C4

0 0 0
                                    

Pagkatapos ng gabing yun, di na ulit kami ni Shan nakapag usap. Di ko na rin siya nakikita sa music room sa tuwing gabi na ako ay uumuwi. Hayyyyyy. Yun na siguro ang una at huli naming pagkikita at pag uusap ni Shan.

Masyado ata ako umasa na may susunod paaaa. 

"Woy! Leigh Anneee. Anyare sayo? Mukha kang depressed!" sabi ng kaibigan kong si Ayanna. Tiningnan ko siya at pilit na ngumiti. Hayyyyy. Kung alam mo laaang.

"Asan na pala si Missy? Napapansin ko na this past few days di na natin siya nakakasabay sa pagkain ah. Nagtatampo na kooo. hmppp"  pag iba ko sa usapan.

"Kaya pala mukhang depressed ka dyan dahil kay Missy. And speaking of Missy, ayun ang bruha nabusy sa lovelife niya!" 

Di na ko magtataka kung may bagong boyfriend nanaman si Missy. Maganda si Missy, mej mabait hahahaha at hinahangaan siya ng mga kalalakihan dito sa aming paaralan. Kahit ako nga na kaibigan niya ay gandang ganda sakanya eh. Ang di lang siguro maganda sakanya ay ang papalit palit niya ng boyfriend.

"Sino nanaman? Haynakoooo. Wala na talagang nagtatagal kay Missy." 

"I have a feeling na tatagal sila ng bago niya" Ayanna said at ngumiti ng nakakaloko.

"Haaa? Bakit naman? Bagong buhay na ba si Missy? Akala ko ba "Thankyou,next" ang motto niya sa buhay" at nagsitawanan kaming dalawa. Di ko maimagine na mag iiba ang ihip ng hangin ni Missy sa pag boboyfriend. 

"Anukaba! Syempree bagong buhay na talaga yun noh. Ikaw ba naman maging boyfriend si Shan ewan ko nalang talaga kung di ka pa magbago." 

T-tekaaa. Sandaleeee. Di.ako.makahinga. 

Boyfriend ni Missy si Shan??? Paano? Kailan???  Boyfriend ng kaibigan ko ang long time crush ko!!!! 

Gusto ko mag react, gusto ko mag salita pero di ko magawa. Bakit......

"Gulat ka noh? hahahahaha ang kwento sakin ni Missy last month pa naging sila pero patago lang relasyon nila kasi alam mo na, may boyfriend din kasi non si Missy." pabulong niyang sabi sa akin. 

Ano yun? Pumayag si Shan na maging sila ni Missy kahit may boyfriend siya that time? Hindi ganung Shan ang kilala ko... Simula first year ako hanggang ngayong fourth year ako crush na crush ko na si Shan at lagi ko siyang pinagmamasdan sa malayo at pakiramdam ko kilang kilala ko na siya pero hindi pa pala..... 

"U-hh. ha-ha. Uhm. Uwi na ko Ayanna ha? Kanina pa kasi masama pakiramdam ko eh."  paalam ko kay Ayanna at pilit kong pinipigil ang sarili na wag umiyak.

Pinipigilan ko ang paghinga ko kasi feeling ko anytime bubuhos na ang luha ko. Agad akong nagpara ng jeep at sa di ko inaasahan nakita ko sa mismong harap ko si Shan...

At sa di inaasahang iyon, bigla nalang tumulo ang mga luha ko.

Agad akong bumaba ng jeep at tumakbo palayo ngunit may biglang humawak sa kamay ko para pigilan ako sa pagtakbo.

"Shan" 

"May problema ba?" tanong ni Shan sa akin na may halong pag aalala. Sa dami ng panahon na gusto ko siyang makita, ngayon pa na sobra sobra akong nasasaktan dahil sakanya.

Di ko na napigilin ang sarili ko sa pag iyak at humagulgol sa harap niya. Niyakap ako ni Shan at sinabing ...

"Kung ano man yan, magiging okay din ang lahat" sabi niya habang inaalo ako at yakap ako.

Niyakap ko siya pabalik at umiyak sa kanyang mga bisig.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 30, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CLOSURETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon