2nd Playful Night

42 2 0
                                    

☁ 「KAELLE」☁

"Ang bagal niyo, kanina pa kami naghihintay ni Cyril Jones!" busangot kong salubong sa kanila, nagsitawanan lamang ang mga ito at mas lalong ginulo ang aking buhok. Hindi ko talaga alam kung bakit ang buhok ko ang laging pinagkakadiskartihan ng mga kaibigan ko.

"Kumusta na kayo ni Cyril, bonakid?" tanong sa akin ni Christian kung kaya ay inirapan ko siya at binelatan. "Siraulo ka Ibarra!" giit ko. Everyone of us calls him Ibarra, middle name niya iyon pero bagay naman sa kaniya.

Napairap ako nang makita ang naka-ngisi niyang mukha mula nuong sinabi ko kay Christian na isa akong batang may laban, tinatawag na niya akong Bonakid which is really annoying! Dagdag pa ang theme song ng bonakid na lagi niyang kinakanta tuwing nakikita ako. Natawa lamang ito sa akin at inakbayan ako.

"Ayos ka lang ba? Ako na magdala ng bag mo." kinuha ni Christian ang aking backpack which made me smile inwardly. Who would've thought that this guy carrying my bag bullied me 3 years ago? We became best friends along with Cyril at iba pa naming mga kaibigan. Napatingin ako kay Mariathe at Trisha na kasalukuyang nagkukulitan, magpinsan ang dalawa a lot of people mistook them as twins kasi pare-pareho ang estilo ng buhok nila.

"Ako, Ibarra? Dadalhin mo ba ang bag ko?" malambing na giit ni Jam kay Christian, hinawakan pa niya ang braso ni Christian at hinaplos iyon ng marahan, halos lumapat na ang mapupula nitong labi sa pisngi ng aking kaibigan kaya nagpipigil na ako ng tawa dahil halos manakbo na palayo si Christian kay Jam, agad kong inakbayan ang bakla kong kaibigan at hinalikan ang kaniyang pisngi, making him cringe. I lick my lips and winked at my gay friend, nalasahan ko kaagad ang brand ng tint na ginamit niya upang mamula ang kaniyang pisngi, Moonchild Cosmetics.

"Eww, Kaelle! Stop kissing my cheeks, di tayo talo! Baby boy rin ang bet ko!" halos magsigaw-sigaw at mangisay na ito sa aking harapan dahil lamang sa halik na ibinigay ko sa kaniyang pisngi. Natawa lamang ako at binelatan siya.

"Looks like Ibarra don't feel like carrying your bag, Jami." I exclaimed at him, Jam's eyebrows furrowed at sa puntong ito alam kong naasar na siya sa akin kaya bago pa naman niya mahila ang aking buhok, I ran towards Trisha and cling my arms to hers.

"Nagcomser ka na naman daw ulit?" tanong ni Trisha sa akin, kasalukuyan kaming naglalakad pauwi medyo kalayuan ang hayskul sa aming bahay ngunit hindi iyon alintana sa akin dahil nais kong makita ang paglubog ng araw saka sanay na rin akong maglakad, kasama ko rin naman ang mga kaibigan ko kaya wala akong problema.

"Galit ata iyong Otbo na yun sa'kin eh." naka-nguso kong giit habang pinagmamasdan ang mga tanim ng palay na nakahilera, nag-iwas ako ng tingin doon at ibinalik ang aking tingin sa maalikabok na daanan. "Inakusahan ka na naman niya?" tanong ni Hannah, nagkibit-balikat lamang ako at nagpatuloy sa paglalakad.

"May favoritism iyon si Ms. Otbo eh, balita ko'y pamangkin niya daw yung president ng Journalism Club." giit ni Rachell, isa siya sa mga chismosa kong kaibigan. Natigil ako at napalingon sa kaniya, nauna kasi akong maglakad kaysa sa kanila.Nauna kaming kababaihan habang nakasunod naman ang dalawang kalalakihan sa likuran para mabantayan kaming kababaehan except for Jam-- napagitnaan ito nina Johara, Hannah, Trisha at Mariathe may suot pang flower crown na yari sa ratan ang bakla.

Jam claimed himself as the Mother Dragon of the group-- which made all of us agree. Joshua Jamisola literally breathes fire when someone hurt us, a lot of people says that he's mean pero sa totoo lang si Jam ang isa sa pinakamabuting tao na nakilala ko. He's too kindhearted at tinatago lamang niya iyon sa pagiging badass niya.

"Taysa, katong burikat nga Clarissa?" gulat na giit ni Jam at halos manliit na kami sa klase ng titig na ibinigay niya sa amin. Tumango-tango naman si Rachell at nagpatuloy sa pagsalita. "Oo nga, si Clarissa." Sino ba iyang si Clarissa?

Through The Playful Nights (Facing Today Trilogy 1)Where stories live. Discover now