"Kailan ka magkaka-boyfriend, Hailey?" Delia asked me. Hindi ko sya pinansin. Usapang love life kasi sila ngayon, without knowing na may quiz kami mamaya sa Accounting.
"18 kana kahit isa wala pa?" Gulat na tanong ni Lorka.
Palibhasa habulin ng manliligaw ito kaya ganun na lang ang pagkagulat.
"Baka naman walang nanliligaw. Mukha pa lang ang sungit sungit na. Natakot mga bes!" sabat ni Bellze. Wow nagsalita ang hindi masungit. Chinese na ito!
Umirap ako sa hangin dahil sa kanilang mga tanong at opinyon.
"Ka-wawattpad iyan e! Umaasa na may perpektong lalaking dadating sa kanya mga sis!" sumama ang tingin ko kay Joysa. Not his real name. Joselino Marquez ang totoong pangalan.
"Walang nagtangka kasi akala nila bata. HAHAHAHA!" umarko ang kilay ko kay Ken. Bully ang lintis na ito!
Yes I'm petite in our squad. Bata nga daw ako sa kanilang grupo. Well wala ako magagawa doon. Nasa lahi na naman iyon, alangan naman baguhin ko.
"Tang*na! Nanahimik ako dito!" hindi ko maiwasang hindi mainis.
Can't see? Nagrereview ako tapos sila nangugulo!
What the fuck!
Mapapamura kana lang talaga! Halos di ko maintindihan ang binabasa ko dahil sa kanilang apat.
Pag bumagsak ang mga ito mamaya sa quiz. Magsasaya talaga ako.
*
"Hailey pahiram ng notes!" malayo pa lang ay nakasigaw na si Ken.
Tumaas ang kilay ko ng kuhain nya ang notes ko sa aking lamesa.
"Galing! Kung nagsusulat ka, edi sana hindi ka nanghihiram!"
Ngumisi lamang sya sa akin.
"Makakapasa ako kahit walang review!"
Umirap lamang ako. Magaling nga iyan. Kahit hindi magreview pasado. Humahaba ba naman ang leeg hindi lang sa katabi pati sa kabilang lamesa.
Napaka-angas!
"Hindi ko lahat matandaan!" halos magpanic si Bellze ng makita si Ma'am Arevalo na papasok sa room.
"Patingin nga ng notebook mo." sabi ko.
One way to got a high score is to help each other. Magaling naman si Bellze. 'Yun nga lang mabilis syang makalimot. Parang may amnesia lagi. Madalas nyang matandaan kung saang page ng notebook nya nakalagay ang sagot.
Kaya naman before kami magstart ng quiz or exam. Titingnan ko muna ang notebook nya at tatandaan kung saan nakalagay ang definition at equations.
If you want to got a high score help each other.
'Sabay-sabay tayong aangat'
Our class president said!
So para makapasa kailangan magtulungan.
"Ballpen, pencil and solution paper only." Miss Arevalo said. She is strict when it comes to her subject.
Major kasi kaya dapat matuto kami. Ayaw nya ng nang-gagaya. She want each of her students learn to her discussion.
Wag daw masanay na nang-gagaya.
Boom! Ilag Ken!
Our quiz are contains of three hours. Akala ko mga definitions ang questionnaire hindi pala, kundi computational.
ACCOUNTING CYCLE!
Imagine three hours kaming nakaupo habang sinasagutan iyon.
"Letche! Ito na naman 'yang balance na yan! San na naman ba mapupunta ang piso at limampiso ko jan?" maktol ni Bellze.