Simula

3 0 0
                                    


Ang mga unang taon sa high school ay hindi naging madali para kay Pearl. Bagaman hindi kalayuan sa kanilang bahay ang paaralan ay hindi kasi siya palakaibigang tao. Hindi siya sanay sa pakikipagkilala sa mga bagong mukhang kanyang makakasalamuha. Ngunit sa tulong na rin ng kanyang mga kaibigan simula elementarya, nairaos naman ang Junior High.

Nakakalungkot lang isipin na kung kailan siya naging komportable sa mga kaklase nang higit limang taon ay maghiwa-hiwalay   rin sa susunod na taon.

Marami ang gustong tumuloy sa ibang paaralan pagpasok ng Senior High. Kung tatanungin siya kung lilipat ba ng punpuntahan? Hindi. She prefers to walk minutes away from school than ride daily going to school. Nakakangarag iyon, ano!

And by the way, hindi niya nagugustuhan ang mga vibe ng mga galing sa private school na masyadong mayayabang, mukha pang nag-mamayaman at siyempre iyong palaging may binabayarang tuition. Mas maganda naman iyong pagkain mo lang ang poproblemahing babayaran kapag.

Well, of course to her part, let us include those penalties because of having been a violator of school policy. Though those were mere unintentional, palagi kasi siyang nale-late o kaya naman hindi nagsusuot ng tamang uniporme.

Babaeng paiba-iba ng taste o behavior na nakikita madalas namang makita sa kanyang mga kaklase. Pero hindi naman masakit sa bulsa. Tsaka kahit madalas siyang makitang nagva-violate hinahayaan din lang ng guard papasok sa paaralan. Kaya konti lang binabayaran niya sa pagtatapos ng quarter.

Let bygones be bygones, sabi nga. So right after the moving up, they decided to hang out with the whole block section. They opted sa isang resort. Siyempre sa pang-average lang na bahagi ng resort. Hindi naman sila maarte sa lugar basta may pagkaing marami.

Nagpaalam siya sa bahay para sa pupuntahan sa susunod na Sabado. Medyo naga-alangan siya kasi pagdating sa mga outing na ganito marami pang interview si mother earth.

"Bakit kayo maga-outing pa sa resort? Holiday pa sa araw na iyon." Sabi ng kanyang mama.

Marami siyang sinabi na dahilan para hindi siya dapat tumuloy. Dami-dami na niyang sinabi tulad ng hindi marunong lumangoy, clumsy raw siya at marami pang iba.

"Auntie, payagan mo na si insan. Nandun naman ako kaya hindi iyan mapapahamak." Ngiting sabi ni Vince, pilosopong pinsan niya na mas nauna pang naipanganak kaysa sa kay Pearl pero sa pag-iisip mas bata pa sa Vince kaysa sa kanya.

Napa-rolyo si Pearl ng mata. Palibhasa marunong itong lumangoy, natural siya hindi. Nakakainis bakit pa kasi may mga taong hindi marunong lumangoy tulad niya, sa isip-isip.

Pero kalaunan sa isip-isip niya, kaya medyo strikto ang kanyang Mama kasi siya at ng isa pang nakababatang kapatid ay mga menopausal babies na tinatawag. Kaya ganun na lang kung todo ng pagbabawal ng Mama. Sa madaling salita, mga bata sa kanyang paningin kahit na malalaking dalaga na sila.

Akalain mo nga namang, mga 40 taon siya noong ipanganak si Pearl tapos iyong kapatid niya sumunod nang dalawang taong agwat. Kaya nga minsan pinagkakamalan siyang apo o kaya naman anak ng panganay nila.

Lima silang magkakapatid. Iyong tatlo mayroon nang mga asawa at pamilya. Ang agwat niya sa pangatlo ay humigit kumulang 15 taon.

Sabado nang umuwi ang pangalawa nilang kapatid at ang unang lalaki, ang kanyang Kuya Dash.

"Ma, payagan mo na siya para magsaya sa resort. Malaki na iyan, hindi pa ba marunong lumangoy?" at ngumisi pa.

Nalaman niya siguro ito kay Kate. Iyong kapatid ng asawa niya, si Ate Jory.

"At saka kasama naman niya si Kate dun."
Sabay abot kay Pearl ng tatlong lilang papel. Pera pala iyon. Tingnan mo nga naman mang-aalaska pero may kasunod na biyaya.

"Uy thank you!" Minsan lang kasi umaambon ng pera sa kanyang bulsa kaya naman, grab the chance!

Kaya naman naghanda na siya nga mga dadalhin. Ilang minuto pa dumating na iyong binayaran nilang isang sasakyan para sa buong klase. Pumasok si Vince para tawagin siya na lalarga na sila.

Bago lumuwas ang sasakyan, nagbilin pa ang kanyang ina.

"Opo, auntie." Tango ni Vince.

"Bye, auntie!" Sabi naman ng kanilang kaklase. Hindi bago sa kanyang ina ang mga kaklase dahil ang mga ito ay anak ng mga kakilala rin lang kanyang ina sa trabaho o kaya naman family friend o relative. Kaya hindi layong kilala ng ina ang kanyang mga kaklase.

After 45 minutes, nakarating na sila sa resort at nag-antay ng ilang minuto pa para sa biletting, sa entrance fee and whatnots para makapasok.

"Sayang kung meron sana ang kuya ko naka-discount tayo..," sabi ng isa nilang kaklase.

Kinabitan sila ng wrist band at tinatakan ng marka ng resort bago pinapasok. Pag-aari kasi ng isang relative ng kaklase nila pero dahil business is business, tinuturing pa ring regular customer ang lahat.

Masaya ang naging last moments nila ng kanyang mga kaklase sa Cream Class ng Junior High. Napapangiti na lang siya sa mga larawan nilang magkakaklase sa Facebook uploads na kanyang ini-scroll.

Bagaman maraming aalis sa kanilang block, marami rin lang maiiwan mula sa ibang sections. Hindi man niya todong close pero at least madaling lapitan.

Makalipas ng ilang buwan, lumipat na nga si Pearl ng department.

Unang araw ng Senior High, medyo na-excite siya kaya maagang pumunta nang paaralan. Naging busy ang highway na kanyang nilalakaran. Nakita niyang maraming mga bagong mukha sa mga nadadaanang boarding house around the neighborhood. Of course, marami kasing lumipat na galing pa ibang municipality na mga mag-aaral.

"Tingggg! Tingggg! Tingggg!" Tumunog na iyong school bell.

"Good day, everyone! All students proceed to the multi-purpose hall immediately  for the opening program of this School Year. Thank you!"

Inulit pa ang announcement.

Moments With YouWhere stories live. Discover now