"Mom una na ako! Bye!" Pagmamadali ni Max palabas ng bahay, sinalubong agad siya ng kanyang kaibigan pagbukas ng pinto.
"Mag-iingat ka anak!" at kumaway na siya palayo.
Kasalukuyan silang namamasiyal ng kanyang kaibigang si Krisha.
"Happy Friendship day Max, alam mo dapat ngayon punuin natin ng happy moments tong araw na to, malay mo baka bukas end of the world na."- Krisha.
"Hay nako Krisha, kumain na lang tayo dahil hindi pa ako nagumagahan tsaka baka kung saan-saan ka pa madala niyang theory mo"- Max.
"Sige na nga"
*Restaurant*
"Miss ano po'ng order niyo?" tanong ng waitress
"Ah isang bowl ng chicken Curry tas isang bowl ng ganito tas ganito tas eto pa at eto at eto" sunod sunod na bulalas ni Krisha habang itinuturo ang menu.
"Ah, sige po ma'am, wait niyo na lang po ang order niyo" magalang na tugon ng waitress.
"Hala ang takaw mo bes, bat ang dami mong order, eh, dalawa lang naman tayo, tsaka isa pa... sinong magbabayad?" tanong ni Max.
"Chill ka lang diyan Max siyempre bibigyan ko ng espesyal na oras ang pagkakaibigan natin, at ako ang magbabayad ng lahat, My Treat!"
"Ang sabihin mo, matakaw ka lang talaga"
"Oo na, oo na... hihihi"
*Abandoned Lab*
"Ughhh, all this time I work for this Science Institute, then I got nothing, this sucks! Why do I have to be a slave to that freak!".
Sabay hawi ng malakas sa mga Lab apparatus dahilan upang mabasag ang mga ito.
"ha-ha-ha-hahahaha... tignan natin kung saan ang kaya ng katalinuhan mo sa gagawin ko ngayon..."
...Experimenting...
*Restaurant*
[breaking news. Mayroong tatlong pamilya ang isinugod sa ospital at inaalam pa ang buong insidente sa nangyari, ayon sa ibang mga nakasaksi, nagsimula umano ito sa batang may sakit na naglalaro malapit sa lumang buildng ng McConnell Science Institute. Para sa iba pang mga detalye, magbabalik ang breaking news. Shilla Larson nag-uulat]
"Nakakatakot naman yung balita Max, baka malapit na nga ang end of the world"
"Huy! Wag ka nga, seryosong bagay to, kailangan nating mag-ingat baka mahawaan tayo ng contagious disease na yan."
[breaking news. Pagkatapos ng insidente ng tatlong pamilyang isinugod sa nasabing ospital ay mas lalong dumami ang taong isinusugod ngayon dito sa McConnell Hospital at ngayon ay halos lahat na ng mamamayan ay pumupunta na sa naturang hospital, live mula sa breaking news. Shilla Larson nag uulat, live]
"Ah, anong nangyayari bat parang lumalala na ang sitwasyon ngayon Max, anong nangyayari?"
"Ahhhhhhhhhhhhhhhh!!!" sigawan ng mga tao.
Habang nasaloob ng restaurant nakita nilang may mga nagtatakbuhang mga tao, at nabigla ang dalawa ng makita nilang kinagat ng isang babae ang isa bata kaya napatakbo na rin silang dalawa sa takot.
"Anong nangyayari Max, ano to? bat nagiging savage na ang mga tao?"
"Tara! bilisan mo ang takbo mo, maaabutan nila tayo!"
"Saan tayo pupunta ngayon Max?"
"Hindi ko alam!"
Habang tumatakbo ang dalawa ay hindi nila namamalayaan ang kanilang dinaraanan, ni wala silang kaalamalam sa mga nangyayari at hindi nila alam kung saan sila tutungo ng biglang.
"Ahhhhhhhhh!!!" Sigaw ni Krisha.
"Krisha!!! Wag!!! Bitawan mo siya halimaw ka!!!" sigaw ni Max habang sinipa at hinapas sa ulo dahilan upang bumulagta ang lalaking kumagat sa braso ni Krisha, at agad naman nilapitan ni Max ang kaibigang naghihingalo.
"Takbo na Max, hayaan mo na ako, iligtas mo ang sarili mo bilis! kraggkk, t-takbo na M-Max"
"Hindi, hindi kita iiwan" sigaw ni Max habang umaagos ang mga luha.
"Takbo na sabi, ngayon lang ako hihingi ng seryosong pabor sayo Max, w-wag mong k-kakalimutan ang p-pagkakaibigan natin i-ipangako mo" - Krisha.
Ayaw mang iwanan ni Max ang kanyang matalik na kaibigang si Krisha ngunit wala na siyang ibang pagpipilian kundi ang sumunod sa pabor ng kaibigan.
"Pangako Krisha"
"I-ingatan mo ang s-sarili mo, ipangako mo Max!"
"Pangako Krisha, pangako yan!" habang lumuluha, tumayo na siya at tumakbo papalayo...
...
1st Book, if may concerns or suggestions, you're free to DM me.
Thank you @--}---
BINABASA MO ANG
The 2nd Outbreak
Science FictionThe evils that has beset a creature full of hatred and envy caused the destruction of humanity, then the error changed the life of a young woman left out of time. And in her wake, she has able to have a glimpse into the modern world. But the second...