C2[Beginning]

5 1 0
                                    

"Let's meet. Doon pa din sa dati. Leigh Anne, mag aantay ako. "
-

He texted me, again. Paulit ulit kong binasa dahil hindi ako makapaniwala na andito na ulit si Shan sa Pilipinas at hindi rin ako makapaniwala dahil sobrang kapal ng apog niya para makipag kita pa sakin.

Nag dadalawang isip ako kung pupunta ba ko o hindi.

"Kung pupunta ako, baka isipin nun na patay na patay pa din ako sakanya hanggang ngayon." Natawa ako sa aking naisip. Malabo. Lahat ng pagmamahal ko sakanya noon napalitan na ng galit.

"At kung hindi naman, baka naman sabihin niya na nabibitter ako at hindi pa din maka move on! "

Napatingin ako sa salamin at huminga ng malalim. Bakit ko ba kinakausap sarili ko? Pero ang tanong, handa na ba akong makita siya?

Biglang nag ring ang cellphone ko habang nag moment ako dito sa cr. At speaking of the devil, tumatawag ang gago oh.

("Leigh Anne") Napapikit ako ng bigla niyang banggitin ulit ang pangalan ko. Kung sigurong dating ako toh, tuwang tuwa ako. Pero hindi, iba na ngayon.

"Oh? Pupunta ako wag ka mag alala. Di mo na kailangan tumawag."

("Thankyou, ley. I just... I just want you to hear my side.")

Gago toh ah. After 3 yrs, ngayon pa siya mag eexplain? Wow! Ang kapal talaga ng mukha! Natawa nalang ako. Tinawag niya pa kong ley!! Nakakadiriii.

"Ewan ko ba kung bakit gusto mo pa din magpaliwanag. After 3 years? Too late, Shan. Too late."

("At gusto ko din mag sorry sayo. Gusto ko maging okay ulit tayo. Maging magkaibigan ulit. ") Natawa ulit ako. Grabe. Ang dami ko na atang naitawa ngayon.

"Okay. Pupunta ako, dont worry. " I said at binaba ko na ang tawag.

This will be the last time that I will see your fvcking face and this will be the last time na makikinig ako sa mga kasinungalingan mo. Or not? Ngumiti ako ng dahan dahan sa aking naisip.

Agad kong hinanap ang numero ni Ayanna, at tinawagan ito.

"Hiii, Ayanna. Busy ka today?"




***

"Nagulat ako ng bigla mo kong tinawagan! Akala ko nag eemo ka na sa bahay niyo eh. " Ayanna said. Natawa ako. Bat naman ako mag eemo? Sino ba siya para pag aksayahan ko ng oras?

Andito kami ngayon sa isang coffee shop. Niyaya ko si Ayanna dahil ayoko makipagkita sa gagong yon.

"Haynako. Di na ulit noh! Tsaka sabi ko naman sayo dba? Okay na ko. Okay na okay! " Tiningnan ko siya sa mata atsaka ngumiti. 3 yrs naman na dba? Dapat siguro maging okay na ko.

"Nga pala. Tinawagan ka ba ni Shan? Tumawag siya kanina sakin bago ako umalis ng bahay. Hinahanap ka." Sabi niya then she sips her coffee.

"Gusto niya makipag kita sakin." sagot ko.

"What? That bastard! Ang lakas pa ng loob para makipagkita! Naku. Nanggigil ako sakanya ha. Kelan daw ba?"

I smiled and said.

"Ngayon."

Nanlaki ang mga mata niya at halos maibuga ang kapeng iniinom. I laughed on her reaction.

"Omyghad!!!! Ngayon tapos nandito ka kasama ko? Whattt??? So bad ghorl naman diz ghorl." She said.

I think he deserves it. After all this years, kulang pa yung di ko pagpapakita sakanya ngayong araw kumpara sa mga ginawa niya sakin noon.



***

"She's the girl that no one ever knows.
And I say hi, but she's too shy to say hello.
She's just waiting for that one to take her hand And shake her up.
I bet I could."

Napatingin ako sa isang room kung san nanggagaling ang boses. 7 pm na. Pauwi na sana ako galing library ng school. Ako kasi nag aayos ng mga libro sa aming silid aklatan kaya gabi na din ako nakakauwi. Sa oras na toh, dapat nakauwi na ang mga studyante at mga janitor or security guard na lamang ang natitira sa school.

"I wish my heart was always on her mind.
'Cause she's on mine like all day, all the time."

Sa sobrang curious ko agad akong lumapit sa music room at binuksan ang pinto.

Agad siyang tumingin sakin at tinuloy ang pagkanta.

"Forget me not, forget me now.
I've come too far to turn around.
I'm here tonight."

Tiningan niya ko sa mga mata at tiningnan ko din siya pabalik. Di ko alam kung bakit pero bigla ako nakaramdam ng hiya at aatras na sana para umalis kaso...

"Sandali." Sabi niya sabay hawak sa braso ko.

Bigla akong nanlamig at nanigas sa kinatatayuan ko. Di ako makahinga!

"Uh. Pauwi ka na ba?"

Dahan dahan akong tumango. Walang salita na lumalabas sa aking bibig. Bat gantoooo. Anubaaaaaaa

"Pwede sumabay?" Yumuko ako at tumango tango ulit. Anubaaa, leigh anne! Napipi ka na baaaaa????? Huhu

"Tara." Sabi niya na may ngiti sakanyang labi. Us2 cu na mahimatay.

Bakit ba ang swerte ko? Si Shan lang naman ang kasabay ko. Si SHAN na crush na crush ng lahat. Si SHAN na matalino, mabait, mabango, maganda ang boses at higit sa lahat superrrr gwapo huhuhu. Gusto ko maiyak sa sobrang tuwa!

Sabay kaming naglakad palabas ng music room. Habang nag lalakad kami sa hallway may pagitan sa aming dalawa. Nahihiya kaya ako dumikit! Feeling ko pa naman ang lagkit ko naaaa.

"Bakit pala ngayon ka palang uuwi?" Bigla niyang open ng usapan. Ikaw haaa. Us2 mo ko kausap noh? Hihihi.

"Ako kasi naatasan na mag ayos ng mga libro sa library. Kaya gabi na din ako palagi nakakauwi. Ikaw? Bakit ginabi ka na?"

"Gusto ko kasi subukan umuwi galing school ng gabi at maglakad lakad pauwi."

"Talaga? Gusto mo samahan kita?" Agad siyang ngumiti sa sinabi ko. Naku puuuu, ang gwapuuuuu!!!

"Alam mo naaa, gusto ko din maglakad lakad para makapag exercise hekhek." dagdag ko. Gusto ko na magpakain sa lupa sa sobrang kahihiyan!

"Im Shan, by the way. Leigh Anne, right?" Biglang nagningning ang mata ko sa narinig ko. Kilala niya kooo!!! Alam niya pangalan ko!!

"P-pano mo nalaman?"

"Kaibigan ka ni Missy dba? Lagi kasi kitang nakikita na kasama mo siya eh." Bigla ako nanlumo.

"Sasakay nalang pala ako ng jeep."
Nagulat siya sa sinabi ko pero agad ko din tong binawi. I smiled and said.

"Joke lang!"

Tumawa siya ng malakas at lumapit sakin at ang huling ginawa niya na talagang nagpagulat at nagpanginig sa buong systema ko ay ng.......








bigla niya kong inakbayan.

CLOSURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon