Chapter 4

3 1 0
                                    

"Alam mo nakakagigil talaga yung babaeng yun, sinabihan kang panget? E, mukang ingrown mo nga lang siya" Daldal nang daldal si Alyssa, habang pinupunasan ang mga gamit niyang nabasa sa ulan

Yea, tama yung librarian kanina. Umulan nga

"EARTH TO CLARA!" Tinitigan ko nang masama si Alyssa, ang ingay ingay

"Kanina ka pa dyan tulala, ano na girl? Ikaw yung nakasakit. Pero kung umakto ka, parang ikaw yung nasaktan. Pa victim sizt?" Inirapan ko lang siya

Tumitig nalang ulit ako sa kisame, habang nakahiga dito sa kama

Pagdating namin ni Alyssa dito sa apartment, naligo lang ako dahil nabasa ako sa ulan at malagkit yung coke na natapon sakin

Si Alyssa lang yung may payong kanina, kaya hindi sapat yun para sa aming dalawa. Lalo na't sobrang lakas nang ulan

"Kilala mo ba yung lalaki kanina?" Tanong ko kay Alyssa, habang nakatulala sa kisame. Pinaprocess parin ng utak ko yung mga nangyari kanina.

Hindi ako pwedeng magkamali. Ganon ang boses ni Florencio

"Sino dun? Madaming boylet dun. Andun nga yung lima sa mga lalaking naka fling ko e" Well that's Alyssa, ano pa aasahan mo sa babaeng 'yan

"Yung sinampal ko" Naalala ko nanaman yung gulat niya nang sinampal ko siya. Akala niya siguro porket gwapo siya, papalagpasin ko siya

Di ako marupok nu

"Ahh, siya yung sinasabi ko sayong bagong transferee sa school. Yung STEM student, o diba! Sabi ko sayo fafa e! Kaso parang negative yung ugali"

"Ah siya pala yung transferee" Wala sa sariling banggit ko

"WHATTTT?" Napaupo ako sa kama ko nang marealize ang sinabi ni Alyssa. Wait transferee sa school namin? Schoolmate ko siya? Wtf no!

"Ano ba Keana, nakakagulat ka!" Reklamo ni Alyssa, habang hawak yung dibdib niya

"Oo, siya yung bagong transferee sa school boba ka. Ay sis wag ka, fresh from the US yun! Pero pinay yung nanay niya, kaya magaling siya mag tagalog" Mahabang paliwanag nito

"US?"

"Yes girl! Filam siya, palahi ka nga sis! Gusto ko maganda inaanak ko hihihi"

Binato ko siya ng unan, dahil sa kagagahan niya

"Ano ako aso? Para ipakasta sa may lahi? Tsaka kita mong sinampal ko yun" Tawang tawa si Alyssa sa sinabi ko

Onti-onting nag tutugma yung mga panaginip ko

Kung schoolmate ko siya, may malaking posibilidad na lagi ko siyang makikita? No! Malaki naman school namin. Sana, nasa college building siya. Para malayo sa building namin

"Akin na nga bag mo. Lilinisan ko nadin, kita mong basang basa na, Pinapabayaan mo padin. Dugyot ka gorl?" Hindi ko na siya pinansin at binato nalang sakanya yung bag ko

"Kailangan nating mag madali Florencio, hindi tayo pwedeng abutan nila ama't ina" Nasa isang hardin si Krispina at Florencio at nasa likod nito ang bahay nila Krispina

"Huwag kang mag-alala mahal, handa akong harapin ang iyong magulang" Nakahawak lang ang binata sa dalawang kamay ng dalaga. Habang tinititigan nila ang mata ng isa't isa

"Hindi maaari ang gusto mo Florencio" Mababakas ang lungkot sa pagsasalita ni Krispina

"Ilalayo nila ako sayo, kapag nalaman nila na patuloy pa rin ang koneksyon natin sa isa't isa"

"Hindi ko kayang mawalay sa iyo Florencio, natatakot ako" Marahang yumuko ang dalaga, para itago yung luhang namumuo sakanyang mga mata

"Tumingin ka sa akin mahal ko, huwag kang mag alala. Hindi ko hahayaang mangyari iyon sa atin" Ngumiti si Krispina dito, hindi na napigilan nito ang mga luha na kanina niya pa pinipigilan

Masyado siyang nalulunod sa pagmamahal ng binata

Dahan dahang hinaplos ni Florencio ang pisnge ni Krispina. Para maalis ang mga luha dito

"Saksi ang kwintas na ito, sa pangakong bibitawan ko ngayon" Nilabas ng binata ang isang kwintas na may maliit na batong kulay lila. Makintab ito, kaya kapag natatamaan nang araw. Kusa itong kumikinang

"Saan mo nakuha iyan? Isang mamahaling muwebles iyan Florencio" Gulat na tanong ni Krispina dito

"Ito ang binigay sa akin ni ina, bago siya tuluyang bawian nang buhay. Mahalaga ito sa akin, kaya naman ibibigay ko 'to sayo. Ito ang sisimbolo, kung gaano ka kahalaga sa akin Krispina" Hindi nanaman nito mapigilan ang kanyang mga luha

"Bigyan mo ako ng iyong permiso binibini. Gusto kong isuot sayo ang kwintas na ito"

Tanging tango lang ang sinagot ni Krispina dito

Dahan dahan namang sinuot ni Florencio ang kwintas

"Ikaw lang ang babaeng mamahalin ko, hanggang sa aking huling hininga. Pangako"

Nagising akong hinihingal. Hindi nakakatakot ang panaginip ko, pero hinihingal ako

Nakita ko si Alyssa na natutulog na sa kama niya. Dahan dahan akong bumaba sa kama

Pumunta ako sa maliit na ref namin, at kumuha nang tubig

Pumunta din ako sa maliit na sink dito sa cr, para mag hilamos. Tinitigan ko muna ang muka ko sa salamin, bago ako lumabas

Bumalik na ako sa kama ko. Nakita kong ala una pa lang

Humiga ako sa kama, kahit alam kong mahihirapan ulit akong makatulog

Napadako ang tingin ko sa gilid ng lampshade ko. Nakita ko yung librong naka plastik padin na hiniram ko sa library. Siguro nilagay dito ni Alyssa nung nilinis niya yung bag ko

Kinuha ko ito para tingnan kung nabasa ba ang loob, dahil sa ulan kanina

Nagulat ako nang dalawang libro ang nakita ko, eh isa lang naman ang hiniram ko

Dahan dahan kong kinuha 'to

Yung isang book about Philosopher, yung isa naman kulay brown lang ito, luma ang disenyo. Pero maayos pa ang kondisyon, parang matagal na itinago at inalagaan

Nakakapag taka dahil wala itong title o ano mang nakasulat sa cover.

Sinubukan kong buklatin ito, hindi ko pa nakikita ang kabuuhan. Nang biglang may nalaglag dito na kapirasong papel

"Daan tungo sa nakaraan"

"Ikaw ang makakatulong, sa naputol na pag iibigan" -Krispina

Bigla kong nabitawan ang libro, nanginginig ang kamay ko.

Akala ko hanggang panaginip lang sila, bakit hanggang sa reyalidad sumusunod sila?

Huminga ako nang malalim, Dahan dahan kong inabot ulit yung libro at binuksan itl

Napatulala ako sa isang kwintas na naka drawing dito

Ang kwintas na binigay ni Florencio kay Krispina

Pero hindi yun ang kinagulat ko

Ngayon lang nag sink in sa utak ko

Yung kwintas ng librarian sa school....

Hindi ako pwedeng magkamali

Kwintas ni Krispina

Andito na sila

Pero bakit...

Bakit nakikita ko ang nakaraan nila?

Bakit ako, at hindi sila?

Bakit ginugulo ako nang nakaraan ng iba?

Sampid ka girl?

Misteriosascriptor <3 you all!

Our Past Is Chasing MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon