Chapter 1: From the Top

24 0 1
                                    


Chapter 1: From the Top!

BZZZZZZZ.. BZZZZZZZ.. BZZZZZZ.. BZZZZZZ..

.

.

SHET LATE NAKO!

Bakit ba kasi ngayon lang nag alarm! Alasyete pasok pero 6:30 na!

JUSKO DI TALAGA EFFECTIVE ALARM KO!

Hi my name is Therese S. Ligaya, Your friendly neighborhood freshmen. Chos! Feeling Spiderman ah hahaha! Well Anyways I don't have any time to talk about myself basta makikilala nyo rin ako sooner or later.

.

.

Ligong 10 minutes, kain 5 minutes at asikaso for 20 minutes. Ghorl malalate nako pero dapat on fleek kilay. Mawala na lahat wag lang to! Arat Marathon na!

Di naman ako dapat nalalate kase isang kanto lang pagitan ng University sa dorm ko pero tih ang sarap matulog so eto ang ate nyo running like my life is on the line!

I went past through the guards and then...

Boogsh............

....... Lahat ng gamit ko nalaglag sa floor kasi I bumped into someone.

Mga tih baka eto na yung nangyayari sa mga telenovela or pelikula na nababangga tas dun nila nakikilala prince charming nila. Wait kelangan maganda ako pagtingin ko sa kanya.

.

.

Then he said

.

.

" Parang ewan naman, di nakatingin sa daan. Tanga amp"

.

.

Ay nako nanggigil ang ate nyo..

" Sorry po ah! Nabangga lang tanga agad? Di ba pwedeng nagmamadali lang?"

" Di ko kasalanan kung malalate ka na"

SHOCKS!

OO NGA PALA MAY QUIZ PA KO AT WALA PA AKONG REVIEW

" Bahala ka dyan, sorry nalang ulit" sabi ko sa kanya habang pinupulot ko gamit ko at nagmadali narin akong umalis.

I went inside the room and nakapag review naman ako ng 5 minutes so bahala na.

- Results -

15/30

WOOOW Ngaleeng Hahahahaha nakakalahati pa! Okay na yun basta pasado babawi talaga ko at tatandaan ko nang hindi ivibrate yung alarm ko.

Break na namin and may subject pako later. Mamaya nalang ako kakain since this is the time kung saan palaging puno sa school canteen. I do have friends naman pero I feel great when I'm eating alone kase di nila makikita katakawan ko Hahaha chos!

" Class Dismissed"

Sarap talaga sa ears mga tih! Another day completed.

Dumiretso ako sa canteen after ng class since karamihan ng students lumalabas na sa school during this period kaya mas tahimik. Umorder ako ng pancit canton kase uuwi narin naman ako later at magtatanghalian. Kelangan ko pang ibudget ang pera ko para sa dream ko hahah.

Little fact about myself is that I am currently living alone since my parents are at states dahil sa isang business meeting. Hindi ako mayaman ha jusko edi sana di ako nakapancit canton ngayon char paborito ko lang talaga to. Ang gulo ko ba? Hahaha

Ive been alone for about 5 years na since highschool and all I can say is that I can manage naman na. Accounting rin kasi talaga yung dream kong course but since hindi ako nakaabot sa slot. LATE EH! Ano pa bang bago ahaha ayun at nag archi ang ate mo. Hilig ko rin kase mag drawing, yung may triangle na dalawa para bundok tas may ibon na letter v tas may palayan . HAHAHAH

"Tere!" someone called me and mukhang alam ko na kung sino

" Uy Josie! How have you been kamusta naman sembreak"

Si josie yung all time bestfrend ko na di ko alam kung bakit. Hahaha

" Nothing happened naman, we just went to coron for a week, ang init nga eh I think my skin is getting darker na"

Darker eh mukha ka ngang may sakit sa sobrang putla mo.

" Nako di naman halata sakto lang , medyo tan ka na"

" Really? My Gosh I think I need to visit my skin doctor"

Ang arte amp. Safeguard nga lang sabon ko putol pa sa gitna.

" Oo tih try mo na rin magpatingin"

" Bakit? Is there something wrong with me ba?!"

" Wala joke lang "

" Anyways, have you heard of Mr. oh so popular?"

" Tih late Nakong pumapasok at lagi rin akong nasa bahay so no. hindi ko alam"

" ayan ka nanaman sa pamimilosopo mo im just asking eh"

"Hindi nga eh may gusto ka pa bang malaman bago magkwento?"

" Why so sungit? Well he came from another school daw and he will be studying here, I bet he came from the states daw eh" sabi nya habang may halong kapokpokan nanaman hays

" States? Wala pa naman akong nakikitang Amerikano dito"

" No! Filipino sya he just came back here again daw for good"

" Oh anong benefit nyan sakin?"

" Wala I just thought maybe you'd be interested"

Sabi na eh kapokpokan nanaman eh. Kung di nagging mayaman to malamang to loka loka to well sabagay loka loka naman na.

" no I will never be. Oh sya uuwi nako maglalaba pako"

"okay bye girl!"

Pagkauwi ko, I sat down and started playing songs on my Bluetooth speaker. Wala naman talaga akong labahin. Hahaha umiwas lang talaga ko kay Josie kase mapapagastos nanaman ako.

Oo nga pala, I didn't remember the guy I ran into earlier. Hindi ko man lang naalala mukha nya para next time ko na aawayin. Oh well cant be helped. I guess wala naman na yun.

End --

Greatest Love Never HadWhere stories live. Discover now