Si Lizelle ay isang magandang dalaga na malapit ng mag-debut. Ang kanyang pamilya ay mayaman sa buhay ngunit sila ang nasusunod kung sino ang pwedeng manligaw sa kanilang anak.
Isa sa mga manliligaw ni Lizelle ay si Mark. Hindi ito mayaman pero may kaya naman sa buhay pero hindi ito gusto ng mga magulang ni Lizelle para sa kanya.
Isang araw ay hinatid ito ni Mark pauwi dahil sila ay lumabas para manood ng sine. Nagmamaneho na ang binata pauwi nang paslangin ito ng tikbalang. Nang mabalitaan ito ni Lizelle ay labis siyang nagulat at nag-alala.
Naalala niya ang sinabi ng kanyang Lola Lucy na sa araw ng kanyang debut, siya ay kukunin at pakakasalan ng nakatadhana sa kanya.
Noong anim na taon pa lang siya ay nawala siya ng limang araw. Natagpuan siya ng isang tao at mukhang na-trauma siya.
Nung panahong ito ay umaasenso naman ang kanyang mga magulang sa buhay. Hindi naman naniniwala ang mga magulang ni Lizelle sa kanyang lola, para sa kanila ay nagkataon lang ang nangyari dahil sa panahon ngayon ay maraming adik at masasamang tao sa daan.
Hanggang sa meron na namang umakyat ng ligaw sa kanya, si Lucas. Pinaslang ulit ito ng tikbalang at itinapon ang katawan sa ilog.
Lumipas ang ilang araw at may nagpakilalang binata kay Lizelle si Gabrielle. Sila'y naging magkaibigan. Magaan ang loob ni Lizelle sa binata kasi parang ang tagal na niya itong kilala.
Hanggang sa may muling umakyat ng ligaw sa dalaga, si Reymond. Ito ang lalaking gusto ng mga magulang ni Lizelle para sa kanya. Dahil dito nag-alala ang dalaga dahil baka matulad ito sa mga naunang nanliligaw sa kanya.
Inimbitahan ng nga magulang ni Lizelle ang binata sa darating niyang debut at inalok na maging escort ng dalaga.
Pumayag naman si Reymond at pauwi na siya nang may narinig siyang ingay sa bubong ng kotse niya habang nagmamaneho ito pauwi. Ganun na nga ulit ang nangyari, sinakal ito ng tikbalang hanggang sa mamatay.
Sa araw ng debut ni Lizelle ay madaming mga tao ang dumalo at isa na dun si Gabrielle na binigyan siya ng mga bulaklak.
Bigla niyang naalala ang sinabi sa kanya ng Lola niya. Nakaramdam siya ng pangamba dahil baka nga may kumuha sa kanya ngayong kaarawan na niya.
Sa kabilang banda, ang mga magulang ng dalaga ay natataranta dahil wala pa ang escort ng kanilang anak na si Reymond. May isang dalaga na lumapit kay Lizelle at sa mga magulang niya. Sinabi neto ang masamang balita na patay na si Reymond. Labis na nagulat ang dalaga at ang kanyang mga magulang.
Naisip ni Lizelle na baka may koneksyon ang sinabi ng kanyang Lola sa nangyayari ngayon at sa mga nakalipas na araw. Labis siyang nakaramdam ng takot.
Lumapit sa kanya si Gabrielle at niyaya siya na pumunta isang lugar para daw matakasan ang kanyang mga problema. Sumama naman sa kanya si Lizelle at nakarating sila sa isang luma at malaking puno.
Nagulat ang dalaga dahil nag-iba ng anyo si Gabrielle. Siya ay naging tikbakang. Sinabi niya sa dalaga na siya ang nakatadhana para sa kanya.
Inamin din neto na siya ang pumaslang sa mga manliligaw niya. Sinabi niya din kung bakit niya pinaslang ang mga manliligaw ng dalaga.
Si Mark na ang habol lamang ay ang yaman ng kanyang pamilya. Si Lucas naman ay pinagpustahan lamang ang dalaga sa kanyang tropa. At ang huli naman ay si Reymond, na walang ibang gusto kundi maangkin lamang si Lizelle.
Sinabi din ng tikbalang na noong anim na taon pa lamang si Lizelle nang siya'y mawala ay naaksidente ito. Inalagaan siya ng limang araw ng tikbalang at magmula nun ay lagi na nitong binabantayan si Lizelle dahil mahal ito ng tikbalang at ang tanging hangarin lamang ng tikbalang ay mapasaya ang dalaga at makita itong ligtas.
Naintindihan siya ng dalaga pero ayaw nitong sumama sa tikbalang dahil ayaw niyang mawalay sa kanyang mga magulang.
Sinabi sa kanya ng tikbalang na hindi siya mahal ng kanyang mga magulang at ginagamit lang siya para mas lalo silang yumaman at makilala. Gusto niya sumama ang dalaga sa kanya para makalimutan ni Lizelle ang kanyang mga problema at maging masaya lamang sa piling ng tikbalang.
Naisip ni Lizelle ang ginawa ng mga magulang niya sa kanya. At nalungkot ito nang mapatunayan niya na tama nga ang tikbalang. Kaya kusang loob na sumama si Lizelle sa tikbalang.
Nang mawala si Lizelle ay labis na nalungkot ang kanyang mga magulang. Umiiyak sila dahil nawala kaisa-isa nilang anak nang biglang umulan ng malakas pero maaraw naman. At doon nila napagtanto na may kinakasal na tikbalang.
THE END...
💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚💚
Author's Note:
Sana po ay nagustuhan niyo ang maikling storya na ito. Ginawa ko po ang istoryang ito dahil sobra akong na-touched sa napanood ko. Ang istoryang ito ay hango sa napanood ko na Midnight DJ at ang pamagat ng episode na yun ay "KASAL NG TIKBALANG". Pinalitan ko lamang ang ibang detalye kagaya ng pangalan ng mga tauhan at hindi ko sinama dito ang radio station na kung saan humingi ng tulong ang dalaga. :))
Naintindihan ko kung bakit yun ginawa ng tikbalang ay dahil nahulog na siya sa dalaga kahit 5 years old pa lamang ito. Niligtas niya yung bata nang ito ay nasagasaan. Ginamot niya ito at inalagaan ng tatlong araw. Simula nun ay sinubaybayan niya na ang bata hanggang sa ito ay tumanda. Imbes na takot ang maramdaman ko nung napanood ko ito, ay kinilig ako talaga. :))
Lahat po tayo ay may karapatang umibig. Iba man po ang inyong anyo at magkaiba man po kayo ng pinanggalingan ay hindi po ito hadlang sa dalawang tao o nilalang na tunay po na nagmamahalan. :))

BINABASA MO ANG
My Secret Admirer Is A Tikbalang (One-Shot)
Historia CortaLizelle is a very beautiful lady and she is about to turn 18 years old. Her family is very rich but they are the ones who decides who can court their daughter. She remembered what her grandma had said to her before she passed away. Her grandma told...