Chapter 2 -

526 21 24
                                    

-         Chapter 2-

Julius Point of View =^_^=

[ Author’s Note – Si Julius ang daddy ni Yumi . ]

Masakit para sakin ang iwan sila , alam ko na mali . Pero huli na para magsisi pa ko , dahil ngayon , parang imposible na mapatawad ako ng sarili kong anak . Kung pwede ko lang ibalik ang nakaraan sana hindi ko na lang sila iniwan .

‘’ Bakit hindi na lang natin sabihin ang lahat ki Yumi ? Halos dalawang buwan ka ng nandito sa bahay . Hahayaan mo na lang ba na tratuhin ka ng anak natin ng parang hindi ka niya ama ?’’--- tanong ni stella ang asawa ko .

 [ stella ang mommy ni yumi ]

‘’ hindi ko siya masisisi kung magalit siya sakin ng ganun . Matagal na panahon na hindi ako naging ama sa kanya stella .  Ayoko masaktan siya sa malalaman niya ‘’---

‘’ Pero mas masasaktan siya kapag nalaman  niya na niloloko natin siya ? Julius ayoko masayang ang bawat oras na magkakasama tayo ‘’---nangingilid na ang luha ni Stella .

Niyakap ko siya ‘’ pero kailangan natin ilihim ang lahat sa kanya . Ayoko na awa ang maging dahilan , para mapatawad niya ko ‘’--- alam ko na imposibleng mapatawad na ako ng ana ko , pero gagawin ko lahat ipakita lang sa kanya na mahal na mahal ko siya at nagsisisi ako na iniwan ko siya .

‘’ Hanggang kalian Julius ? Kailangan niya malaman ‘’--- hindi ko hinayaan na tinuloy niya pa ang sasabihin niya .

‘’ Gustuhin ko man , pero hindi pwede stella . Alam ko na nasasaktan ang anak natin ngayon , ayoko ng dagdagan pa ang sakit na nararamdaman niya ‘’---hinawakan ko ang kamay ni Stella ‘Kahit anong mangyari , wag mong pababayaan si Yumi ‘’---

‘’ Julius . Wag mo sasabihin muna yan . Mahal na mahal kita at alam ko na mahal na mahal ka din ni Yumi . Kaya wag kang bibitiw ah ?’’—tuluyan ng napaiyak si stella .

Sa tuwing naalala ko ang pwedeng sapitin ng buhay ko , natatakot ako hindi para sa sarili ko . Kundi para ki stella at ki Yumi . Hindi pa  ako handa na iwan sila .

‘’ Hindi ako mawawalang ng pag-asa. Pero kailangan natin tanggapin ang lahat  ‘’--- Niyakap ko ng mahigpit si Stella . Kung alam na masisira ang pamilya ko , sana hindi ko na lang sila iniwan . Sana naging matapang ako para sa kanila .

Hinayaan ko si Stella na umiyak , hanggang sa mailabas na niya lahat ng nararamdaman niya .

----------------------------

Papasok na kami ng bahay ng biglang marinig namin ang sigaw ni Yaya . Agad kami napatakbo ‘’ Anong nagyayari yaya ?’’—nag-aalalang tanong ni Stella .

‘’ Dito ka pa sumisigaw , baka tulog na si Yumi ‘’—nasa tapat ng kwarto si Yumi , sumisigaw .

Biglang namutla si Yaya kaya nag-alala din kami sa kanya ‘’ Ano ba Yaya ? Anong nangyayari ? –

‘’ Kasi sir at ma’am huhuhu ! Kanina ko pa kinakatok ang kwarto ni Ma’am Yumi , pero walang sumasagot . Halos gibain ko na nga po pintuan niya , pero wala pa rin . Kilala kop o yun si Yumi , isang katok lang nagbubukas na siya . Pero ngayon kahit isang sigaw wala ako naririnig sa loob .Huhu Baka kung ano na po ginawa niya , baka nagpakamatay na po siya o kaya naman naglaslas ‘’--

‘’ Stop it lily ‘’—hindi ko alam ang iisipin ko ngayon . Kinatok ng kinatok ang pintuan ni Yumi . Hindi ko mapapatawad kapag may ginawang masama si yumi sa sarili niya .

Dance With My FatherTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon