VI

227 11 0
                                    

Chapter Six

THANKS FOR THE DELICIOUS BREAKFAST

Pagkagising ko ay sobrang lapit namin sa isa't-isa kaya kitang kita ko ang guwapong mukha ni Jamrien, tulog na tulog siya at mukhang pagod dahil sa concert kahapon.


Bumangon na ako at tiningnan sa wall clock kung anong oras na. Seven fifteen in the morning then nine dapat nasa may airport na ako.


Hinayaan kong matulog si Jamrien, ako naman ay bumaba at dumiretso sa kusina para magluto. Pagkatapos kong magluto ay pinagsiksikan ko ang mga niluto ko sa isang tray at naiwan 'yung mga inumin. 


Nang makapasok ako sa loob ng kuwarto ko ay natutulog pa rin si Jamrien, ibinaba ko sa side table 'yung tray saka muling bumalik para kuhanin 'yung naiwang kape at tubig.


Pagkapasok kong muli sa kuwarto ko ay natutulog pa rin si Jamrien, tumingin akong muli sa wall clock at seven thirty na. I need to wake him up, puwede naman siyang bumawi ng tulog kapag nakauwi na siya sa kanila.


Ibinaba ko ang isa pang tray na dala ko at sumampa sa kama. Damn, he's really gorgeous.


Nadagdagan pa ang angas ng mukha niya dahil may hiwa ang kanang kilay niya, pero kahit may hiwa 'yung kilay niya ay hindi 'yun panget tingnan.


I caress his hair lightly. "Jamrien, wake up."


"Hey, wake up."


I gently patted his cheeks. Dahan dahang nagmulat ang mata niya at diretso ang tingin niya sa 'kin.


"Good morning, my sunshine," he greeted me.


"Morning, sorry to wake you up early. I need to go to work," sabi ko at bumango na siya. "Let's eat."


Kinuha ko ang mga pagkain at inilagay 'yun sa gitna namin.


I stared at him intently, because I saw him pouted. "Is there's a problem?"


"Ang sarap bumangon ng may agahang nag-iintay sa 'kin," sabi niya at ngumusong muli. "Parang ngayon ko lang 'to mararanasan, sana maulit."


"If there's a reason to sleep with you, why not?" I answered.


Hindi na siya sumagot nang magsimula na akong kumain at gano'n na rin ang ginawa niya.


Matapos kaming kumain ay iniligpit ko na ang kinainan namin at nang akmang iaangat ko na 'yun ay pinigilan niya ako.

Troubled HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon