OS2: Buhay Honor Student

43 3 0
                                    



Dinig ang aking paulit-ulit na buntong hininga habang ako'y naglalakad pauwi sa aming bahay. Lantang gulay, iyan ang mailalarawan ko sa aking sarili sa oras na ito. Alas sais na ng gabi nang tiningnan ko ang aking orasan, ngayon ko palang naramdaman ang gutom at pagod.


Ngunit hindi iyon ang inaabala ko, kahit sa oras na ito ay nag-iisip ako ng ideya na maaaring gamitin ko para sa dami ng presentasyon namin bukas at sa susunod pang mga araw.

Kailangan kong bilisan dahil maraming gawain ang naghihintay sa akin pagdating sa aking tahanan.


Hindi madali ang pagiging isang estudyanteng may karangalan. Sa iyo nakasalalay ang lahat, ikaw ang inaasahan, sa iyo ipinapasa, at may mga pagkakataong inaako mo na lamang ang mga gawain.


Hindi naiisip ng mga tao sa iyong paligid na ikaw rin ay isang taong naghihirap, nai-istress, umiiyak, may kahinaan at napapagod. Ano ang magagawa ko? Hindi ako ang maaaring maging rason sa paglubog ng barko kung alam ko naman ang gagawin ko.




Natatakot ako, ayokong tumigil dahil lahat ng pinaghirapan ko'y sasamang lulubog sa barko. Madalas kong natatanong sa aking sarili, matitiis ko pa ba? Makakaabot pa ba ako? Hindi ko na kaya.



Pagod na pagod na ako, ngunit kailangan kong gawin ito. Di bale nang hindi kumain sa tamang oras. Kailangan kong magpatuloy dahil kung mawawala sa pwesto ay hindi lamang ako ang mapapahiya.



Ano nalang ang sasabihin ng mga magulang ko? Kahit alam kong maiintindihan nila ako ay hindi ko maaaring sayangin ang kanilang pawis, pagod, at pagsakripisyo upang makapag-aral ako.



Maswerte ka at nag-aaral ka, kung ito'y iyong aaksayahin, iyan ay isang makasarili at napakamalaking pagkakamali.


Kailangan mong gumising sa katotohanang ang ginagawa nilang pagpapaaral sa iyo ay para sa kapakanan mo at hindi para sa kanilang benepisyo.

Minsan ay napapaisip ako kung ano ba ang pakiramdam ng isang estudyante na hindi mabahala at para bang walang inaabalang mga gawain at marka, iyong walang hinahabol na oras, iyong tinatawag nilang 'happy go lucky' lang sa buhay.


Kinikuwestiyon ko kung bakit hindi ako ipinanganak na ganoon, kakatwa dahil minsa'y gusto kong maranasan at nahihiling ko iyon, naiinggit ako dahil gumagala pa sila kahit maraming tambak na takdang-aralin ang ipapasa sa susunod na araw.



Bagaman naiisip ko iyon ay sa huli, mas maayos ang buhay ng kung sino man ang nagsusumikap makamtan ang pangarap. Naniniwala akong nasa huli ang pagsisisi. Lahat ng mga nangyayari ngayon ay dulot ng mga nangyari sa nakaraang panahon. Wala akong ibang mapagpipilian, kailangan kong ipagpatuloy ito kahit ako'y pagod na pagod na. Nakasalalay sa pag-aaral ang iyong kinabukasan.




Mayroon mang mga nagtagumpay na mga tao kahit hindi nakapagtapos ay dahil nagsumikap sila at alam nating hindi lahat ng tao at hindi sa lahat ng pagkakataon ay nangyayari iyon. Ito ang iyong tanging tyansa upang magkaroon nang magandang buhay. Sa huli ikaw ang magdedesisyon para sa iyong sarili.



Palagi kong itinatatak sa aking isipan na kahit ano man ang mangyari, dumaan man ang mga panahon, gagawin ko ang lahat ng aking makakaya, at sakay ang barko, maglalakbay ako.










A/N: Hello~ ito yung pangalawa kong one shot. My ideas muna hihi, support and follow me! I'll dedicate my next one shot to youuu! Lovelots! *•*

LATHALAIN : ONE SHOT STORIES AND FEATURESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon