"Besh, feeling ko lashing na 'ko. Feel mo rin ba? Besh!", eto ang kanina pa ulit ulit na tanong ni Kat sa bestfriend nyang si Lemon na tumatawa sa isang sulok ng lamesa.
"Hay naku besh, alak nanaman napagdiskitihan mo ngayong malungkot ka. Dapat masaya ka kasi birthday mo ngayon diba?"
Binaba ni Kat ang bote ng red horse ng hawak niya at sumandal sa upuan. "Pa'no naman ako magiging masaya, break na kami ng jowa ko," nagsisintimyento nitong sagot habang nangingilid ang luha. "Ansakit dito sa dibdib fren, alam mo yun. Yung andami na naming mga pangarap, yung nagpaplano na siyang puntahan ako dito sa Pilipinas. Akala ko siya na eh! Isusuko ko na sana ang bandera! Sabi ko pa sa kanya he's the one! Sabi rin niya I'm the one! Yun pala not one, but two kami sa buhay niya, tapos yung isa kapitbahay lang niya sa Canada! Ansakit sakiiit!!"
Malakas ang tawa ni Lemon. "Sabi ko na nga ba!! Umabot man lang ba kayo ng isang taon??"
"Tanga, syempre hindi. Alam ko namang mahirap ang LDR eh."
"Mas tanga ka besh, alam mo na ngang mahirap, sige ka pa rin."
Hinila ni Kat ang braso ni Lemon at malambing na isinandal ang kanyang ulo sa matipunong balikat nito. "Ewan ko ba, weakness ko talaga mga foreigner eh. Siguro kasi mas daks?"
"Ang landeee! Kung maka-daks ka akala mo naman active!" Hawak ni Lemon ang kanyang tiyan habang tumatawa. Tumingin ito sa nandidilim na mukha ng kaibigan at humagalpak ulit ng tawa.
"May sapot na yan fren!!"
Tumayo si Kat at pabirong nilapit ang mukha niya sa lalaking tinuturing niyang bestfriend ng ilang taon at sabay sabing, "Ba't kasi hindi na lang maging tayo?"
Bahagya ding inilapit din ni Lemon ang kanyang mukha na parang hahalikan si Kat at sabay sabing, "Kahit pareho tayong lalaki ang gusto?"
Animo binuhusan ng malamig na tubig si Kat at biglang umiwas. "Ew, nakakadiri nga! Ba't kasi naging bakla ka pa!"
Umiling iling lang si Lemon at tinungga ang baso ng alak. "Tara na, ayoko mag-alaga ng lasing ngayon. Mas maaga shift ko sa'yo bukas. I don't wanna be late, bebembangin na naman ako ng Sup ko." Nag-iwan siya ng pera sa lamesa at niyaya nang umuwi si Kat na nagpupumilit pang umorder ng barbecue at isang bucket ng Redhorse at Pale Pilsen. Hanggang sa maihatid siya ni Lemon sa bahay nila ay nagmamaktol ito na parang bata.
Bago matulog ay nag-chat sya sa bestfriend niya, "Hindi mo man lang ako hinayaang mag-vent out. Yun na nga lang ang way ko para malibang. Ansakit ngayon ng dibdib ko. Parang may malaking bato na nakapatong, hindi ako makahinga. Pag may bago ako ulit jowa, who you ka sa'kin."
Hindi na niya nakita ang reply ni Lemonpagkatapos ng isang oras. "Masakit dibdib mo kasi malaki joga mo, gaga.Magtanggal ka kaya ng bra?"
Thanks for reading! Hope you enjoyed it.💛
Tell me what you think about Kat & Lemon! Please comment on each chapter!
xoxo, lj 🤍

BINABASA MO ANG
Kat & Lemon
ChickLitShe's had 21 foreigner boyfriends and counting... He's single, attractive, her best friend in the world, and gay. Can they stay friends forever? A story based on true people, semi-true events, but very realistic circumstances. Warning: language is N...