Chapter 1

2 1 0
                                    


"Kuya, sa Sapphire Academy na po tayo." sabi ni Zyline sa kanyang driver.

Tumango naman ang driver ang pinaadar na ang sasakyan at nagdrive na. Isinandal ni Zyline ang kanyang ulo sa salamin ng kanilang kotse tapos inayos ang kaniyang malalaking salamin.

NANG makarating na sya ng school, bumaba na sya ng kotse at dumiretso na sa gate para magswipe ng I.D. "Hello po." bati nya kay Kuya Guard na kaibigan nya. Nginitian naman sya ng guard. Dumiretso na sya sa kanilang building.

Habang naglalakad sya nakita niya ang dati nyang kaibigan na si Rizza. Kinaibigan lang ni Rizza si Zyline dahil lang sa mayaman ito. Pagkatapos ng school year last year ay hindi na muling pinansin ni Rizza si Zyline.

Nilampasan lang sya nito. Dirediretso sya ng lakad ng biglang may bumangga sa kaniya. Hindi naman sya nahulog or ano kasi sa balikat lang naman sya nabangga nung babae eh. Tinignan lang nung babae si Zyline tapos naglakad na uli. Hindi man lang nagsorry. Bulong ni Zyline sa kaniyang sarili.

NANG makarating na sya sa floor ng kanyang first class ay may nakita syang grupo ng babae na may pinagkakaguluhan. Eto nanaman? Siguro, yan namaman yung heart throb sa school na si Jasper De Guzman. Habang papalapit sya sa mga grupo ng babae narinig na nya ang mga tili nito.

Ugh. Ano ba ang meron sa Jasper De Guzman na iyan? Playboy naman eh. Ang hilig hilig ng mga babae sa playboy eh kapag naman pinatulan ng isang playboy tapos makikpagbreak sa kanila ay bigla namang masasaktan? Eh alam naman nila na ang PLAYBOY ay ang pinakamatagal na relasyon ay one--

"Aray!" sambit ng isang babae na mas matangkad sa kanya. Naku! Nabangga nya ata ang isa sa mga fan girl ni Jasper!

Nahulog pa ang mga dala niyang libro at ang kaniyang research kaya nagkalat ito sa sahig.

"Hoy babae! Di ka man lang ba magsosorry?!" sigaw na tanong nung babae na nakabangga nya. Ay oo nga pala! Kailangan nyang magsorry. Zy naman oh!

"A-Ah. Oo.. Ano.. S-sorry..." nauutal nyang sabi doon sa babae habang pinupulot ang kanyang gamit. Nahirapan sya kunin iyon dahil nililipad pa ito tapos ang layo pa ng narating.

"Ewan ko sa'yo! Tara na nga girls! Panira ng araw itong nerd na 'to!" sabi pa muli nung babae na matangkad.

Nerd. She sighed.

Walang may balak tumulong sa kaniya kaya minadali na lang nya ang pagkuha ng mga papel. Habang kinukuna nya iyun may biglang lumuhod sa harapan nya na matangkad din tapos tinulungay sya. Narinig nya ang mga bulungan ng mga estudyante na nandun. Hinarap nya ang lalaki na tumutulong sa kanya ngayon at nakita nya na si Jasper the playboy iyon!

"Uy! A-ako na lang. Kaya ko naman ito." taranta nyang sabi. Bago kasi magkaissue pa. Mabully pa sya lalo ng mga students sa school!

Hindi sya pinansin ni Jasper at pinagpatuloy nya ang pagpulot ng mga gamit ni Zyline. Nang natapos na ito tumayo sya. Tumayo din si Zyline tapos tumingala dahil masyadong matangkad si Jasper. Inabot ni Jasper yung gamit kay Zyline at tinanggap naman ni Zyline iyon.

"Ano..S-salamat." sabi ni Zyline kay Jasper habang inaayos ang kaniyang salamin.

"No prob."sagot ni Jasper tapos pinat sya sa ulo. Nataranta sya. Baka magkaissue! Pero bago pa nya mapigilan si Jasper ay natanggal na nya ang kamay nya sa ulo ni Zyline.

"You're cute." sabi nito tapos tumalikod na para umalis. Tatalikod na rin sana si Zyline ng biglang humarap ulit si Jasper.

"Oh. And by the way, you're not a nerd." sabi nito tapos tumalikod na ulit para maglakad.

"Ang cold naman nito. Ano bang nagustuhan sa'yo ng mga babae? Eh ang sungit sungit mo kaya." bulong nito sa kaniyang sarili tapos naglakad na din paalis.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The InvisibleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon