{Chapter II:

0 0 0
                                    

Huminga muna ako ng malalim bago nagsimulang maglakad patungo sa school gate.

Ngumiti ako dun sa guard sabay bati ng "Goodmorning po!" at nginitian niya naman ako pabalik.

Medyo nagtinginan naman sakin yung ibang estudyante, eh kasi, hindi naman usong bumati sa mga security guards pero I can't help it, siguro ganun lang talaga kapag may Jesus ka na?

Pero alam nyo kung anong amazing? Dati hindi naman ako pinapansin ng mga security guards kapah bumabati ako ehh, pero ang galing lang kasi nung lumaon, pinapansin niya na yung greeting ko with a smile!

Iba rin talaga kumilos si Lord! Hihi.

So naglakad-lakad na nga ako sa hallway at pasimple akong bumubulong ng prayer with matching pasimpleng lay hands pa sa campus.

"Lord, I pray for this campus. Naniniwala po akong sa inyo ang school na ito..." At ayun hanggang makaabot ako sa classroom namin, tamang pray lang ako.

|Room 101|

At sa wakas, nakarating na ako sa room. Uh wait, ano na nga uli yung word ko kagabi?

Ah! Proverbs 11:30 "Live right and you will eat from the life-giving tree. And if you act wisely, others will follow."

So Peach, dapat act wisely kung gusto mong maging example sa kanila ha?

Pero bago pumasok, nagdeclare muna ako.
"Lord. I declare salvation and revival upon this class. In Jesus's name, Amen."

Pumasok na ako ng room at ewan, natural na lang talaga, napangiti na lang ako habang bumabati sa mga kaklase ko.

"Hi guys!" At napatingin naman yung iba sakin at sabay na sumilay ang mga ngiti sa labi nila.

"Andito na pala si Peach!"
"Hi Peach! Yan nanaman yung nakakahawang ngiti niya ohh"
"Kaya nga, ang liwa-liwanag, parang naggloglow siya eh. Goodmorning Peach!"
"Sinabi nyo pa! Kaya ang ganda ganda niyan eh, daming manliligaw"
"Pero wala namang pinapansin ahahaha"

At ayun, napangiwi na lang ako sa mga sinasabi nila sabay iling habang natatawa. Basta ang mahalaga, masaya sila.

"Kayo talaga... Puro kayo kalokohan. Hindi naman totoo yung manliligaw na sinasabi nyo ehh." Sagot ko habang kinakamot ang batok ko.

"Psh! Indenial pa to ohh."
"Pero sabagay, wala pa naman kasi yung manliligaw na deserve niya sa mha yun."
"Oo nga naman."
"Tsaka kapag may manliligaw si Peach, dadaan muna iyon sa'tin!"

Aww. Pakiramdam ko natouch ako sa mga sinabi nila.

Ganyan yung mga kaklase ko. Kaclose ko halos lahat at sobrang gaan din naman ng pakikitungo nila sakin.

"Sabi nyo yan ah! Hahaha tsaka wala rin naman akong balak." Sagot ko sa kanila at nang mapalingon ako sa pwesto ng upuan ko ay pasimple akong tinawag ni Zykein Ayt sige maya na ulit!"

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jul 23, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Preach it, Peach! Where stories live. Discover now