Katarina Matambing

4 0 0
                                    

Katarina Matambing. Iyan ang buong pangalan ni Kat, chinita, matangkad, laging lead sa larong Volleyball kaya athletic ang katawan, masiyahin kahit madalas pikon naman, at higit sa lahat – virgin. 30 years of innocence sabi nga niya. At gaya rin ng lagi niyang sambit sa bestfriend niya, "weakness" niya ang mga lalaking may foreign blood at hindi marunong mag-tagalog.

21 and counting – ito ang bilang ng naging nobyo ni Kat mula sa iba't ibang panig ng mundo. Lahat English speaking, lahat galante sa pagpadala sa kanya ng regalo, at lahat nasa malayo. Tanging ang mga video calls sa Messenger ang bumubuhay sa komunikasyon nila, at madalas pa ay napagsasabay niya ang dalawa o tatlong kasintahan. Hindi naman ito kaugustuhan ni Kat, sadya lang talagang marupok siya. Marupok pero takot.

At ito pa ang isa pang takot - ang kanyang bestfriend na si Lemon – short for Leopold Joaquin Cortado. Matipuno kahit hindi katangkaran, moreno, may biloy sa magkabilang pisngi, matangos ang ilong, magaling kumanta, matibay sa lasingan, pero pusong mamon.

Pareho silang nagtatrabaho sa call center at simula ng kanilang trainee days, sila na ang laging magkasama. From one company to the next, hindi na sila napaghiwalay. Nakailang nobyo na si Kat noon mula ngayon 4 years after, pero si Lemon ay iisa pa lang. Pihikan at conservative, ngunit loyal na kaibigan ni Kat. Ilang beses na rin itong bumisita sa bahay nila Kat sa probinsya at gustong-gusto ng kanyang Mommy Girlie kapag andun si Lemon.

"Besh, anong plano natin ngayong off? Uwi ka ba sa inyo?" tanong ni Kat habang sinisipat ang ilang bakanteng work station sa production floor ng kanilang opisina, dala dala ang headset at sariling mouse.

Inaayos na ni Lemon ang kanyang mga gamit sa station malapit sa pad ng supervisor, habang binabalanse ang hawak na kape sa maliit na styro cup. "Pag-isipan ko besh. Wala pang sahod eh."

"Bakit gustong gusto mo umuupo dito malapit sa Sup pad ni TL Feb?", naiiritang tanong ni Kat na ipinalit ang swivel chair sa kabilang station para mag-ayos na rin ng kanyang mga gamit sa tabi ni Lemon.

"Tinatamad na'ko maghanap ng iba, Kat."

"Shokot ka ngayon fren, hindi ka naman maganda. Pengeng kape," natatawang kinuha ni Kat ang kape sa tabi ng keyboard ni Lemon at humigop, isa pang higop, at isa pa. Ubos na niya ang kape.

"Hoy bakla ka ng taon! Palitan mo kape ko! Ba't mo inubos??"

"Sarap eh. Maya fren, palitan ko. Ano gusto mo, frappe?"

Umismid si Lemon, "Starbucks?"

"Redbucks. Yung kiosk dun sa baba. Pwede na yun fren, wag choosy."

Biglang may lumapit sa likod nila, ang kanilang supervisor na fashionista at super skinny parang si Kim Chiu. Naka-shirt ito ng light pink, faded na skinny jeans, at high cut boots. "Why are you guys not logged in yet? Kayo may pinaka-maagang shift sa team, you have to be on time. Male-late kayo sa kakadaldal," nakataas ang kilay na sita nito sa dalawang magkaibigan.

"Eto na TL, magko-calls na'ko. Avail naman, wala msyadong calls oh," nakangiting kumbinsi ni Kat sa Team Lead or Supervisor nila na ngayon ay tumalikod na at naglalakad papunta sa sariling nitong pad. "May update na ba sa CSAT TL Feb?"

"Sa tingin mo Kat pag may update na, ililihim ko ba?"

"Ay wala ka rin sa mood TL? Kulang sa dilig?"

"At least nagkukulang lang sa dilig. Ikaw, never nadiligan."

"Ouch! Pramis talaga sa next kong jowa, papa-uring na'ko!"

"Log in!!!"


Pagkatapos ng ilang oras ay lunch time na nila Kat, halos puno na rin ang production floor dahil pumasok na ang ibang Customer Service rep na mid at late shifts. Nag-punch na ng Lunch si Kat at sinenyasan si Lemon na hihintayin nya ito bago kumain ng lunch sa pantry.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 23, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Kat & LemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon