**
Pagdating ko sa bahay wala pa ang mga kapatid ko, maaga pa naman kaya mamaya pa ang dating ng mga yun. Pagkatapos kong mag bihis nag scroll muna ako sa facebook. Wala naman akong assignments na gagawin.Habang nag scroll ako ng scroll. May nakita akong post na naka tag sakin.
"Paint party with live band.
Ft. Missing Filemon
DATE: Feb 03 20**"I shared the post and tag my friends el and cath para may kasama ako sa araw na yan. Habang wala pa silang comment sa post ko. I decided na matulog muna. Nakakapagod ang walang ginagawa.
**
" Ate gising na. Kakain na raw sabi ni papa" - Nagising ako sa katok ng kapatid ko. Ilang oras ba akong natulog, pag tingin ko sa wall clock. Ala sais na pala. Mahaba haba ang tulog ko ngayon. Puyat na naman ako bukas neto.Sa hapag kainan hindi talaga maiwasan ang tawanan namin at asaran. Kahit simple lang ang buhay namin ang importante masaya kami at nakakain ng tatlong beses sa isang araw.
"Anais kumusta na yung meeting para sa tour niyo? Nakapag decide na ba kayo kung saan ang pupuntahan niyo?" - sabi sakin ng papa ko.
"Yes papa, dumaguete daw po sa feb 2* po ang alis namin." mahirap sabihin kung magkano ang gagastusin namin.
"Magkano ba ang napag usapan niyo na gagastusin" - alam ko na ang mga ganyang style ng papa ko. Nag iisip yan kung saan kukuha ng pera.
Nag dalawang isip ako kung sasabihin ko ba sa kanya or hindi. Alam ko kasi na may malaki kaming gagastusin para sa fiesta namin dito.
"4****k daw po papa. Yung deadline po sa susunod na linggo pa naman." - nahihiya talaga ako sa kanya.
"Hala sige, hahanapan ko ng paraan yan." - Dinig na dinig ko ang malalas niyang pag buntong hininga. Alam ko naman na nahihirapan siya sa gastusin ngayon.
Kung nag tataka kayo kung bakit papa ang tawag namin sa lolo ko. Simula pa lang bata pa ako yung mama ko ofw tapos yung daddy ko nag tatrabaho sa isang bar, sa grandparents namin kami iniwan ng mga magulang namin kahit umuuwi pa ang daddy ko dito pero pa minsan minsan nga lang.
Bata pa lang ako silang dalawa ng lola ko ang parating nandyan para sa amin ng mga kapatid ko. Tuwing may parent's meeting, sila ang nandyan. Kapag may activity sa school, palagi silang andyan. Nung nag kasakit kami ng mga kapatid ko, sila ang nag alaga samin. Ang laki ng utang na loob namin sa kanila.
Naalala ko pa nung elementary ako tapos si jan kinder, palagi kaming dinadalhan ng baon. Hindi pa uso nuon ang malalaking baon. Yung akin nga 5 pesos lang sakto para may pambayad kami sa pedicab. Pinag baonan lang kami ng pandesal. Tinuruan nila kami kung paano mag tipid. Binigay nila lahat kung ano ang kailangan namin. Ang papa ko din ang nag papa aral sa amin.
Kapag may awarding kami sa school, ang lolo ko ang nag sasabit ng medal sakin. Masaya ako kahit papano at ma swerte na rin na binigyan kami ng mga taong magiging gabay namin para sa future namin.
***
Kinabukasan maaga akong nagising. May group activity kami kaya malapit na akong matapos mag ayos. Tinitigan ko ang sarili ko sa salamin. Balang araw magiging flight attendant din ako, hindi ko susukoan ang pangarap kong makapag serbisyo sa kapwa.Pagdating ko sa school naka tambay muna ako sa lobby kasi sarado pa ang classroom namin. Hindi ko namalayan may message request sakin so stalk muna ako sa facebook bago ko iaccept.
" Luis Ian Kho sent you a friend request"
Gwapo, pero bata pa. Highschool student pa lang. Pero pwede na. I accepted his friend/message request. He even sent a message and our conversation starts here. Nag exchange kami ng number namin para maka communicate kami ng maayos.
Pumasok na ako sa classroom namin since nasa loob na yung ibang classmates ko. Nandito na rin yung teacher namin. Nag discuss lang kami hanggang sa matapos ang oras.
YOU ARE READING
Come Back Again
RomanceOnce a cheater, always a cheater! Hi I'm Anais Bless Roberts and here's my story.