XXIV

176 6 0
                                    

Chapter Twenty Four

I WANT YOU TO HURT ME

"Then, what will happen next, Jamrien?! I will be a f*cking home wrecker?!"

"Hindi Jas! Hindi ka magiging gano'n dahil wala namang nabuong pamilya Jas! Wala kang masisirang pamilya!" Napahinga siya ng malalim na parang nahihirapan siya ipaintindi sa 'kin ang sinasabi niya.

"Wala nga ba? May tatay at may nanay saka may anak, hindi mo matatawag na pamilya 'yan Jamrien?" inis na sabi ko sa kanya.

"We have child right now because I love her before!"

Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya kaya napatulala ako sa namumula niyang mukha, pero pinilit ko pa ring ibuka ang bibig ko para makapagsalita.

"Then, love her again! Love her like she's still the girl you've love before," asik ko.

"Hindi 'yun gano'n kadali—"

"Hindi madali kasi ayaw mong gawin! Kung gusto mong mabigyan ng pamilya ang batang 'yun! Magagawa mo 'yun Jamrien, para sa anak mo...Mahirap na ilipat 'yung bata sa panibagong pamilya Jamrien, isipin mo kung ikaw ang nasa posisyon ng batang 'yun at iniba ang nanay mo, anong iisipin mo? Panigurado akong iisipin mo na hindi ka manlang minahal ng nanay mo! Iisipin ng batang 'yon na hindi siya mahal ng nanay niya!" Huminga ako ng malalim dahil nauubos ang hangin dahil sa pagsigaw ko. "Maiipit sa sitwasyon ang bata Jamrien, maiipit din si Cira sa sitwasyon...siya ang nag-alaga sa batang 'yon sa loob ng limang taon."

"Love, listen to me, please...I love you, I don't want to hurt you. If I need to hurt my own family I will—"

"You're asshole Jamrien! You will hurt your family for me?! F*ck you, napakawalang kuwenta mo!" hindi ko napigilan ang emosyon ko sa sinabi niya.

Isang malaking katangahan 'tong mga pinagsasabi niya ngayon na para bang hindi niya manlang pinag-iisipan bago niya ibuka ang bibig niya.

"Jas, please understand...Hindi ko sasaktan ang bata dahil aalagaan natin siya na parang tayo ang magulang niya, na ikaw ang nanay niya."

"Hindi mo nga sasaktan ang bata sa paraang 'yun pero masasaktan si Cira—"

"Si Cira na naman love?! Stop—"

"Kailangan nating isama si Cira dito! Dahil siya ang nanay ng anak mo! Kayang kaya mo siyang saktan dahil sa kadahilanang hindi mo na siya mahal?! Pero minahal mo pa rin siya Jamrien! Itatak mo 'yan sa utak mo," inis na sabi ko.

Bakit parang wala siyang pakialam sa mga taong maapektuhan sa sitwasyong ito? Ako na lang ba palagi? Bakit hindi manlang siya nag-iisip patungkol sa ibang tao?

"Huwag lang ako ang isipin mo dito Jamrien," asik ko.

"Pero iniisip ko rin ang sarili ko, Jas...Paano kapag iniwan mo ako? Masasaktan ako Jas, sobrang masasaktan ako."

"Ayaw mong saktan ang sarili mo? P*ta, maging masaya ka kasama ang pamilya mo...Sigurado akong hinding hindi mo pagsisisihan ang ginawa mo, na maiisip mo na tama ako. Kapag minahal mo ang pamilya mo, makakalimutan mo rin ako. Na katulad ng pagkalimot mo sa pagmamahal mo kay Cira, makakalimutan mo rin ang pagmamahal mo sa 'kin. You should be thankful Jamrien, nawala man ako sa 'yo ay may papalit d'yan sa nawawala sa 'yo. Isa lang ang mawawala Jamrien pero may dalawang pumalit." Napakunot ang noo niya sa akin na parang may malalim pa siyang iniisip. "Kung iniisip mo na naman kung paano ako, may papalit din sa 'yo...Pero alam kong mananatili ang mga alaala nating dalawa." Itinuro ko ang sarili kong dibdib kung nasaan ang puso ko. "D-dito sa puso ko."

Troubled HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon