CHAPTER 22 - Party Crasher

10 1 1
                                    

Claire's POV

For the second time ay tumigil ang takbo ng oras sa paligid ko at iisang tao lang lagi ang dahilan. Mas malala nga lang ngayon dahil rinig na rinig ko ang malakas na pagtibok ng puso ko at halos hindi ko na marinig ang magandang musika.

With you I fall
It's like I'm leaving all my past in silhouettes upon the wall

Hindi ko magawang titigan siya sa mga mata kaya hindi mapakaling ginagala ko ang aking paningin. Nahagip ng mata ko si Lily na nakatitig sa amin. Agad akong nag iwas ng tingin. Dahil sa pag iwas ko sa nanunuring titig ni Lily ay nagtagpo ang mata namin ni Jack.

With you I'm a beautiful mess
It's like we're standing hand and hand with all our fears up on the edge

Nagulat siya sa biglaang pagtatama ng mga mata namin pero agad rin siyang nakabawi. Naramdaman ko ang pagpisil niya sa baywang ko.

Nanghina ang mga tuhod ko. Mabuti na lang ay nakahawak ang mga palad ko sa balikat niya kundi ay walang dudang mapapa-upo ako sa sahig sa panghihina ko.

So stop time right here in the moonlight
Cause I don't ever wanna close my eyes

Ganito ang epekto sa akin ng isang Jack Slaughter. At hindi ako ang nag iisa, dahil kahit may kasayaw na ang mga babae sa paligid namin ay tinatapunan pa rin siya ng tingin. Yung tingin na parang gusto nilang higitin palayo sa akin si Jack at sila ang maging kasayaw.

Dahil sa isiping iyon ay hindi ko namalayang humigpit ang hawak ko sa balikat ni Jack. Ngumisi siya at hinuli muli ang mga titig ko.

Without you, I feel broke
Like I'm half of a whole
Without you, I've got no hand to hold
Without you, I feel torn
Like a sail in a storm

"Anong nasa isip mo?"

"Kung paano ka hihigitin palayo sa akin ng mga babaeng malagkit ang titig sayo." pagpapakatotoo ko.

You're the perfect melody
The only harmony I wanna hear

You're my favourite part of me
Witb you standing next to me
I've got nothing to fear

Humalakhak siya. "Paano kung hilahin nga nila ako palayo sayo?"

"Hindi nila kakayanin." ngumisi ako nang makita ko ang pagtaas ng kilay niya.

"At bakit?" naghahamon niyang tanong.

"Kasi..." kinagat ko ang ibabang labi bago nagpatuloy sa pagsasakita. "Kasi mahigpit akong nakahawak sayo. Wala kang kawala Jack."

Umawang ang kaniyang labi at natigilan. Umiling siya at pabulong na nagmura.

Kinabahan naman ako sa naging reaksyon niya. Bakit siya nagmumura? May mali ba sa sinabi ko?

Ikaw kasi Claire! Mas daig mo pa ang lalaki kung makapagsalita ng maaanghang na salita! Argh! Pero ayon na ang uso ngayon di ba? Yung tipong babae ang nagpaparamdam sa lalakeng gusto nila?

Kung may pader lang sa tabi ko ay malamang inuntog ko na ang ulo ko. Ano ba 'tong ginagawa ko! Ang kapal na ata ng mukha ko!

"Ikaw na ang pinaka-straightforward na babaeng nakilala ko." nagningning ang mga mata niya habang titig na titig sa akin.

Naiilang na napayuko ako. "Y-yun naman kasi--"

"At pinakamaganda." natigilan ako sa sinabi niya. Napaangat ang titig ko sa kaniya.

Nagulat ako ng makita ang isang ngiti sa labi niya. Kakaibang ngiti. Ngayon ko lang yun nakita. Parang yun na ata ang pinakatotoong ngiti na nakita ko sa kaniyang labi.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 10, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Hunter's SecretTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon