Chapter 5: Dazed and Confused

5.5K 55 6
                                    

CARINA'S POV

MONDAY nanaman ngayon, nakasilip lang ako sa bintana ng kotse, wala halos pumapasok sa utak ko at nakatitig lang ako sa kawalan.

Nagreply kasi ako kay Vince, pumayag ako na makipagusap sa kanya. May pagasa pa din naman sakin na baka pwede pa naming maayos yung relasyon namin.

Bumaba na ko sa kotse at pumasok na sa school. Parang wala pa ko sa ulirat ng makita ko si Vince sa may hallway.

I was stucked on where I was standing for a moment but I managed to walk.

I don't want to be assuming lang naman, baka mamaya di ako yung inaantay nya.

When we're almost close to each other, mas lalong tumindi yung kaba sa puso ko.

"Can we talk for a while?" Sabi sakin ni Vince. Tumango naman ako sa kanya. I know marupok ako.


Nandito kami ngayon naguusap sa bench ng school. Medyo sa tago kaming part para walang estudyante yung makapansin samin.

"I know it's been a while. Sana wag mong isipin na kaya di ako nakipagusap sayo agad ay dahil ayoko na talaga." Sabi ni Vince while looking at me.

Ako naman nakatitig lang sa kanya at pinipilit ko na walang maging reaksyon yung muka ko.

Para kunyare strong and hard to get. Tsaka ayoko din naman isipin nya na sobrang affected ako nung nawala sya. Kahit totoo naman -_-

"Then?" Mataray na sagot ko kay Vince.

"I just gave you time to think and rest. I know I fed you up with lot of shits." Sabi ni Vince.

"Yeah, well I'm doing great." Sagot ko naman ulit sa kanya.

"Yea, you look more beautiful now di katulad nung tayo pa. Naiistress nga siguro talaga kita" Sagot sakin ni Vince.

"Yan lang ba gusto mong sabihin? Kasi kung wala na I'll go to my class baka malate ako." Sabi ko kay Vince in a very cold tone.

"I'm sorry." Sabi ni Vince na ngayon ay nakatitig na lang sa mga damo.

"I'm a jerk, I don't deserve your forgiveness. Pero, diko din naman kaya na wala ka. Di agad ako pumasok last week dahil diko alam kung anong gagawin ko pag nakita kita." Sabi sakin ni Vince.

Lumalambot na yung puso ko pero pilit ko pa ding pinapanglabanan yung nararamdaman ko. Syempre ayoko naman agad bumigay sa paawa effect nya.

"You don't need to say sorry, Vince. What's done is done. Pero I can't guarantee that I can trust you again." Sabi ko kay Vince.

"I know getting you back will be really hard, but, if you can't forgive me now then I'll wait for the right time na mapatawad mo na ko ulit." Sabi sakin ni Vince.

"For now, I'll court you again." Dagdag pa nya at hinawakan ang kamay ko.

Lumapit naman sya sakin at unti unting idinampi ang labi nya.


Napatulala lang ako sa ginawa nya.


Nakafreeze lang ako ng matagal nang maramdaman ko na lang na iginagalaw na nya yung labi nya kaya naitulak ko sya bigla.

"Carina, I'm sorry" agad namang sabi ni Vince na nakatitig sa mga mata ko at halatang nagulat din sa ginawa ko.

Nakatitig lang ako sa kanya at walang lumalabas na salita sa bibig ko.

Bakit ganon? Bakit parang wala akong naramdaman?

Bigla namang pumasok sa isip ko yung halik sakin ni Sir Luke.

His Sweet LecturesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon