"Ano ba yan umpisa na naman ng pasukan, bitin yung bakasyon" I sighed.
Habang naglalakad ako, nilabas ko ang phone ko para magchat sa gc kung saan ang room namin. Buti na lang classmate ko pa rin sila ngayong school year.
"Hoy, bakla" I heard Ella shouted.
She's my closest friend Ella, she's always with me when we were in 3rd year college. Para kaming kambal, kung saan ako doon rin siya except tuwing may cutting na magaganap.
"Oh pokpok andyan kana pala, kala ko late kana eh" I chickled.
"Bobo kaba, ikaw laging late remember?" she said sarcastically.
Anyway that's true naman, sa room namin ako ang laging late. Ewan ko ba siguro pinanganak ako para lang magpalate sa school na 'to.
"Sml? " sambit ko habang tinarayan ko sya.
"Tara na nga teh, dami mo pang satsat eh" she changed the topic.
Tutal siya naman ang nakakaalam kung saan ang room namin, sinundan ko na lang siya. Ang layo nga lang ata ng room namin at mukhang sa 4th floor pa.Pagod na ako at hingal na hingal na.
"Teh bakit pa ang tagal, kanina pa tayo naglalakad wala pa rin? Kumunot ang noo ko.
"Wait lang kasi teh, sumunod ka lang sakin malapit na tayo" sambit naman nya habang patuloy na naglalakad.
Naiinip na ako, ang tagal feel ko tuloy may mali. Baka kung saan saan na naman ako ipunta netong pokpok neto. Wala talaga akong tiwala sa babaeng 'to.
"Ayan teh andito na tayo!" she sound excited.
"Oh, tara na teh pasok na tayo ano pang inaantay mo dyan, pasko?" I said sarcastically.
"Ano ba teh hindi yan room natin, sa kabila pa yon!" inis na sabi nya.
Agad kumunot ang noo ko.
"Kaninong room 'to? Nagtatakang tanong ko.
"Siyempre sa crush ko teh, nakahanap na ulit ako" she smiled.
Sabi ko na nga eh, may kutob na ako. Umpisa pa lang ng pasukan,lalaki agad hanap.Ganto talaga 'tong kaibigan ko ang daming crush, kulang na lang lahat ng lalaki dito sa campus landiin nya eh.
"Okay teh, let's go na" I said calmly.
Sumunod na rin naman sya sakin na umalis na roon. Tumuloy na sya sa paglalakad papunta sa room namin habang sinusundan ko siya. Mabuti na lang malapit lang ito kaya agad kaming nakapunta doon.
"Oy mika!" bati ng isa kong kaibigan.
"Oh bakit Cleo" sambit ko naman sa kanya habang nakataas ang isa kong kilay.
"Wala lang, arat na umupo kana dito" he laughed.
Agad naman akong umupo roon,katabi ko ang iba kong mga kaibigan. Hindi lang naman kasi si Ella ang kaibigan ko dito sa room, may circle of friends din ako.Halos lahat ng tao dito ka vibes ko.Sadyang si Ella lang ang lagi kong kasama.
Maayos naman ang araw ko ngayon, hindi masyadong pagod dahil nga yung ibang prof ay wala. Buong isang linggo ay petiks lang kaming mga estudyante, chill lang ganon. Yung iba panay cutting na, hindi pumapasok at ang iba naman ay pumapasok na lang para sa baon.
Pero nung sumapit na ang 2nd week ng month na 'to ang dami namang project,assignment at quizzes na binigay sa amin. I felt like my body can't take this anymore. Nabigla ata katawan ko, kaya ganon.
To: Pokpok
Teh sabay tayo!! wait kita sa babaan ng jeep.
Typing......
From: Pokpok
Late ka lang eh, wag mo ako idamay tsk
I laughed before typing my reply
To: Pokpok
Boklogs andito na nga ako eh
Maaga akong nagising at nakapagayos kaya andito na kaagad ako. Hindi lang 'to makapaniwala si Ella kasi lagi nga akong late. Nilagay ko na lang ang phone ko sa bag at hindi ko na lang hinintay reply nya. I bet she's otw so I just wait her na lang.
After a few minutes, natatanaw ko na ang mukha ni Ella baka naglakad pa 'tong bruha na 'to kasi traffic.
"Ella" I shouted.
"Wow himala, teh ikaw ba yan?" she laughed.
"Hindi teh, picture ko lang 'to" I said sarcastically.
Sabay na kaming pumasok sa loob ng campus ni Ella. It's 12:02 in the afternoon and I guess we're too early since our class starts at 1:00 pm. Nasa gate pa lang kami at alam ko ng maaabutan namin ang mga 3rd year college since 12:00 ang out nila.
"Ang init naman, kaloka" sambit ko habang pinupunasan ko ang noo ko.
"Papasok pa lang tayo, mukhang haggard nako" inis na sabi ni Ella.
Habang naglalakad kami patungo sa room namin, may pumukaw sa mata ko. He looked so cute and tall. He was wearing an unfamiliar uniform but perfect for his fit.I bet he's 3rd year college student.
"Teh" I whispered.
Napatingin naman si Ella sa akin. Kumunot ano noo nya dahil sa inaakto ko.
"Ginagawa mo teh? Bakit ka bumubulong diyan?" she sounds confused.
"Teh, he looks so cute" I pointed him " I think I like him"
"Omg teh, crush ko rin yan!" sambit nya "Yung singkit diba?"
"Oo teh, at alam mo epal ka nakikicrush ka diyan" malditang sabi ko.
Patuloy na kaming naglalakad hanggang sa nalagpasan na namin ang crush ko.But I felt weird, I think I need to ask his name. Huminto ako at kinalabit ko si Ella.
"Teh balik tayo, tanungin natin ang name nya" I acted impulsively.
"Tara teh!" sabi agad ni Ella.
We're immediately went to the spot where I saw him.
"Halata teh, wala na siya" I acted like I'm going to cry.
"Oo nga" sambit naman nya.
Mabuti na lang nakita ko ang mga kasama niya kanina, at nandito pa. Agad kong kinausap sila.
"Kuya anong pangalan ng kasama nyo kanina? Yung singkit" nahihiyang sabi ko.
"Hala teh, baka magalit jowa non" agad naman sabi ng lalaki.
.....
YOU ARE READING
Too much scared to take a risk.
RandomOne of the amazing feelings is having a someone who sincerely in love with you. It is something you can treasure to your entire life. But what if you are the only one who likes him? What if he really doesn't like you? Take a risk or lose the chance...