gamit ang stick para alam niya ang kanyang nilalakaran.

Nakarating siya sa kabilang kalsada at nakasandal ang matandang pilay sa building habang namamalimos. Napasinghap ang mga taong nakakita na kagaya ko ay pinapanood din pala siya.

Kahit may kalayuan ang babae mula sa kinatatayuan ko ay kita ko kung paanong paulit-ulit umiling ang marungis na matandang pilay. Bahagyang umupo ang bulag na babae sa harapan niya at naglagay ng barya sa pinaglilimusan ng matanda.

"Kawawa naman."

"Siya pa ang nauna."

"Bakit kasi bumalik pa siya?"

Masterpiece (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon