Tawag ka, Bes | One Shot

39 6 4
                                    

Tawag ka, Bes - One Shot
Beleaves Wattpad 2020
  
 
|♡|♡|♡|

 

ARAW NG SABADO at nakatambay ako rito sa bahay ng bessywap kong si Andrea. Nandito nga pala kami sa sala at nagsa-sound trip. Masaya kaming nagdadaldalan at kumakain ng special tea niyang Pancit Canton.

   
Syempre, hindi mawawala ang usapang lovelife. Hindi na nga ako magtataka pa kung isang araw, mabalitaan ko nalang na may boyfriend na itong kaibigan ko. Maganda kasi siya at ma-appeal, habulin pa ng mga lalaki.

    
Ang kaso, hindi niya matype-an 'yung mga lalaking nanliligaw sa kaniya. Hinahanap niya raw kasi ang 'The One' niya. Big word mga, bes! Hinihintay niya pa ang icing sa ibabaw ng cupcake niya.

    
At ako?

    
Taga-support nalang! Buti kung may nagkaka-interes sa akin. Hindi ko naman maitatanggi sainyo na maganda ako at sexy. Syempre, naniniwala ako sa mga sinabi ni Mama sa akin.

    
"Ano ng balita, bes? Napansin ka na ba ng crush mong si Andrew?" Tanong niya at sinundot-sundot pa sa tagiliran ko.

  
"Hindi. Isa pa, hindi ko na siya gusto 'no." Sagot ko.

   
Napanguso siya. "Bakit naman?" Tanong ni bes.
 
  
"May jowa na eh."

    
Humagalapak siya ng tawa. May pahampas-hampas pa sa unan niya. Habang ako ay nakangiwi lang na nakatingin sa kaniya. Tuwang-tuwa naman ang bruha.
  
 
"Okay, okay!" Tinaas niya ang parehas niyang kamay na para bang sumusuko na.
 

"Nga pala, bumili ako ng bagong case ng phone ko. Same na tayo, oh." Sabay labas niya ng phone niya at tinabi pa sa phone kong nakapatong sa bilugang mesa.
 

Talaga ngang magkapareho 'yung phone namin. Parehas kulay galaxy ang case. Ang ganda tingnan. Magkasinglaki pa ang phone namin. Parehas pa na Samsung. Kulay puti nga lang ang kulay ng akin tapos gold naman 'yung sa kaniya.
  
    
"Gaya-gaya ka talaga." Pabirong sabi ko.

   
"Syempre 'no! Magbessywap kaya tayo." Ngumisi siya. "Teka lang, bes. May kukunin lang ako sa kwarto ko. Ipapakita ko sa'yo 'yung love letter na gawa sa akin ni James." Kinikilig na sabi niya at saka nagmamadaling umalis.

   
Napanguso ako at napatitig sa kawalan. Hindi naman ako maarte o choosy eh. Bakit walang gustong manligaw sa akin? Ito na yata ang sign na tatanda akong dalaga. College na ako ngayon, oh. Wala pa rin ba?

     
Lord, ipakilala niyo na po 'yung para sa akin, oh?

 
"God gave me you to show me what's real, there's more to life with just how I feel~" Mabilis kong kinuha ang nagriring kong phone.

   
Sino naman kaya 'tong tumawag sa akin?

   
"Hello?"

    
"Ehem. Uhm, ehem..."
 
 
Kumunot ang noo ko. Sino naman kaya 'tong unknown caller na 'to? Pero infairness ah, mukhang masarap--- 'yung pancit canton. Oo, masarap nga.

   
Hindi ako umimik at hinintay ang susunod na sasabihin niya. Malalim at matipuno ang boses ng lalaking 'to. Ang gwapo ng boses, mga bes!
 
 
"Hi? Good afternoon. Uhm, may sasabihin kasi ako sa'yo. Matagal kong pinaghandaan 'to haha. Unang araw palang, napukaw mo na ang atensyon ko. Ang ganda mo kahit sa malayo. Ang bait-bait mo pa at makuwela. Sinong hindi magkakagusto sa'yo?"

   
Napakagat labi ako dahil pinipigilan ko ang ngiti ko. Totoo ba 'tong sinasabi niya? Sa buong buhay ko, ngayon lang may nagconfess sa akin.

   
Lord, siya na po ba ang para sa akin?
 
   
"Nahihiya kasi akong lumapit sa'yo. Pasensiya na kasi may pagkatorpe ako." Tumawa siya na siyang ikinangiti ko. Pati ang tawa niya ang sarap sa tainga.

   
"Kurt nga pala name ko. Civil Engineering ang course ko kaya madalas kitang makita sa school since magkalapit lang ang building natin."

   
OMG! Future Engineer pala siya? Akalain mo nga naman oh. Mukhang sinuwerte ako ah, hmm.

 
"Nagpapadala ako ng flowers sa'yo kaso hindi mo yata napapansin eh."

    
Oh? Talaga?! Wala akong napansin! Saang lupalop naman napunta 'yung mga bulaklak na 'yon at hindi ko man lang nakita?

  
"Magcoconfess na sana ako ng nararamdaman ko sa'yo kahapon kaso umalis ka bigla. Nagmamadali ka kaya hiningi ko nalang sa kaibigan mo 'yung number mo."

  
Napangisi ako. Ito talagang si Andrea oh, wala man lang sinasabi sa akin. Mukhang sinet-up ako ng bruha.

   
Ito na yata ang simula ng natutulog kong love life. Napakalakas ko talaga sa'yo, Lord! Kita mo nga namang natupad agad. Hihi.

   
"Sorry kung ang creepy ko pakinggan since hindi pa naman tayo nakakapag-usap ng harapan at hindi pa tayo gaanong close." Humina ang boses niya.

    
"Ano ka ba," napanguso ako. Para na akong mangingisay sa kilig. Eto na talaga! Gora na, Donnalyn! "Ayos lang 'no." Nahihiyang sabi ko. Dapat pakipot muna, gano'n hahaha.

 
Bigla nalang siyang hindi nagsalita. Nagtaka naman agad ako. Mukha yatang napangitan sa boses ko. Dapat talaga hindi ka muna nagsalita, Donnalyn, eh.

   
"Oh, I'm sorry! May tiningnan lang ako kaya nawala ako saglit." Sabi niya.

  
Napatayo ako at impit na napatili. Kinikilig talaga ako, mga bes! It's my time to shine!

  
"May itatanong lang ako," ang husky ng voice niya. Mukha tuloy akong uod na binudburan ng asin.

 
"Ano 'yon?" Malambing na tanong ko.

   
"Puwede ba kitang ayain bukas kumain?" Ommamia! Napatalon ako sa kilig. Heto na talaga, Donnalyn. Ito na talaga 'yun!

   
Nagningning muna ang mga mata ko. Sasagot na sana ako nang magsalita ulit siya na nagpatalbog ng puso ko.

   
"I like you..." sabi niya. "I like you, Andrea. Can I court you?"
 
 
Namilog ang mga mata ko. Bumagsak ang balikat ko at napatigil ako sa pagwawala. Bigla nalang nawasak ang puso ko. Bigla ring bumagsak ang ekonomiya ng mundo ko.

   
Inilayo ko ang phone na hawak ko at tinitigan ng mabuti. Saka ko lamang napagtantong hindi akin ang cellphone na hawak ko. Kahit kailan ay hindi ko naging wallpaper ang mukha ni Andrea.
 
  
Maski ang mukha ko ay hindi ko ginawang wallpaper 'no!

   
Ibig sabihin... ginaya niya rin ang ringtone ko?!

 
"Bes!" Dumating si Andrea na tuwang-tuwa at may hawak na love letters. "Oh, anong nagyari sa'yo? Para kang binagsakan ng langit at lupa diyan." Natatawa niyang sabi.

   
"Bes..." dahan-dahan kong iniabot sa kaniya ang phone niya. Iton bruhilda na 'to talaga! Nanggagaya pa kasi ng case ng phone eh.

  
"Wait, phone ko ba 'yan?" Tanong niya.

   
Nalulungkot akong tumango-tango. "Tawag ka, Bes." Sabi ko na siyang ikinagulat niya.

  
Agad niyang kinuha ang phone niya at saka naglakad paalis. Habang ako? Heto at nakatulala. Pakiramdam ko talaga pinagkakaitan ako ni Kupido.

 
Nakasimangot akong napatingin sa phone kong nakapatong pa rin sa mesa.

  
"Makabili na nga ng bagong phone."

 
 
|♡|♡|♡|


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 04, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tawag ka, Bes (One Shot)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon