CHAPTER 15 - Unpredictable

24 5 66
                                    

Claire's POV

Pinunit ko ang tshirt na suot ko at binalot yun sa palad ni Jack. Nanginginig pa ang mga kamay ko habang ginagawa 'yon dahil sa pag agos ng dugo mula roon.

"B-bakit mo ginawa 'yon?" nauutal kong tanong sa kaniya habang inaayos ang pagbenda sa palad niya.

Hindi siya sumagot. Nararamdaman ko ang mga titig niya sa 'kin pero hindi ko siya matignan. Natigilan ako sa ginagawa ko ng bigla niyang hawakan ang nanginginig kong mga kamay. Sa hindi malamang dahilan ay kumalma 'yon sa simpleng paghawak niya.

"Calm down." sabi niya habang tumatayo. Hindi niya binitawan ang kamay ko kaya nahatak rin ako patayo. "Malayo 'to sa bituka."

Napangisi siya pero hindi nun napagaan ang loob ko. Kumibot ang labi ko at nag init ang gilid ng mata ko. Hinatak ko ang kamay ko sa kaniya at sinuntok siya sa braso.

"Anong sinasabi mo?!" inis na sabi ko. "Hindi mo ba makitang ang lalim ng sugat mo?!"

"Aray." napahawak siya sa braso gamit ang sugatan niyang kamay.

"Hala sorry!" nawala bigla ang inis ko at lumapit pa lalo sa kaniya. "Masakit ba?" nag aalala kong tanong.

Sumilay na naman ang ngisi sa kaniyang labi at tumawa ng bahagya. Napasimangot ako dahil pinagtitripan niya ko.

"Tara sa hospital." sabay hatak ko sa kaniya palabas sa fire exit papuntang elevator.

Napatingin ang ilang mga tao sa hallway dahil sa punit na damit ko. Iniyakap ko sa 'kin yung coat na suot ko para matakpan ang pusod ko.

Patuloy lang ako sa paghatak kay Jack sa elevator. Good thing ay nagpahatak naman siya.

"Kailangan nating bumalik sa prime minister Claire." seryoso niyang sabi habang nakasandal sa elevator na parang wala siyang malalim na sugat, na parang baliwala lang sa kaniya anf lahat.

"Wala akong pakialam!" inis kong sabi. "Tapos na ang panganib. Mas importante ka sakin ngayon!" Nanlaki ang mata ko at napahawak sa labi ko nang mapagtanto kung ano yung sinabi ko. Napalingon ako sa kaniya at nakitang napakalawak ng ngiti niya.

Malawak na ngiti... na ngayon ko lang nakita. Nag init ang pisngi ko at dali daling lumabas ng elevator.

"Wait Claire!" sigaw niya at sinundan ako palabas ng building.

Huminto ako para antayin siya. Nang nasa tabi ko na siya ay papara sana ako ng taxi pero hinatak niya ako pabalik sa hotel kung nasaan ang prime minister.

Pagkatawid namin ay wala na ang mga agents. Marahil ay agad silang pumasok sa loob. Narining ko sa hindi kalayuan ang tunog ng paparating na mga pulis.

Tuloy lang ang paghatak sa akin ni Jack sa elevator kaya mas binilisan ko pa ang paglalakad para hindi makaladkad

"Jack... sinabi ko naman sayo dadalhin kita sa hospital eh."

Natawa siya kaya nanigas ako sa kinatatayuan ko. Bakit parang nag iba na naman ang ugali niya. Naging pala ngiti na naman siya. Nag activate na naman yung mood swing niya.

"Kung talagang guilty ka sa nagawa mo, ikaw ang magtatama ng pagkakamali mo." biglang nagseryoso ang tingin niya kaya natigilan ako. Pero mayamaya ay pilyo siyang ngumiti. "Ikaw ang gumamot sa sugat ko."

Pagdating sa room ay bigla akong nailang ng mapagtantong kami lang palang dalawa ang nandito.

"Dito ka lang." sabi ko sa kaniya sabay turo sa sofa.

Hinanap ko ang first aid kit at agad ko naman yun nakita.

Tahimik lang siyang nakaupo habang pinapasadahan ng tingin ang kapaligiran. Naramdaman niyang nakatingin ako sa kaniya kaya nag angat siya ng tingin.

The Hunter's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon