Chapter 3

42 5 3
                                    

At nang kami'y makarating sa harap ng kompanya agad kong hinanap ang aking wallet at nagbayad.

"Salamat, kuya. Ingat."  Ani ko.

"Walang anuman po, ma'am. Salamat din."

Nang makapag bayad at makapag pasalamat ako ay agad akong tumakbo sa Elevator, sobra na akong late, lagot ako kay boss. Sa 8th floor pa naman ang aming office.

At kung sinuswerte nga naman walang tao ang elevator ng ako'y makapasok na pinindot ko agad ang 8th floor at ng mag sarado ang pinto tinignan ko ang sarili ko sa kumikinang kinang pa na pinto ng elevator, hayy ang ganda ko. Inayos ko ang medyo maiksi at kulot kong buhok , naglagay ng konting pulbos at nagpisik ng pabango.

Inaamin ko medyo kinakabahan ako, simula kasi ng nagtrabaho ako ngayon lang ako nalate. Napatingin ako sa relo ko kalahating oras na akong late, buti na lang at wala masyadong traffic ngayon kaya maagap kaming nakarating.

*TING* *TING*

Nagbukas ang pinto at bumungad sakin ang  nakakunot noo at salubong na kilay ng aming Team Manager or for short TM, siya nga pala si Kent. Ang gwapo gwapo niya pa rin kahit na ganoon ang kanyang hitsura.

Moreno at may magandang pangangatawan, halatang alagang gym. Tama lang ang laki ng mga muscles niya hindi yung katulad ng iba na mandidiri ka o matatakot.

Ang pinaka gusto ko sa kanya ay ang buhok niya bagsak na bagsak at mukhang napakalambot, mukhang ang sarap hawakan. May makakapal na kilay, light brown na kulay ng mga mata, matangos na ilong, may manipis at mapulang labi at may makinis na mukha. Napaka-amo ng kanyang mukha, mukhang Anghel.

"Bakit late ka?"

"TM, traffic po kase. Sorry po, 'di na mauulit." Pagsisinungaling ko.

"Sige na, pumunta ka na do'n at magsimulang magtrabaho."

Nagmamadali akong pumunta sa cubicle ko, may ilang bumati sa 'kin at binati ko rin naman, siguro wala pa silang tawag kaya nakakapag-usap pa.

Pinalagpas ni TM yung pagiging late ko, sabagay ito pa lang ang unang beses na nalate ako. Siyempre hindi porket pinalagpas ako ni TM Kent ay uulitin ko ulit 'yon kailangan kong ayusin ang trabaho ko.

Minsan ay naiilang ako kausap si TM lalo na sa harap ng mga katrabaho ko, dati kasi, umamin si TM na may gusto siya sa 'kin.

Madalas kaming nagkaka-usap sa text, nagkakamustahan, nagtatanungan at nagbibiruan. Masaya siyang kausap. Aaminin ko crush ko si TM Kent pero bawal na, may boyfriend na 'ko. Kung sana dati pa umamin si TM Kent baka siguro may pag-asa pa, hindi malabong hindi maging kami lalo't gusto ko rin siya.

Nagsimula na akong magtrabaho, ang daming tawag ngayon at gustong gusto ko 'to kase paniguradong ako na naman ang may pinaka mataas na ratings panigurado.

"Hi, thank you for calling ABC. My name is Dannyline, How may I help you?" in a sweet tone.

"I'm so upset right now." Nasa tono nito ang pagiging frustrated at pagiging upset.

"Why sir? What's your problem?"

"I paid my bills 4 days ago, I think? I'm not sure, but these morning I received a bill and I was just like wtf?! Why so high? I paid my bills, fuck!" Ramdam ko ang pagkalito at inis sa boses nito. "Can you please help me with this?"

"Yes sir. I'm willingly yo help with your problem." Sinserong sabi ko. "My apologies for the inconvenience, sir. I would probably feel the same way if I'm in your situation. But i assure you, sir, that all your concerns will be heard and not taken for granted." Saad ko habang may ngiti sa labi kahit hindi naman niya 'to nakikita pero sigurado 'kong ramdam 'yon sa mga salitang binibitawan ko.

Until I Met You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon