Nagising ako dahil sa lakas ng katok ng kung sino man sa pinto
"What do you need?" Kaswal kong tanong
"Señora, kanina ko pa po kayo ginigising. Pinapatawag na po kayo ng Don Gabriel. Kanina pa naghihintay ang bisita" mataray na pagkakasabi ng katulong sa labas.
Aba nga naman, ang katulong na ito. Nainis na yata dahil kanina pang kumakatok. The guts tss.
Hindi ko na lang ito pinansin at bumangon na ako at naligo na. Mamaya ka sakin.
Pagkatapos ko maligo ay nagsuot lang ako ng black leather shorts at white tank top, black Balenciaga shoes lang naman sa paa. Tinignan ko ang sarili ko sa salamin, napaka ganda na kulay abo kong mga mata. Nakuha ko ito sa aking ama, samantalang ang buhok ko naman ay kulay brown ngunit pinakulayan ko ito ng Gray. Paborito kong kulay. Kapamsin pansin rin ang kulay ko na maputla, namana ko daw ito sa lola ko, yung nanay ni mommy.
Nagsuklay lang ako at nagpulbos, hindi na kailangan maglagay sa labi dahil sa ang labi ko ay may natural na kulay dugong kulay.
Bumaba na ako sa unang palapag ng bahay at doon ko naabutan sa aming sala ang mga bisita ng aking Lolo G. Hindi ko alam bakit kailangan pa kami ritong magpipinsan e hindi ko naman sila kilala.
Natuon sa akin ang paningin ng lahat dahil sa ako na lamang pala ang kulang, psh.
Kapansin pansin ang lalaking maputi na may malalalim na mga matang kulay asul ang nakatingin sa akin. Nag taasan ang balahibo ko dahil sa titig nya. Parang gusto nya akong kainin ng buhay.
Umupo na ako sa tabi ni lolo dahil sabi nya ako lang daw ang maaari umupo sa tabi nya, nagseselos dati ang mga pinsan ko pero ng tumagal ay nasanay na rin.
"Snow, this is your tito Tyron and tita Yvette and their one and only son Tristan. They already know your cousins because they came here last month." My lolo said
"Nice to meet you" that's all I said while looking at Tristan. He's looking at me too. Kanina pa simula nung dumating ako at naiilang na ako.
"Oh iha! You're so beautiful! I want you for my son already!" Halata sa mga mata ni tita Yvette na masaya syang makita ako but w-what? She want me for her son??
"Mrs. dela Vega, hindi pa nya alam. Kakarating nya lang kahapon at hindi pa namin ito napag uusapan." Sagot naman ni lolo
Oh what the fck? What are they talking about? Someone please enlighten me. Fck
Agad naman nagbago ang itsura ni tita Yvette ng marinig ang sinabi ni lolo. From her smiling face ay nagtiim bagang ito pati na rin si tito Tyron. Si Tristan naman ay nananatiling nakatingin sa ak-no NAKATITIG sa akin habang ang mga kamay ay nasa labi. Para akong nalulusaw sa titig nya kaya nag iwas ako ng tingin.
Nawalang parang bula ang magaang aura ng mga bisita. Biglang bumigat ang atmospera sa living room. Something is up I know.
"Napag usapan na natin ito Gabriel! Pagsapit ng ika labing walong edad ni Snow ay dapat sasabihin mo na sa kanya ngunit hindi mo sinabi dahil sabi mo ay hindi pa handa ang apo mo dahil kamamatay pa lang ng kanyang kakambal! Pinagbigyan kita ng dalawa pang taon, ngayon ay dapat alam na nya ngunit hindi mo pa rin pala sinabi! Wag mong sirain ang usapan. Alam mo kung ano ang kaya kong gawin!" Matigas na bigkas ni tito Tyron habang matalim ang titig sa lolo ko. Nakita ko rin kung paano napaigtad ang mga pinsan ko na nakikinig lang
"Tyron, balak ko naman sabihin sa kanya ngayon, dumating lamang kay—"
"At ano? Sa amin mo pa isisi ang kabagalan mo!?" Sigaw naman ni tita Yvette