Disclaimer: This story is a work of fiction. Any resemblance of the characters, names, places are purely coincidence.
...
" oh Thea, inumin mo na nga yang kape mo, tulala kana naman"
" Ano bang problema nitong si Thea? Nong isang araw tulala rin yan. Kausapin mo nga, minsan na nga lang tayong magkita-kita" umiirap na sabi ni Mica
" Sorry na, ito naman nagtatampo agad. May iniisip lang" mahinahong sabi ko sa kanilang dalawa
" Ang drama niyo namang dalawa dyan! Oh sige umorder pa tayo, gutom pa ako eh" natatawang sabi ni Sammy
Nandito nga pala kami sa Cafe de crema dahil biglang nag aya itong si Mica dahil bukas eh pasokan na naman at paminsan minsan nalang kami kung makapag bonding, di na tulad noon. Iba narin kasi kapag college na. Syempre, di na tulad noon na puro kalokohan lang pinaggagawa namin.
" Mica, seryoso kana ba talaga dyan sa kursong kukunin mo?" tanong ko habang umoorder pa ng panibagong pagkain si Sammy
" Ano pa nga bang magagawa ko eh ito yung gusto ni mama na kunin ko, kesyo malaki ang sahod kapag nagtrabaho ka sa ibang bansa"
" oh eh paano yan, alam mo namang mahirap mag aral lalo na kapag di mo naman gusto yung kursong pag- aaralan mo"
" bahala na, wala rin naman akong ibang maisip na kurso"
" diba dati gusto mong mag nurse? Bat di ka nalang kumuha ng nursing para sabay na tayo?"
Pangungumbinsi ko sa kanya dahil ayaw ko naman na ako lang mag isa ang papasok araw araw, na wala ni isa sa mga bestfriend ko" kainan naaa!!" masayang sabi ni Sammy pagkarating niya sa table namin
" manahimik ka nga diyan Sammy, kanina ka pa naman kumakain. Order ka ng order dyan di naman tumataba" inis na sabi ni Mica, kahit kailan talaga itong si Mica, laging galit kay Sammy
" nga pala Sammy, ano na ang plano mo ngayon? Talagang pag nenegosyo ang aatupagin mo? Ayaw mo na bang mag aral?"
" sobra ka naman Thea! Mag aaral naman ako pero isasabay ko narin sa pagbukas ng shop ko"
" bakit? Di ka ba mahihirapan niyan? Ha?"
" okay lang. Alam mo namang wala ako masyadong interest dyan sa pag aaral ano. Mas bibigyan ko pa ng pansin ang pag nenegosyo"
" oo nga pala, diba bukas yung grand opening mo?" nanlalaki ang mata na tanong ni Mica
" ha? Bukas na ba yun? E di ba bukas din ang unang araw ng pasokan?"
" hahahahaha ano ba kayo, mas maigi na isabay ko sa pasokan ang grand opening para marami ang bumisita sa shop "
Ewan ko ba dito kay Sammy, wala na atang planong mag aral. Puro pagpapaganda tsaka pag nenegosyo ang inaatupag. Nagtagal kami sa Cafe de crema ng halos tatlong oras, paano ba naman ang dami naming pinag usapan. Para na nga kaming isang taon na hindi nagkita.
" paano ba yan, mauuna na ako sa inyo ah. May pupuntahan pa kasi ako" paalam ko sa kanilang dalawa
Kung di ba naman kasi ako tatanga tanga, edi sana nakabili na ako ng mga school supplies for tomorrow.
Iniwan ko na silang dalawa dun sa Cafe, alam ko rin naman na busy rin sila para bukas lalo na si Sammy
YOU ARE READING
Let's just start again
RomanceHow can you let yourself fall in love again when you already know what happens in the end? You'll likely end up getting hurt.