OS1: Kakatwang Hiling Sa Aking Kaarawan

64 2 0
                                    

"Isang araw nalang ay kaarawan mo na, sabihin mo ang iyong nais at bibilhin ko."

Narinig kong sabi ng aking ama. Tama nga siya, malapit na ang aking kaarawan. Malapit na nga iyon ngunit hindi ko maipaliwanag kung bakit ako'y hindi nasasabik. Dapat nga ay nagagalak ako dahil malapit na ito. Dapat ay nasabi ko na agad ang aking nais sa aking ama dahil minsan lamang ang aking kaarawan.


Ngunit sa unang pagkakataon ay hindi ko maramdamang sa makalawa ay ang araw kung kailan ako ipinanganak. Normal lang ba ang ganitong pakiramdam? Bakit ganito ang nadarama ko? Noong bata pa ako'y mabilis kong nasasagot ang tanong niya tungkol sa aking mga luho. Mga materyal na bagay tulad ng damit, laruan, teddy bear, o kaya naman ay cellphone. Hindi pa nga ako makatulog sa pagkasabik.


Siguro ay dahil nasanay na ako at taon-taon namin itong ipinagdiriwang, hindi rin naman ako nagsasawa ngunit sa pagkakataong ito ay kakaiba.


Isinantabi ko muna ang aking mga saloobin at maya-maya'y pumaroon na sa aking silid. Bago ko naipikit ang aking mga mata ay napagtanto ko ang kasagutan sa aking mga katanungan sa araw na ito.


Habang ako'y tumatanda, napapansin kong isa-isang nawawala ang aking interes sa mga maliliit na bagay at napapalitan ng mga bagong inaasam. Minsa'y malalaking materyal ngunit madalas ay nagnanais ng kakaiba.


Patuloy na nagbabago ang ating mga hinahangad dahil unti-unti na nating nasusukat ang halaga ng mga bagay. Nag-iiba din ang ating mga kahilingan dahil sa mga karanasan.


Lahat ng tao ay may kanya-kanyang pananaw.



Nag-iiba ang ating mga gusto sa buhay.


Buong puso mong tanungin ang iyong sarili, ano ang iyong nais? Ano ang pinakaimportante para sa iyo?


Usisain mo ang iyong sarili, alamin mo kung ano ang mahalaga, kunin mo ang sagot mula sa iyong puso nang walang pag-aalinlangan at makikita mo ang iyong hinahanap na susi sa iyong mga katanungan.


"Maligayang kaarawan! Humiling ka na!"


Ito na ang araw kung kailan ako ipinanganak, ngayon ay sya ngang espesyal na araw para sa akin bagaman hindi ko ito ramdam ay masaya parin ako dahil ako'y nabigyan ng isa pang taon upang mabuhay.


Napakaswerte ko na ako'y buhay pa at namumuhay ng maayos. Mayroong pamilya at mga taong nagmamahal sa akin.


"Tanging hiling ko sa aking kaarawan ay tunay na kaligayahan at mapayapang buhay, nais kong makuntento sa anong meron ako." Emosyonal kong sabi. Natawa sila, hindi raw ako ganoon humiling, inisip na bagong luho nanaman ang ipapabili.


Kakatwa nga ang aking nais, ngunit iyon ang isinisigaw ng puso ko, taos-puso at iyon ang aking kalubus-lubusang kahilingan na ibig kong matupad.







A/N: Thankyou for reading!! You can suggest stories too!! Follow and message me! I hope you read my upcoming stories. Maraming Salamat!! 

(>^,^)> *hugs and kisses

LATHALAIN : ONE SHOT STORIES AND FEATURESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon