Kabanata 3
"Calista! Where are you hiding?" sigaw ni Cassandra.
Natawa ako at mas lalong hinatak ang mga dahon ng halaman para itakip sa mukha ko.
"Cali..." tawag niya habang papalayo sa puwesto ko.
Sinilip ko ulit kung nasaan siya. Nakita kong lumabas si lola sa bulwagan at nagtungo sa pwesto ng kapatid. Hinalikan siya nito sa noo bago pinunasan ang pawis sa likod. Kaya naman lumabas na ako sa garden at sumama sa kanila.
Napawi ang ngiti ni lola nang namataan ako. Nilingon naman ako ni Cass pero naunahan ko siya at siya pa rin ang taya.
"You're so madaya," maarteng sambit ng kapatid ko.
"I'm not," hagikgik ko.
"What are you playing, dear?" tanong ni lola.
Sabay namin siyang tiningala pero sa kapatid ko lang siya nakatingin.
"Hide and seek," aniya.
"Can I join you?"
Pumalakpak kami ni Cassandra sa saya. Minsan lang kasi ganito si lola. She's always strict and snob lalo na sa akin. But mom would always say na lola just loves me kaya mas mahigpit siya sa akin. I don't mind though.
"Okay, I'll count to ten," sabi ni lola. Nagmartsa siya pabalik sa bulwagan at malakas na bumilang.
Nagtakbuhan kami ng kapatid upang humanap ng matataguan. Bumalik ako sa pinagtaguan ko kanina habang si Cassandra ay tumakbo sa likod ng bahay.
Minutes have passed but I'm still here, hiding. Pinagpapadyak ko ang paa nang makita ang mga pulang langgam sa paanan ko. Lumayo ako sa halaman at sumilip sa bulwagan habang kinakamot ang mga kagat ng langgam.
I stayed a little longer. Iniiwasan ang lugar ng mga langgam. Hindi inalintana ang init at makati kong paa.
"Cali, anong ginagawa mo riyan?" si kuya Joel.
"Have you seen my lola?"
Tiningala ko siya saka bahagyang lumapit. May hawak siyang malaking scissors.
"Kumakain sila ng kapatid mo," untag niya habang umuupo at nagsimulang guntingin ang mga dahon ng halaman.
"Po?"
"Oo, pumunta ka na roon."
Ibinalik ko ang tingin sa mga paa. I thought we're playing? Nagmartsa ako papasok ng bahay. Naabutan ko silang nagtatawanan sa lanai.
"Lola," tawag ko nang makalapit.
Padarag niyang binitawan ang tinidor saka ako sinipat. Sinulyapan ko si Cassandra na masayang kumakain ng chocolate mousse.
"Hindi niyo po ako hinanap," bulong ko.
"Why would I?" mataray niyang sagot. Ang isang kilay ay nakataas.
Nabitin sa ere ang mga salitang sasabihin ko. Nagpakurap-kurap ako. Hindi naman ako nagkamali nang narinig?
"Because... we're playing?" nalilito kong sagot.
Humalakhak siya. Ang mga balikat ay nanginginig at naluluha pa ang mata. Sinulyapan ko si Cass na seryosong nakatingin kay lola.
"Hija," may naiiwan pang mumunting tawa, "Kasali ka ba?"
Napanganga ako. Bumagsak ang tingin ko sa mga kagat ng langgam kanina. I waited for God knows how long pero hindi pala ako kasali. Nagtutubig ang mga mata'y nagdesisyon akong tumalikod.