Kabanata 27

45 18 0
                                    


Meca

Sumapit ang araw na pinakahihintay ko ang araw na kong saan hinihintay ng lahat na mangyari. Alam kong naghahanda na ang mga kalaban para sa pagsalakay at hindi ko hahayaan na manggulo sila dito. Nakatayo lang ako habang tinitignan ang mga ibang istudyante na nanghahanda.

Kabilin bilinan kasi ni Lola kay Cassiopeia gawin ingrande ang kaarawan ko. Hinayaan ko lang sila na sa gusto nilang gawin. Maraming lamisa ngayon ang mga nakakalat sa field at mga makukulay na badiritas narin na kasabit. Gustohin ko man maging masaya sa araw kang kaarawan ko pero hindi ko magawa.

Nanaig parin ang takot sa puso. Natatakot ako na baka masaktan ko lang ang mga kaibigan ko. Natatakot ako na baka hindi ko makaya ang mangyayari. Nagsimula na akong maglakad para lapitan ang mga kaibigan ko. Gusto ko silang kausapin at pasalamatan sa ginawa nila.

Dahil maya maya lang matatakpan na ng bwan ang araw. Sana lang maging maayos ang lahat.

"Meca, bakit nan dito ka. Dapat nagpapahinga ka ngayon." bungad sakin ni Deryle.

"Oo nga Meca. Kailangan mo ng lakas mamaya." dugtong naman ni Kyth.

"Hayaan niyo na lang mo na ako. Hindi kasi ako mapakali sa mangyayari mamaya."

"Meca, ilang bisis ba dapat namin sasabihin sayo na magiging okay ang lahat at walang mangyayaring masama." pagsasalita naman ni Ryck.

"Hanggat nan dito kami sa tabi mo Meca hindi ka masasaktan nila at isa pa nan dito naman si Colver para tulongan ka, Diba Colver?" 

"Ikaw talaga Camillo pinagtri-tripan mo naman sila. Magtrabaho ka lang dyan! Meca wag mo na lang siyang pansinin." wika naman ni Taki.

Nagtawanan lang silang lahat. Hindi ko alam kong magiging ganito paba kasaya ang mangyayari mamaya oras na lumabas na ang kapangyarihan ko. Sana lang wag masira ang pagkakaibigan namin. Lumapit na ako kay Colver.

Sana lang hindi siya nahihirapan para sakin. Kitang kita ko kasi sa mga mata nito na nalolongkot siyang makita akong ganito. Na para bang wala ako sa sarili kong katinoon. Alam kong mahal na mahal niya ako dahil nararamdaman ko ang bawat pag tibok ng puso niya.

"Bakit ka nan dito?" Bungad nito ng makalapit ako sa kinatatayoan niya.

"Wala kasi akong magawa at gusto rin kitang makita."

"Sana nagpahinga ka na lang mo na."

"Kahit magpahinga ako hindi parin ako makakapagisip ng maayos."

"Kong ano ano naman kasi ang iniisip mo. Kong ako kaya ang isipin mo. Malay mo maging payapa ang utak mo."

"Colver naman, binobola mo na naman ako."

"Hindi kita binobola, tinutolongan ko lang gunaan ang pakiramdam mo."

"Tsk! Salamat na lang."

"Nga pala tinatawag kana ni Cassiopeia. Puntahan mo na siya at wag mo kaming aalalahanin dito. Okay lang kami."

Napatingin ako sa gawi ni Cassiopeia at kumakaway ito sakin.

"Sige, maiwan mo na kita Colver."

Ngumiti lang sakin si Colver. Nagsimola na akong maglakad papunta sa kinaroroonan ni Cassiopeia. Alam kong may  sasabihin itong importante sakin. Sana lang hindi ito masamang balita.

"Meca, isang oras na lang bago magsimula ang nakatakdang pagbabago mo. Kailangan mo ng magayos. Kabilin bilinan ito ng Lola mo."

"Sige po, magbibilis na po ako."

The Last Alchemist - COMPLETETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon