Synopsis

4 2 0
                                    


Synopsis

Minsan ko nang pinangarap sa buhay ko ang magkaroon ng pamilya.

Lumaki ako sa Esteria isang kagubatan na iniiwasan ng mga Adamus. Balita daw kasi na isa  itong sinumpang kagubatan, ngunit ang Hindi nila Alam ay isa itong napakagandang paraiso. Ang nakakapagtaka lang ay kung bakit ako napadpad dito at nasaan ang pamilya ko.

Ako nga pala si Isabella Esteria, sa katunayan ay Isabella lamang ang nakaburda sa pambata kung kasuotan, Dinugtungan ko na lamang ng Esteria dahil dito ako nagkaisip at lumaki. Taglay ko ang kapangyarihang itim na apoy at Hangin. Anim na taong gulang ako nun nang lumabas ang kakaibang apoy sa aking kamay, nakakagulat dahil halos ko na din itong ikamatay. Hanggang sa nag siyam na gulang ako ay lumabas ang isang di pangkaraniwang hangin na bumalot sa buong pagkatao ko.

Ngayon ay nasa bayan ako ng Adamus upang mamili ng makakain, nakasuot ako ng  itim na balabal na natatakpan ang aking mukha

Madami ang mga tao ngayon dito sa Adamus, sabagay ilang araw na lang ay ipagdiriwang na ang Adamus light.

"Ano ang iyo Binibini?"-- isang matandang lalaki ang nagtanong sakin

" Ah, tatlong malalaking tinapay nga po at isang tangkay ng Gurseyp at isang bote ng Murkasp"-- kinuha naman nito ang mga sinabi ko ngunit nagsalita agad

"Anong linya ng bayan ang iyong kinabibilangan, ngayon pa lang kasi kita nakita dito sa Adamus"-- ibinigay na nito ang binili ko saka binigyan ko ito ng tatlong ginto.

"Mas mabuti po sanang wag na lang kayo magtanong kung saang bayan ako nagmula, Paalam!"-- umalis na ako sa harapan nito kahit pa'y tinatawag ako nito

"Nandito si Haring Raphael!"- rinig kung sigaw ng isang lalaki

Imbes na tumigil sa paglalakad at magbigay pansin sa Hari ay nagpatuloy lamang ako. Wala sa  bokabularyo ko ang magbigay pansin kahit sa Hari pa yan! PSH!

"Lapastangan! Tumigil ka sa paglalakad!"- at dahil ako lang naman ang naglalakad ay tumigil ako at tinapunan ng tingin ang sumigaw na Heneral. Pansin ko ang paninitig ng mga Adamus lalo na ang Hari

"Magbigay galang ka!"- biglang may nagtanggal ng balabal sa aking ulo kaya lumandas sa aking balikat ang mahaba at kulot kung buhok na kulay abo, at dahil ayoko ng gulo tumukod na lamang ako

"Magandang umaga kamahalan!"- nagpatuloy muli ako sa paglalakad

"Anong karapatan mong talikuran ang Hari gayong nandito pa sya!"-  nakakarindi na ang bunganga ng Heneral na to

"Mawalang galang na Heneral ng Adamus, ngunit anong karapatan mong sigawan ako gayong dumadaan lamang ako. Sa batas kasi na aking nalalaman, Hindi taliwas sa katungkulan MO ang sigawan ang isang mababang uri na kagaya ko. Heneral kapa naman, saan napunta ang iyong respito? Tsk !!"-

Tila isang lion na nagpupuyos sa galit ang Heneral. Lumabas ang isang pangkaraniwang apoy na espada sa kamay nito, bago pa ako matamaan ay pinagsangga ko na ang espadang nakatago sa likod ko.

"Magbabayad ka sa iyong mga winika! Isa ka lamang bata!"- nagsilayuan saamin ang mga Adamus na nakapaligid samin

"Kung ako sayo Tanda! Mananatili na lamang akong kalmado sa kinatatayuan ko"- buong lakas ko syang tinulak

I summon my Black Flames sword, narinig ko naman ang singhap sa paligid at ang gulat na nakaguhit sa kanyang mukha. Hindi na ako nagdalawang isip na gamitin ang teleportation ko hangang sa maglaho ako sa paningin nila.

"Hindi ito ang huli nating pagkikita, hintayin nyo ang pagbabalik ko"-  isang wika ang binitawan nya na paniguradong narinig ng Hari

A/n: at ayan na nga haha 😂😂 please support, like, comment kung ano ang masasabi nyo. Salamat! 😊

Abandoned Princess of Adamus ( on-going ) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon