Chapter 4

23 2 0
                                    

A/N: Kung may makikita kayong mali pakisabi naman sa 'kin, por favor??? 'di ko maedit ngayon, inaantok me HAHAHAHAHAHA

Ginagawa ko na ang mga bagay na dapat kong gawin bago ako pumasok , maaga na kong nagising ngayon alas dos palang gising na, hindi na pwedeng malate ulit ako.

Pagkagising na pagkagising ko ay agad akong nagtimpla ng kape, kalahating mainit at kalahating malamig, ayoko ng masyadong mainit. Kapag off ko at nagtitimpla ako ng kape sa umaga at hindi ko naubos iinumin ko pa rin 'yon, binabalikan ko 'yon kung saan ko iniwan. Kase alam ko yung feeling na hindi ka binalikan, masakit. Sobra.

Pag ako'y nakapagtimpla na lalabas ako at pupunta sa may hagdan o kung hindi naman ay sa kwarto para manigarilyo. Minsanan lang ako makapanigarilyo dito, pag wala ang boyfriend ko. Pinagbabawalan niya ko kase hindi siya naninigarilyo. Pero dahil nakasanayan ko na 'to ay hindi ko na mapipiit ang sarili ko. Lalo na't eto ang nakakapagpa-poop sa 'kin.

Kapag tapos na ako sa pagkakape at paninigarilyo ay lumalabas na ko ng kwarto para hugasan ang baso na ginamit at tutuloy sa sala para manood saglit ng TV at makipag-usap kina Tita o Tito at kung minsan ay nagti-tiktok kami ni ate May kasama ang mga bata.

At kapag natapos ko na ang routine ko ay maliligo na 'ko at mag-aayos.

A usual Sweat pants or Jeggings na pinaparisan ko ng T-shirt or Hoodie with rubber shoes, dati nagde-dress ako or skirt pero dahil sa angkas na 'ko sumasakay tinigilan ko na ang pagsusuot ng mga ganong bagay.

Noong mahaba pa ang aking buhok maraming style akong nagagawa kung minsan naka-braid, straight o nakakulot, I mean natural na kulot ang buhok ko ang ibig kong sabihin maliligo ako at kahit hindi pa tuyo ang aking buhok ay ititirintas ko na ito at lalagyan ng gel. Para paggising ko maglilinis na lang ako nang katawan at tatanggalin ko ang pagkakatirintas ng aking buhok and then boom tapos na.

Pero dahil maiksi na lang ang buhok ko ngayon straight o kulot na lang. Siyempre para maging straight ang kulot kong buhok ay paplantsahin ko. At kung gusto ko naman ng kulot ay iiipit ko lang ng papony tail ang aking maiksi at basa na buhok para pagpapasok na ay 'saka ko na lang tatanggalin.

Nakaligo, nakapagbihis at nakapag-ayos na 'ko. Lumabas na ako sakto naman na naghahain na si Tita Leni, kapag gantong may oras pa ako nakakasabay ako sa kanila sa pagkain pero minsan tumatanggi ako at sa canteen na lang kumakain.

Nang tuluyan na akong makababa ay pumunta na 'ko sa kusina.

"Hi, tita. Magandang gabi po, tulungan na po kita diyan." Nakangiti kong saad.

Kukunin ko na sana kay Tita ang ulam na hawak niya, "Nako, nako, hindi na. Ito na lang naman, tawagin mo na lang ang si May, ang mga bata at si Leonardo ng makakain na tayo ng sabay-sabay." Pagtataboy nito sakin para tawagin sina Tito.

Nang kumpleto na kami sa hapag nagdasal muna bago kumain.

Habang kumakain kami ay may biglang pumasok sa kusina, si Len...

Minsan na lang kami magkita ni Len sa tuwing day off ako o siya. Nagkakasama lang kami sa umaga o gabi.

"Hi Ma, Pa, magandang gabi po." Magalang na pagbati nito at nagmano bilang paggalang sa kaniyang magulang.

"Mahal, anong oras pasok mo? Hatid na kita." Nakangiti nitong saad sabay halik sa 'kin sa pisngi.

"Nako, 'wag na. Magpahinga ka na lang at alam kong pagod ka rin sa trabaho mo. Mag b'book na lang ako sa Angkas. Magkita na lang tayo bukas, day off ka naman 'di ba?" May ngiti sa labi kong saad. Hays, sa wakas at magkakasama na rin kami. Ilang linggo na rin kaming ganto. Sanay naman na kami pero hindi pa rin maiiwasan na mamiss ang isa't isa. Siyempre, We need time to talk as a couple, wee need that. Kailangan pa rin may contact with each other, kailangang mag-usap kung may problema o ano, basta hindi dapat nawawalan ng koneks'yon ang dalawang taong magkarelasyon. Do'n magsisimula lumabo ang relasyon na binuo niyo pag nagkataon.

"Oo, labas tayo bukas? Dinner date bago ka pumasok." Pag-anyaya nito ng may ngiti sa labi.

"Hmm, sige. Oh, upo ka na. Kain na tayo." Tumayo ako at kumuha ng pinggan para kay Len. At ng makabalik ako sa hapag dala ang pinggan, pinaghain ko na s'ya. Gustong-gusto kong ginawa 'to sa kaniya. Mas gusto kong ako ang nag-aasikaso kesa ako ang inaasikaso.

Nagkwentuhan kami habang kumakain at ng matapos ito ay agad akong nagpaalam para pumasok.

"Tita, Tito alis na po ako." Bineso ko si Tita at nagmano ako kay Tito. "Alis na 'ko, mahal. Bukas na lang, ah?" Pagpapaalam ko sabay halik sa pisngi.

"Sige, hija ingat ka sa byahe."

"Hatid na kaya kita, mahal? Anong oras na oh. Okay lang naman sa 'kin hindi naman ako masyadong pagod." Nag-aalangang saad neto. Dati rati talaga noong wala pa siyang pasok ay lagi niya akong hinahatid at sundo sa trabaho. Ngunit ngayon ay may trabaho na siya at magkasalungat ang aming oras.

"Hindi na, okay na 'ko. Nakapagpabook na ako sa Angkas maya maya andiyan na yon sa kanto. Kung gusto mo doon mo na lang ako hatid."

"Sige, hatid kita. Tapos ka na ba? Wala ka nang nakalimutan sa taas?

"Oo, wala na. Tara na. Tito, Tita bye po."

Hindi ko na inantay na makasagot sila at lumabas na ako ng bahay.

At ng makarating kami sa kanto ay naghintay lang kami saglit at nandoon na ang binook ko sa Angkas.

"Bye, mahal. Sige, sakay ka na at baka malate ka pa." At siyempre humalik muna ito sa aking labi ngunit saglit lang. "Pre, ingatan mo 'yan papakasalan ko pa yan at magiging ina 'yan ng mga anak ko. Pag may nangyaring masama diyan sa taong mahal ko, magtago ka na sa saya ng nanay mo." Pagbabanta nito HAHAHAHA. Ang cute cute niya talaga. Nakakakilig. Pero nakakahiya, ughh, ghaaad.

"Hoy Len! Mag tigil ka nga nakakahiya!!! Umuwi ka na, Ingat ah? Bukas na lang." Pagalit kong sabi. Para mapagtakpan ang kilig at ang pamumula ng aking mukha.

"Opo, sir. Pangako HAHAHA. Ang sweet niyo naman po. Sanaol." At tumatawa pa talaga itong si kuya, ah. May pasanaol sanaol pang nalalaman eh pinagbabantaan na nga.

"Osige pre yung sabi ko sayo ah? Pag may nakita lang akong galos diyan bukas huhunting'in kita." Anito. Alam ko namang nagbibiro lang siya pero nakakahiya, ghaaad HAHAHAHAHA. "Bye mahal. I love you." Bumalik na sa pagiging sweet ang kanina nitong galit na boses.

"Loveyoutoo. Bye." At umalis umandar na nga ang motor. Pero nilingon ko ulit siya para kumaway at magflying kiss, tinaas niya ang kamay niya at kunwareng may sinalo sa hangin at nilagay sa dibdib niya, sa harap ng puso. Yung halik ko. HAHAHAHA ang cute niya talaga, grrr.

As usual, hindi traffic kaya mahigit isang oras lang ay nasa kompanya na agad kami. May trenta minutos pa ako bago magsimula ang aking trabaho. Kaya pumunta muna ako sa smoking are para tumambay HAHAHA joke siyempre para manigarilyo.

To be continue...

So, eto na lang muna dzai HAHAHAHAHAHA sorry na wala akong alam kung paano mag usap o gaano ka sweet ang magsyota, uwu. NBSB here duh, soon wait lhungs kayo 😂

Hindi ko alam kung paano ko siya tatapusin kaya yan na lang arghhh.

Sorry ngayon lang may update, busy lhungs sa soon to be HAHAHAHAHAHA

Pagpasensiyahan niyo na kung walang kwenta uwu.

BTW, THANKYOUSOMUCH TO DIONE SA LOAD HAHAHAHAHAHA, THANKYOU TALAGA.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Until I Met You AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon