NAGISING ako sa malakas na tunog ng alarm clock.
Inabot ko ito at pinatay bago pupungas pungas na umupo at nagkusot kusot muna ng mata.
Tumingin ako sa bintana at nakitang madilim pa. 4:30 am pa lang. Ano bang mayroon ngayon at nag alarm ako ng ganito kaaga.
Hihiga na sana uli ako upang bumalik sa pagtulog ng masulyapan ng mga mata ko ang maleta ko.
"Oh shit!" Biglang nawala ang antok ko ng maalala ang araw ngayon. Uuwi na nga pala kami sa Pilipinas!
Dali-dali akong pumasok sa banyo at naligo ng mabilis, mamayang 6:30 am ang flight namin, ang bagal ko pa naman kumilos nako!
After taking a bath for 30 mins, lumabas na ako ng banyo at dumiretso sa walk in closet ko.
Nagsuot lang ako ng black tube dress at white flat shoes.
I face a the mirror and blow dry my hair.
After drying my hair, naglagay lang ako ng chick tint at nag pulbos bago mag lagay ng liptint. I'm not that fond of makeups, It felt like my face is heavy when I'm putting makeup.
I wore my sun glasses and get my purse. Ipapakuha ko na lang kay daddy ang maleta ko, masyadong mabigat. It's 5:45 am na.
Pagkababa ko ay naabutan ko si daddy at mommy sa living room na nagkakape.
Lumapit ako sa kanila at humalik sa pisngi.
"Goodmorning Da, My!"
"Goodmorning Snow! Himala ata at medyo maaga ka natapos ngayon ah?" Sabi ni Daddy habang may malokong ngiti sa mga labi.
Ngumuso ako at umupo sa gitna nila ni Mommy.
"Daddy naman! Syempre excited na akong bumalik sa Pilipinas, it's been 10 years!" Sagot ko
15 years old lang ako nang umalis kami sa Pilipinas, dito ko na pinagpatuloy ang pag aaral ko sa New York. Nagkaproblema kasi ang negosyo namin dito sa New York at kailangan puntahan ng mga magulang ko, e mahal na mahal ni Da si My kaya di niya maiwan tapos syempre, ako hindi rin ako pwede iwan dahil nag iisang anak na nga lang ako tas iiwan pa. Kaya ayun nandito na kami lahat.
Naayos naman ang negosyo at patuloy na lumago, my parents owned Black chains of hotels. And I'm the only heirs.
Tapos na ako ng pag aaral, I'm now 25 years old but not yet handling our business. But my parents said that I will be handling one of pur hotels in the Philippines. We'll be staying there for good na siguro.
"Are you ready to take care of our hotel there?" Tanong ni Mommy.
"Of course I am! You've already thought me how to manage a hotel." Mayabang na sagot ko.
Pagka graduate ko pa lang sinimulan na ako turuan ni daddy how to manage a hotel, minsan pa nagkasakit siya at 1 month na nasa kamay ko ang hotel and luckily maganda naman ang pagpapatakbo ko.
"Oh siya mamaya na kayo mag kwentuhan sa sasakyan, Tyron kunin mo na ang maleta niyang si Snow sa taas ng makaalis na tayo." Sabi ni Mommy at tumayo na.
"Oonga Da! Ang bigat non hindi ko kaya!" Sabi ko at tumawa
"Anak hindi ba sabi ko sayo iwan mo na ang iba dito sa bahay at dun ka na lang mamili sa Pilipinas?"
"Pero Daddy mahalaga po lahat ng laman ng maleta ko." Apila ko.
Ayoko magbawas ng gamit, bahala si Daddy diyan.
"Oh siya sige sige sundan mo na ang Mommy mo don sa labas, hintayin niyo ko sa kotse" sabi ni Daddy at bumuntong hiniga.
NAKASAKAY na kami ngayon sa eroplano pauwi ng Pilipinas, sa wakas makakaapak na ako ulit sa lupa ng Pilipinas.
Lumipas ang mahabang oras at nakalapag na ang eroplano.
"Mabuhay! Welcome to Philippines!" Magiliw na sabi na flight attendant ng lumabas kami.
"Dumiretso na kayo palabas ako na ang bahala sa mga gamit natin" sabi ni Daddy
"Okay Dad! Ingat ka po!" sabi ko at inayos ang suot kong sun glasses.
Pagkalabas namin ng airport, nalanghap ko kaagad ang mainit na singaw ng hangin ng Pilipinas.
"So hot Mommy" I said habang pinapaypay ang kamay sa sarili
"Nako Snow nasanay ka lang sa malamig. Hayaan mo at masasanay ka rin naman sa temperatura dito."
Naagaw ang pansin ko sa lalaking matangkad na nakatayo sa gilid at may hawak ng placard na may nakasukat na "Black Family".
Kinulbit ko si Mommy at tinuro ang lalaki, mukang body guard ata yon.
"My! Is he referring to us?" I asked
"I don't know, di ko pa siya nakilala dati, hintayin na lang natin ang Daddy mo."
As if on cue, dumating nga si Dad.
"Oh bakit nandito pa kayo? Ayan na si Robert oh." Sabi nito at tinuro yung lalaking nakita namin.
"Robert?" Sabay naming tanong ni Mommy.
"Oo si Robert, yung family driver nila Mama at Papa. Nakalimutan mo na honey?" Tanong ni Daddy kay Mommy.
"Ah oo! Naalala ko na" sabi ni Mommy at tumawa pa.
"Mommy nakakalimot ka na" sabi ko at tinawanan si Mommy.
"Bakit ako lang? Hindi ba at nakalimutan mo rin? Siya iyong naghahatid sayo sa school dati." Sabi ni mommy at inirapan ako.
"Aba malay ko ba po? E ang tagal na kaya. Tsaka payat siya dati at akala ko ay umalis na siya sa pagtatrabaho kila grandma kase naghiwalay sila ni ate Tess." Sabi ko
Si ate Tess and personal maid ko noon.
Naglakad na kami papunta kay kuya Robert.
"Kamusta Robert! Long time no see ah?" Sabi ni Daddy at tinapik ang balikat nito.
"Okay lang po sir! Tara na po at mainit dito sa labas" sabi nito at siya na ang nagtulak ng cart na may laman ng mga gamit namin.
"Daddy bakit si kuya Robert ang sumundo sa atin? Nandito ba sa Manila sila Grandma?" Takang tanong ko, ang alam ko kase nasa probinsya ang mga Grandparents ko e.
"Ay nakalimutan ko bang sabihin na sa Probinsya tayo tutuloy?" Sabi nito at nagkamot ng ulo.
"Oo Daddy nakalimutan mo" I said and looked at him flatly
Binalewala ko na lang ito at sumakay na sa pick up.
"Snow, may sasabihin sana ako sayo." Bungad agad ni Daddy pagkasakay niya.
"Ano po yon?" Tanong ko
"Ang hotel muna sa probinsya ang aasikasuhin mo, ang tiyo mo na lamang ang bahala sa hotel dito sa Manila."
"Sige po, ayaw ko naman magpaiwan dito sa Maynila, miss ko na si lolo at lola.