Chapter One: Get together

60 1 2
                                    

Author's Note:

Hello readers >.<"... 

About my cover photo, those two isn't a celebrity but i choose them because it fits in my main characters.

They are my buddies, so please don't criticize them :).

If you want to add them, just leave your comments, and i will ask them if i can give their email address.

About the other characters >.<"... Sorry if hindi ko pa nilalagay at kulang pa ung mga cast ko sa side>>>>>>>>

Hindi ko pa po talaga mailagay kasi iniisip ko pa kung sino sila, ayaw ko po kasing maging Cast ang mga known personalities. So if you want to be part of my casting :D pamessage na lang po ako rito or better :) comments. Thanks

Enjoy reading :)

-----------------------

Chapter 1:  Get together…

‘Acey, acey, nasa harap ka na naman ng computer mo. Nagmamadali ka pa pala sa lagay na ‘y an?” sabi ng momi niya na nakapameywang at nabuksan na pala ang kaniyang kuwarto. “Hurry up, at andiyan na ‘yung mga kabarkada mo. May get together pala kayo! Mas iba pa ang inuuna mo, kung kagabi ka pa sana nag pack up. Sige, baba na ako, bilisan mo na diyan at may naghihintay pa sau.”

“Yeah, I will. Pakisabi na lang wait lang nila ako, saglit na lang po ito”, pasigaw na sabi niya sa kanyang momi na halatang tarantang-taranta na at hindi alam kung anong uunahing ilagay sa duffel bag niya. Nakakainis naman umagang-umaga sinesermonan na naman ako, tss.tss bulong ng isipan niya na nagawa pang mag alburuto ang mood habang nagmamadali.

‘Huh?’, aniya ng isang babae sa Raidcall sa PC niya. (Raidcall-isang chat or conference call browser na dinesenyo para magkausap usap kahit na ilan pang online).

Nagulat si Acey, sa sobrang pagmamadali niya di niya pala namalayang nakasabit pa rin sa tenga niya ang headset, ‘Aw… sorry guys mommy ko ‘yung kausap ko kanina. I have to go, goodluck na lang sa event later, sayang di man lang ako makakasali pero next time na lang ako babawi. May five days get together kasi kasama ‘yung mga friendships ko. Balitaan niyo na lang ako sa text. Ja mata ne~(See you guys) Sayonara :3 (Goodbye)…” di na siya nag sign out bsta naclick na lang niya ang exit button at dali-dali niyang ishinut down ang pc niya. Patapos na rin siya sa pag pack up dinala na rin niya ang broadband at laptop niya in case na matempt siyang mag online pag wala silang ginagawa sa beach resort na pupuntahan nilang magbabarkada.

Si Acey kasi ang taong di mabubuhay ng wala sa tabi niya ang laptop, pc at internet. Since Highschool siya nagsimulang maadik all around the computer at internet world sa mga social networks hanggang sa online games pati pagphophotoshop at page edit ng kung anu-ano kinakarir niya rin. Uso pa ng mga panahong iyon ang friendster hanggang sa naging facebook at twitter na. Di maikakailang matagal na rin ang Dota na hanggang ngayon ay kinahuhumalingan pa ng mga kilala niyang player at maging siya na di masasabing Pro pero maalam kahit papaano sa larong iyon. Naglipana na rin ang iba’t-ibang mmorpg at casual online games na pinagkakagastusan niya ng libu-libong piso gumanda lang ang mga items ng account niya. Kilala din siyang graphic designer over the internet. Isa kasi sa passion niya ang mag-edit, drawing at magdisenyo ng kung anumang maisip ng malikot niyang isipan. Blogsites and former din siya pero codename lang niya na Neko(pusa-mahilig kasi siya sa Pusa) ang alam nila, iilan lang sa kanila ang nakilala siya in person at nakakaalam ng itsura. Kung pagdating naman sa Anime di siya magpapahuli. Lagi siyang updated sa newest episode ng mga sinusubaybayan niyang anime series sa internet. Nagbabasa din siya ng Manga(Japanese comic) sa internet at minsan pag may time siya bumibili siya sa mga Otaku(anime fanatic) Shops para na rin maging part ng collection niya. Sa kuwarto niya nakalagay ang mga manga and anime toy collections bagaman di ganun karami di tulad ng mga napapabalita sa telebisyon. Di lang sa pangongolekta, pagbabasa ng manga at panunuod ng anime sa internet ang hilig niya minsan sumasali din siya sa mga Cosplay Convention/Event pag may time siya. Pero kadalasan, bagsak siya pagdating diyan gawa ng mas pinag uukulan niya ng panahon ang umupo na lang maghapon sa pc/laptop para magsurf sa internet pag wala siyang pasok sa campus. Ganyan ang buhay ni Acey marami na ngang nagreklamo sa kanyang mga barkada niya at nagtampo gawa ng halos 80% ng buhay niya nakatuon sa virtual world at ang 20% naman nito nasa totoong mundong kanyang ginagalawan. Marami ngang nagsasabi na napakaboring ng life niya pero para sa kanya mas sumasaya siya sa mundong ito gawa ng malaya niyang nagagawa at nasasabi ang kanyang saloobin at maaari din niyang baguhin ang imahe niya anumang oras niya gustuhin.

Virtual WorldTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon